Farrah's POV
----
Dahil sa aking nalaman noong Sabado, hindi talaga ako nag-review. Wala akong pakialam kahit bumagsak ako sa lahat ng subjects ngayon. H'wag niya akong sinusubukan! Sinabi ko na noon sa kanila, 'wag nilang gagalawin ang aking mga kaibigan.
Ako'y nakatitig pa sa aking test booklet. Pangalan ko pa lang ang aking naisulat. Nang tingnan ko ang mga kaklase ko, abala na sila lahat sa pagsagot. Ano pa ang ginagawa ko dito? Hindi naman ako mag-e-exam.
My classmates looked at me as I stood up from my seat. Are they not used to me finishing every time? Ibinaba ko ang textbook at test paper sa teacher's desk namin nang walang imik.
"Miss Fukuda, you finished your exam so swiftly." Nakangiti niyang sabi sa akin. Malamig ko lang siyang tiningnan bago lumabas ng classroom. Kapag natapos ka na kasi, puwede ka nang lumabas, at kada subject may twenty minutes break para makapag-review o kumain.
Mamayang hapon ulit ang exam ko. Puwede akong pumunta kay Augustus—ay, exam day din pala nila ngayon, siguradong busy ang darling ko.
Pumunta na lang ako sa cafeteria para kumain. Pagpasok ko sa loob, may mga ibang estudyante rin. Nag-order muna ako ng aking makakain.
"Isang vegetable salad at buko pandan, tapos isang water." Malamig kong sabi sa tindera. Agad naman siyang kumilos.
Maya-maya pa, nasa harapan ko na 'yung aking inorder. Nagbayad na ako bago binuhat 'yung order ko.
Umupo ako sa lagi naming puwesto. Nag-umpisa na akong kumain. Ramdam ko na naman ang mga matang nakatingin sa akin. Ano na naman bang problema nila? Mabait ako ngayon dahil hindi ko pwedeng istorbohin si Augustus. Ayoko namang bumagsak siya nang dahil sa akin. 'Di na baling ako 'yung bumagsak, okay sa akin 'yon, mas katanggap-tanggap.
Napatingala talaga ako dahil sa mga babae sa aking harapan. Di ko sila kilala. Nakataas ang kanilang kilay habang nakatingin sa akin.
"Ikaw pala 'yung lumalandi kay Merced? Ano ba sa tingin mo ang iyong inaakala? Mapaghihiwalay mo sila ni Shella? Bago mangyari 'yon, titiyakin kong mabubura ang iyong mukha." Mataray niyang sabi. Sino naman siya? Apektado sa paghihiwalay nila ng girlfriend ni Augustus?
"Ano bang kailangan niyo?" Walang ganang tanong ko bago sumubo ng buko pandan. Ang sarap talaga nito, nakaka-relax sa pakiramdam.
"Tigilan mo na 'yang kalandian mo! Ang dami mong puwedeng gawin, maninira pa ng relasyon!" Tinaasan ko siya ng kilay dahil ang kapal ng mukha niyang utusan ako.
"How come you're affected? Why should I listen to you? I'm contented with what I'm doing. Besides, hindi ikaw yung sinisira ko ang relationships; bakit sobrang nagagalit ka? Ano ba problema at pinag-iinitan mo 'ko? Talaga, ako pa 'yung pinili n'yong i-bully? Mga tanga ba kayo?" isang sarkastikong tanong bago ako tumayo sa aking kinauupuan.
"Do you feel envious of me? You can avert your eyes if you don't want to see me. I don't need your opinion if you're one of those who cherishes Augustus. I'll just tell you one thing, though. Hope he noticed you, good luck. b***h!" Malamig kong sabi sa kanya. Ngumisi naman siya. Akmang hahawakan niya ako, pero agad kong tinabig ang kanyang kamay.
"You will regret it, I assure you, if you try to touch any part of my body!" Banta ko sa kanya. Aalis na sana ako, pero humarang sila sa aking daraanan.
"Aalis ka na agad? Hindi mo pa nga ubos 'yang kinakain mo!" Nakangiti niyang sagot.
