Madilim ang mukha ni Farrah habang naglalakad sa koridor ng pinapasukan niyang paaralan. Masama ang kanyang gising dahil hindi siya naabutan ng almusal. Na-late siya ng gising, kaya wala siyang nakahanda nang almusal. Ito ang tuntunin sa kanilang bahay: oras na hindi ka gumising sa tamang oras, wala kang makakain. Ang kanyang ama ay lubhang mahigpit, lalo na sa kanya. Pati sa pag-uwi ay kailangang bago pumatak ang alas-sais ng gabi, nasa bahay na siya.
Business ang kinuha na kurso ng kanyang ama para sa kanya. Lalong naging matigas si Farrah, dahil pati ang kursong gusto niya sana ay hindi nasunod. Siya ay naghahangad na maging isang pulis, na hinimok ng kanyang pagnanais na "patumbahin" ang sarili niyang ama. Alam ng dalaga kung anong gawain nito; may "monkey business" itong ginagawa na pinagkukuhanan niya ng malaking kita.
Naiinis si Farrah sa kanyang ama dahil mas importante ang pera sa buhay nito.
"Gusto kong kumain, pero fvck! Malalate na ako sa aking klase!"
Nanggigigil na bulong niya. Narinig ni Farrah ang pagkalam ng kanyang tiyan.
Lalong nainis ang dalaga. Paliko na siya papunta sa klase niya, pero sa hindi inaasahan, may bumangga sa kanya.
Napahinto sa paglalakad si Farrah dahil nalaglag ang hawak niyang libro.
Galit niya itong pinulot at hindi nagdalawang-isip na ibato sa nakabangga sa kanya.
Napahinto ang paglalakad si Augustus Merced. Umiigting ang kanyang panga dahil sa galit. Biglang tumahimik ang paligid, para bang may anghel na dumaan.
"HOY LALAKING BAKULAW! BULAG KA BA O SADYANG T-A-N-G-A KA LANG!?"
Galit na sigaw ni Farrah.
Umalingawngaw ito sa hallway. Lahat ng kapwa nila mag-aaral ay napatingin sa kanilang direksiyon. Ang iba ay napapailing na lang, dahil kahit kailan ay walang inaatrasan ang dalaga.
Humarap ang binata sa dalaga. Nagulat si Farrah sa kanyang nakita. Ang pagkasiga niya ay umurong dahil sa gwapo ng lalaking nasa kanyang harapan.
Pinagmasdan ni Augustus ang dalaga. Parang nakita na niya ito, hindi lang matandaan ng binata kung saan at kailan.
"H'wag kang haharang-harang sa dadaanan ko, bansot!" Malamig na sabi ni Augustus. Imbes na magalit ang dalaga, tila may mga kabayong tumakbo sa kanyang puso sa sobrang bilis ng t***k nito. Kumikinang ang kanyang mga mata habang nakatingin sa binata. Ngayon lang tumibok ang puso niya nang mabilis. Alam ni Farrah na gusto niya ang lalaking nasa kanyang harapan.
"Mag-date tayong dalawa." Walang paliguy-ligoy na sabi niya sa binata.
"Binangga mo ako, kaya dapat makipag-date ka sa akin!" Dagdag pa niya.
Nagkasalubong ang kilay ni Augustus dahil sa sinabi ng dalaga. Buong buhay niya, ngayon lang siya niyaya ng babae na mag-date. Ang hindi niya matanggap, 'yung binato siya ng libro. Ito ang unang beses na may bumangga sa kanya.
"Adik ka ba? Hindi ako baliw para makipag-date sa kagaya mong bansot." Pang-iinsulto niya sa dalaga. Tinaasan lang siya ng kilay ni Farrah.
"Dapat ang katulad mo sa mental dinadala. H'wag kang pakalat-kalat dito!" Pagkasabi ni Augustus niyon ay nagpatuloy na ulit siya sa paglalakad.
Napapailing na lamang ang binata habang naglalakad. Maayos namán manamít ang dal'ga, pero hindi niya akalaing may síra 'to sa utak.