"Gusto mo ba? Kainin mo na lang, total mukhang nagugutom ka na." Sarcastic pa rin ang sagot ko sa kanya.
Hindi siya sumagot. Kinuha niya 'yung vegetable salad at ibinuhos sa akin. Biglang tumahimik ang paligid. Nagtatawanan naman silang magkakaibigan.
Pumikit ako at naikuyom ang aking palad. Ano sa inaakala niya ang kanyang ginagawa sa 'kin!?
"I guess you're making fun of me, huh!?" Malamig kong sabi bago idilat ang aking mata. Ngumisi muna ako bago ko hilahin ang kanyang kuwelyo at ipahiga siya sa mesa. Dinampot ko yung tinidor at akmang isasaksak sa kanya. Bigla siyang sumigaw at nakapikit nang mariin. Bigla akong tumawa bago binitawan 'yung tinidor. Inilapit ko ang aking mukha sa tenga niya.
"Don't me, b***h. Kaya kong gawing miserable 'yang buhay mo. H'wag mo akong sinusubukan!" Malamig kong bulong bago siya bitawan.
Nanginginig ang laman-loob ko dahil sa ginawa niyang pagbuhos sa akin ng vegetable salad. Madilim ang mukha kong lumabas ng Cafeteria.
Then, I met Lillian and Maxima. They looked surprised at my filth. They approached me immediately.
"What happened? Bakit ganyan ang itsura mo?" Tanong ni Maxima sa akin habang inaalis 'yung mga gulay sa aking buhok. Si Lillian naman, sa damit ko.
"Tabi! Maglilinis ako ng katawan!" Malamig kong sabi bago nagpatuloy sa paglalakad. Nakasunod lang sila sa akin.
"Sino ang may gawa niyan sa 'yo?" Muling tanong ni Maxima sa akin.
"Hindi ko kilala, mga babaeng galit na galit!" Malamig kong sagot habang naglalakad kami papuntang locker room. Nakasalubong namin sina Augustus. Gusto ko nang lamunin ng lupa dahil sa aking itsura.
His friends stopped walking, but he just kept on walking.
"Oh, hello Miss Fukuda. What happened to you?" Marcus asked. I just looked at him with a frown.
"It's none of your business!" Inis kong sagot sa kanya. Tumawa naman siya nang mahina na lalong ikinainis ko.
"Mukhang napaaway ka, Miss Fukuda." Nakangisi namang sabi ni Gideon. Isa ring mapang-asar! Wala ba silang magawa sa buhay? At saka, himala! Namamansin ang mga tukmol ngayon. May nalanghap ba silang masamang hangin? Tsk! Pero si Augustus, hindi man lang ako tiningnan! Grabe talaga siya!
"Pasalamat nga ang babaeng 'yon, hindi ko tinusok 'yung mata niya!" Mataray kong sagot. Napairap ako sa kanila bago tuluyang naglakad. Hindi naman nakaligtas sa mga mata ko ang tinginan nila Cornell at Maxima.
"Farrah, what's the name of someone who's annoying you?" Lillian asked with a grin. I raised an eyebrow.
"Bakit, crush mo? Si Gideon Carrasco. Bakla ata 'yon, wala pang nagiging girlfriend." Tiningnan ko siya saka ngumisi.
"Hintayin niyo na lang ako dito." Sabi ko sa kanilang dalawa bago pumasok sa loob ng locker room. Buti na lang, lagi akong may extra uniform! Nakakainis!
--
3rd Person's POV
Nalaman ni Mr. Fukuda ang nangyari sa kanyang anak. Nagngingitngit sa galit ang ginoo. Tinawag niya si Mr. Ogame.
"Ogame, gusto kong sunugin mo 'yung negosyo ng pamilya ng babaeng umaaway kay Farrah. Ngayon mismo!" Malamig niyang utos sa butler nila.
"Bago po ako umalis, may dapat kang malaman. Tumawag sa akin ang teacher ni Miss Farrah. Lahat ng exam nila ngayon ay wala siyang sagot." Seryoso niyang sabi. Lalong nakaramdam ng galit si Freddy dahil sa ginawa ng kanyang anak. Akala niya ay gagawa ng paraan ang dalaga para makapasa. Pero sa kanyang nalaman ay talagang sinusubukan siya ng anak.