"H'wag mo akong sinusubukan! Gagawin kong miserable 'yang buhay mo oras na hindi ka pumayag!" Sigaw ni Farrah bago tuluyang makalayo ang binata. Napanguso siya dahil sa unang pagkakataon ay tinanggihan siya ng lalaki.
Farrah looked around her. The others gestured and looked at her.
"What? Dukutin ko 'yang mga mata niyo, eh! Chismosa! Tapos na ang palabas, bukas ulit, mga inggitera!" Mataray niyang sita bago maglakad.
Inis na inis siya habang papunta sa magiging classroom niya. Second subject na siya pumasok dahil kahit anong gawin niya ay super late na siya sa kanyang unang klase.
Pagpasok niya sa kanilang classroom, agad na lumapit si Farrah sa kanyang mga kaibigan.
"Mangubat, may itatanong ako sa iyo!" Sigaw niya sa kaibigan. Napatingin naman sina Lillian Tabita at Maxima.
"Ewan ko sa 'yo, Fukuda! Anong kahihiyan na naman ang ginawa mo?" Mataray na tanong ni Maxima. Narinig kasi nila ang usap-usapan kanina.
Napatunayan nilang walang hiya talaga ang kanilang kaibigan.
"Kilala mo ba ang lalaking 'yon? Anong pangalan niya at course?" Sunod-sunod na tanong niya sa kaibigan.
Napataas ng kilay ang dalawa dahil ngayon lang nila nakitang nagtanong si Farrah tungkol sa lalaki.
"Kailan ka pa nagkaroon ng interest sa lalaki?" Seryosong tanong ni Lillian.
Umupo si Farrah sa tabi nila.
"Ngayon lang. Dali na, anong pangalan niya?" Pangungulit nito.
"Nararamdaman ko, siya na ang lalaking para sa akin. No'ng nakita ko ang mukha niya kanina, iba 'tong t***k ng aking puso. Sobrang bilis, para bang may mga kabayong tumatakbo. Tapos slow motion ang paligid, parang kaming dalawa lang ang nandoon." Dagdag pa ng dalaga. Hindi naman maipinta ang mukha ng dalawa niyang kaibigan dahil sa mga pinagsasabi niya.
“Kahibangan ang tawag diyan, Farrah. Suwerte ba siya sa 'yo?” Tanong ni Lilian. Inirapan naman siya ng kaibigan.
"Sinabi ko na sa iyo, Farrah, kalimutan mo na ang lahat, 'wag lang uminom ng gamot." Umiiling na sabi ni Maxima.
Napanguso siya dahil wala man lang suporta ang dalawa niyang kaibigan.
"Seryoso ako, Mangubat. Ano ba kasi ang pangalan niya?" Malamig na niyang tanong sa kaibigan.
"Augustus Merced, Engineering." Walang ganang sagot ng dalaga sa kaibigan. Napangiwi naman si Farrah.
"The fvck! Ang gwapo niya, pero 'yung pangalan, pang-lolo na." Humagalpak naman sa tawa si Lillian dahil sa sinabi ni Farrah.
"Augustus at Farrah, tapos ang magiging pangalan ng anak namin: Farrahgus, Augurah. Potaena, ang babantot!" Hindi maipinta ang mukha ni Farrah habang iniisip 'yon. Lalo lang natawa si Lillian.
"Ang advance mo namang mag-isip, anak agad ang nasa isip. Bakit, gusto ka ba niya?" Tanong ni Maxima sa kanya. Ngumiti naman ang dalaga.
"Oo naman! Sino bang hindi magkakagusto sa akin? Hello, si Farrah Fukuda kaya 'to!" Mataray niyang sagot, napairap pa siya kay Maxima.
"May girlfriend 'yon. Mahinhin, maganda, matangkad, hindi gaya mo—kabaligtaran. Ayoko na lang mag-talk!" Biglang dumilim ang mukha ni Farrah dahil sa sinabi ng kaibigan.
"Really, Maxima? Me, of all people, whom you ridiculed? Who's your friend between the two of us? Isang tawag ko lang kay Daddy, malulugi na ang kumpanya niyo!" She threatened her friend. Maxima raised an eyebrow at her.
"Oh, 'di ba? Ang sama ng ugali. Hindi ka talaga magugustuhan ni Augustus. Pihikan 'yon sa babae. Ayaw sa katulad mong maingay, walang hiya, sakit sa ulo, tapos siga pa sa kanto." Umiiling na sabi niya. Bigla namang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Farrah.
Gusto na niyang sabunutan si Maxima. Dahil wala siyang pakialam, inirapan niya lang ang kaibigan.
"'Di ba kaibigan ng Mommy mo 'yung magulang niya?" Tanong naman ni Lilian kay Maxima. Lalong nabuhayan si Farrah. Malaking pagkakataon 'yon.
"Ilakad mo ako, please. Ililibre kita araw-araw ng lunch. Tapos kada may bags akong darating, bibigyan kita. Ano pang gusto mo?" Pagmamakaawa niya sa kaibigan. Nag-puppy eyes pa siya.
Napairap si Maxima. Ayaw niyang tulungan ang dalaga; malalagot sila kay Mr. Fukuda.
"Tigilan mo ako, Farrah. Gusto ko pang mabuhay nang matagal. Soon to be Mafia boss kaya siya. Baka mamaya, pati sila Mommy madamay sa kahibangan mo." Pagtanggi ng dalaga.
Lalo namang nainis si Farrah.
"Ako na nga lang, ano pa bang maaasahan ko sa iyo. Hmp!" Mataray niyang sabi bago pumunta sa kanyang upuan.
Buong klase ay iniisip ni Farrah kung paano siya mapapansin ng binata.
Wala na siyang naging pakialam sa lesson nila. Para sa kanya, mas importanteng mapalapit siya sa binata. Iba ang nararamdaman niya para kay Augustus.
Pagkatapos ng kanilang klase, agad siyang tumayo sa kanyang kinauupuan.
“Saan tayo magla-lunch?” Tanong ni Maxima sa kanya, pero hindi siya pinansin ng dalaga. Tumakbo na si Farrah palabas ng kanilang classroom.
"Iba ang tama niya kay Merced. Naku, kapag nalaman 'yan ni Mr. Fukuda, lagot na naman siya." Umiiling na sabi ni Lilian habang nakatingin sa pinto.
Nagpunta si Farrah sa building ng Engineering. Iginala niya ang paningin sa paligid. Napangiti siya nang makita si Augustus. Kakalabas lang nito sa naging klase niya. Tumakbo siya palapit sa binata.
“Hello.” Masiglang bati niya. Malamig siyang tiningnan ni Augustus. Inaalala pa ng binata kung sino ang dalaga na biglang sumulpot.
“What do you want?” Malamig na tanong niya sa dalaga dahil kilala na ng binata kung sino ito.
“Sabay tayong mag-lunch, treat ko. Kahit saan mo gustong kumain.”
Nakangiting sabi niya. Hindi sumagot ang binata. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad.
"Hindi mo magugustuhan ang aking gagawin kapag tinanggihan mo ang isang tulad ko." Farrah threatened, her lips still curled up in a smile.
Huminto ang binata sa paglalakad. Lalong ngumiti si Farrah dahil mukhang papayag na itong sabay silang kakain. Napapatingin naman sa kanila ang ibang kapwa nila estudyante.
“Kahit saan?” Malamig niyang tanong.
Sunod-sunod namang tumango si Farrah. Muling naglakad si Augustus. Sumunod naman siya. Kinikilig ang dalaga habang nakatingin sa matipunong likod ng binata.
Napangisi ng lihim si Augustus kaya't plano niyang dalhin ito sa street food para tigilan siya nito. Nakita kasi nito mayaman ito at may pagka-arte.