"Umalis ka na, gawin mo ang inutos ko! Para magtanda 'yung babaeng 'yon!" Utos niya. Naikuyom ng ginoo ang kanyang kamao.
"What the hell are you doing, Farrah!!" Nanginginig ang boses niyang sigaw dahil sa galit. Lahat naman ng sinasabi niya noon ay sinusunod ng kanyang anak. Pero ngayon, tumitigas na ang kanyang ulo.
Lumabas siya sa kanyang opisina. Balak niyang hintayin ang dalaga sa may sala. Sakto namang nakasalubong niya ang kanyang asawa.
"'Yang anak mong si Farrah, wala na siyang ibang ginawa kundi magbigay ng sakit ng ulo!" Galit niyang sabi sa ginang. Tinaasan naman siya ng kilay bago sumagot.
"Sinabihan na kita, hindi na bata si Farrah para lagi mong pagalitan. Dalaga na ang anak mo, Freddy. Marami nang pagbabago; may mga gusto rin siyang gawin, hindi 'yung lagi mong dinidiktahan. Simula noong naging mahigpit ka sa kanya, na akala mo wala na siyang ginawang tama, doon nagsimulang magbago si Farrah. Marunong na siyang sumagot at mangatwiran! H'wag mo sa akin isisi ang lahat, Freddy, dahil ginagawa ko kung anong tama at makakabuti sa kanya!" Mahabang sagot sa kanya ng ginang. Hinawakan niya sa braso ang asawa niya.
"H'wag mong kukwestiyunin ang pagdidisiplina ko kay Farrah dahil ginagawa ko ito para sa ikabubuti niya! Ka—" Hindi siya pinatapos ng ginang na magsalita.
"Hindi niya ikabubuti, kundi ikabubuti mo. Iyon ang nakikita niya, Freddy! Dahil wala kang ginawa kundi pangunahan siya sa kanyang gusto. Ginagawa mong robot ang anak mo. Tao siya, Freddy, may karapatang maging masaya! H'wag siyang itulad sa 'yo na mas importante ang pera at kapangyarihan!" Isang malakas na sampal ang natikman ng ginang mula sa kanyang asawa.
"Wala kang karapatang magsalita nang ganyan sa akin dahil asawa lang kita! Wala ka sa kinatatayuan mo ngayon kung hindi dahil sa pamilya ko! Hindi ka sana nakasuot at nakakakain ng masasarap na pagkain kung hindi dahil sa akin! In short, wala kang marangyang buhay kung hindi kita pinakasalan!" Sigaw sa kanya ng ginoo. Huminga siya nang malalim bago sumagot.
"Oo, sabihin na nating marangya ang buhay ko ngayon! Nakatira ako sa malaki mong bahay, pero para naman akong nakatira sa impiyerno! Mas masahol ka pa sa demonyo, Freddy! Maraming taon na akong nagtitiis sa ugali mo. Hinayaan kong laitin at pagsabihan ng masasakit na salita. Nilunok ko ang lahat ng iyon dahil alam ko sa aking sarili na kahit anong gawin ko, hindi mo ako magawang mahalin. Dahil nabuntis mo lang naman ako, 'di ba!? Pinakasalan mo lang ako para hindi masira ang imahe ng pamilya niyo! Isa lang ang masasabi ko: H'wag si Farrah! H'wag mong sirain ang pangarap niya para lang sa pansarili mong kapakanan!" Mariin niyang sagot sa kanyang asawa. Pinunasan ng ginang ang luha niya.
"Ako ang masusunod sa pamamahay na 'to! Bukas ang pinto, kung ayaw mong tumira dito, umalis ka. Pero hindi mo madadala si Farrah! Magkakapatayan tayong dalawa!" Malamig na sabi ng ginoo.
"Sige, patayin mo ako, kung 'yan ang gusto mong gawin. Tingnan natin kung sino ang kakamuhian ni Farrah pagdating ng araw!" Sigaw niya sa mukha ni Freddy.