"Sa labas tayo kakain?" Tanong niya sa binata dahil palabas na sila ng school. Hindi sumagot si Augustus. Nanatili lang siyang tahimik.
Pumasok sila sa karenderyang lagi nilang kinakainan ng kanyang mga kaibigan. Kumaway ang may-ari sa kanya nang makita siya. Tumingin naman sa paligid si Farrah.
“Uy, Ms Ganda, nandito ka ulit.” Bati ng isang nagtitinda. Tumingin sa kanya si Augustus.
“Opo, hihihihi.” Nahihiyang sagot ng dalaga. Tumingin sa labas ang ginang.
“Wala kang bantay? O sige, anong sa iyo? 'Yung dati?” Nakangiting tanong niya. Hindi naman maipinta ang mukha ni Augustus. Akala niya mag-iinarte ang dalaga; kilala din pala siya dito.
“Napadpad ka, Augustus. Magkakilala kayo ni Miss Ganda?” Tanong ng may-ari.
"'Yung dati kong order." Malamig niyang sabi bago umupo. Nanatili ang dalaga sa may-ari ng kainan.
Malamig niya itong tinitingnan, sinusuri. Hindi lubos-akalain na kumakain sa ganito ang kagaya niya. Halos lahat pa ng nagtatrabaho sa karenderya ay kilala niya.
Nakangiting umupo si Farrah sa harapan ng binata. Malamig lang siyang tiningnan ni Augustus.
“Dito ka pala madalas kumain? Dito rin ako noon. May binabalik-balikan kasi akong pagkain dito.” Kuwento niya. Tumango lang si Augustus. Mukhang palpak ang kanyang plano. Siguradong kukulitin na naman siya ng dalaga.
Maya-maya, dumating na 'yung order nila. Nagkatinginan silang dalawa dahil pareho sila ng inorder: Beef Pares na may tumbong. Lihim na kinilig si Farrah dahil pareho sila ng gusto.
"Ahm, see? Bagay talaga tayo, kaya pumayag ka nang mag-date tayong dalawa." Ngiting-ngiti na sabi niya sa binata.
"Hindi ako interesado sa iyo." Maikling sagot niya. Nagkibit-balikat lang si Farrah bago magsimulang kumain. Natatakam siyang tikman ang inorder niya dahil ilang buwan ring hindi na siya nakakakain dito.
Nakatingin si Augustus sa dalaga ng lihim. Magana siyang kumakain at walang arte-arte sa katawan. Napapamura na lamang siya sa kanyang isipan. Mukhang nagkamali siya.
Nagulat ang binata dahil sa biglang pagdighay ng dalaga. Napatakip naman ng bibig si Farrah. Gusto na niyang magpalamon sa lupa dahil sa kahihiyan.
"Excuse me." Naiiyak niyang sabi bago uminom ng tubig. Nanatiling tahimik si Augustus. Lalo siyang na-turn off sa dalaga. Ang layo ng ugali ng kanyang girlfriend dito sa babaeng kasama niya ngayon.
“Kuyang pogi, isa pang rice, please.” Sigaw niya. Gutom pa ang dalaga dahil hindi siya nag-breakfast kanina.
Nang matapos na silang kumain, nakatingin si Augustus sa dalaga habang nagbabayad. Payat naman ito, pero ang lakas kumain, aniya sa isipan.
Ngayon lang niya napansin na inalis pala ng dalaga 'yung blazer nila sa uniform. Kita ang maliit nitong bewang. Mayro'n ding maipagmamalaking hinaharap at matambok na puwet.
Umayos siya sa pagkakaupo nang palapit na sa kanya ang dalaga. Sinuot na ni Farrah ang blazer niya. Tumayo na si Augustus.
"Ito na ang huli nating pagkikita." Malamig niyang sabi bago naglakad palabas ng karenderya. Napangisi naman si Farrah.
"Hindi ako papayag sa gusto mo. Kukulitin pa rin kita hanggang sa gusto ko." Mahinang sabi niya habang nakatingin sa binatang papalayo na sa kanya.
---
~ITUTULOY