Sasampalin na naman sana ng ginoo ang kanyang asawa, pero hindi na natuloy dahil dumating si Farrah. Kumunot ang noo ng dalaga. Tumingin siya sa kanyang ina na umiiyak.
"What the hell are you doing, Freddy!?" the girl shouted, as she clearly saw that he was about to slap her mother. She never thought that this was what she was going to witness today.
"Sasaktan mo ang aking ina? Ang kapal naman ng iyong mukha!" Dagdag niyang sabi bago ilagay sa sofa ang kanyang bag.
"Ganito ba ang isasalubong niyo sa akin! Wala na kayong ibang ginawa kundi mag-away! Para kayong mga walang utak!" Muling sigaw niya. Nanlilisik ang mga mata ni Freddy na nakatingin sa dalaga.
"Ikaw na bata ka!" Mariin niyang sabi bago humakbang palapit sa dalaga. Agad namang sumunod ang ginang.
Sinampal niya nang malakas si Farrah dahil sa galit. Hindi pa nakontento ang ginoo; muli niya itong sinampal.
Gulat na gulat ang dalaga dahil sa ginawa ng ginoo. Maging ang kanyang ina, halos hindi ito makagalaw sa gulat.
"Ang kapal ng mukha mong sigawan ako! Sino ka sa inaakala mo, Farrah!? Simula sa araw na ito, wala kang matatanggap na mga luho mo! 'Wag mo akong sinusubukan! Sinabihan kita na ayusin ang dapat mong ayusin. Anong ginawa mong kagaguhan! Lahat ng iyong exam, binagsak mo! Anong klaseng utak mayroon ka!?" Sigaw ng ginoo sa kanya. Hawak-hawak pa rin ni Farrah ang kanyang pisngi. Gusto niyang maiyak, pero pinigilan lang niya.
Nahihilo pa rin siya dahil sa lakas ng pagkakasampal sa kanya.
"Wala kang pakialam kung anong gusto kong gawin! Total naman, hindi mo ako trinatrato bilang isa mong anak. Mas mabuti pang lumayas na lang ako dito!" Taas-noong sagot niya sa kanyang ama.
"Wala kang kuwentang ama, alam mo ba 'yon!" Dagdag niyang sabi. Biglang nagdilim ang paningin ni Freddy.
"Rokudenashi! (Asshole)!" Nakangiti niyang sabi sa kanyang ama. Muli siyang sinampal ng ginoo. Dahil sa lakas nito ay napahiga ang dalaga at nawalan ng malay.
Gulat na gulat ang ginang dahil sa kanyang nakita. Halos mangatog ang kanyang tuhod nang makitang nakahandusay si Farrah.
"Farrah, my daughter!" Umiiyak niyang tawag sa dalaga bago nilapitan. Bakat na bakat ang kamay ni Freddy sa mukha ng anak. Tiningnan niya nang masama ang asawa.
"Hayop ka talaga, Freddy! Hinayaan kitang saktan mo ako, pero demonyo ka, sarili mong anak, nagawa mo ito! Oras na may nangyaring masama sa anak ko, hindi kita mapapatawad!" Galit na sigaw niya sa kanyang asawa.
Bigla namang natauhan ang ginoo dahil sa kanyang nagawa. Akmang lalapit na sana siya sa kanyang mag-ina, biglang nagsalita ang ginang.
"H'wag kang lalapit! H'wag mong hahawakan ang anak ko!" Mariin niyang sabi sa ginoo bago binuhat ang dalaga. Kahit nahihirapan siya ay pilit niyang kinakaya para madala sa guest room ang dalaga.
"Magpakatatag ka, Farrah. Hindi kita kayang ilayo dito dahil kapag ginawa ko 'yon, lalo lang tayong mahihirapan. Patawarin mo ako kung wala akong magawa. Makapangyarihang tao ang iyong ama. Kahit saan tayo magtago, mahahanap ka pa rin niya. I'm sorry, anak ko." Halos pabulong na sabi ng ginang sa kanyang anak.
~ITUTULOY