CHAPTER 6

2105 Words
*FARRAH's POV* — DAHAN-DAHAN kong iminulat ang aking mata, napahawak ako sa mukha ko dahil masakit pa rin. Darn it! Grabe ang sakit ng pisngi ko, nasira na ata 'tong maganda kong mukha! Wala talagang puso yung matandang yon! Napatingin ako sa gilid ng kama ko, nakasalubong ang aking kilay dahil nakaupo sa sahig si mommy. Habang mahimbing na natutulog at hawak ang aking kamay. Bumalik ang galit na nararamdaman ko ng maalala ang ginawa niya sa akin. Ilang beses ko na silang nakikitang nag-aaway, pero nung nakita kong sasampalin niya si mommy, lalo akong nakaramdam ng galit sa kanya. "Gagawin ko ang lahat mom, makaalis ka lang dito." Mahina kong sabi sa kanya. Alam ko ang hirap na kanyang pinagdadaanan kahit hindi niya sabihin. Maingat kong inalis ang kamay niyang nakahawak sa akin. May oras pa ako para maligo at papasok sa school. Pumunta ako ng banyo para gawin ang aking morning routine. A bruise and swelling were visible on my left cheek when I looked in the mirror at my face. I wiped the tears from the corners of my eyes and said coldly, "I won't let you hurt me anymore!" Pagkatapos kong maligo at magpalit ay lumabas na ako ng banyo. Nakita ko si mommy na nakaupo sa gilid ng aking kama. "Does your cheek still hurt? How are you feeling?" Sunod-sunod niyang tanong habang tinitingnan ang aking mukha. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala. "I'm okay mom, hindi ko naman 'to ikakamatay." Sagot ko sa kanya at ngumiti pero agad din akong napangiwi dahil ang sakit. Walang hiya pati pag ngiti hindi ko magawa. Paano ako magpapacute kay Augustus nito! "Mom, next time lumaban na kayo kay Dad h'wag mong hayaang saktan ka niya ulit." Seryoso kong sabi sa kanya bago siya niyakap. "Kailangan ko ng pumasok mom, iwasan mo na lang siya para hindi na naman kayo mag-away ulit." Pagkasabi ko 'yon ay kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya. Kinuha ko ang aking bag at lumabas ng kwarto. Pagbaba ko ng hagdan sakto namang nasa sala ang mga kuya kong walang silbi. "Akala ko pa naman hindi na magigising." Pagpaparinig ni Frederick. "Hindi naman ako katulad mong isang suntok lang ni dad isang Linggo ng tulog!" Sagot sa kanya bago sila tinignan isa-isa. "Bakit nandito kayo? Wala na ba sa inyo ang mga binigay na kumpanya? Kawawa naman kayong apat, mga palamunin lang dito!" Pang-iinsulto ko sa kanila saka ngumiti. Lumabas na ako ng bahay naka-abang ang ama ni Lallian. "Good morning po senorita." Magalang niyang bati sa akin bago buksan ang pinto. Tahimik lang ako habang nasa byahe, binuksan ko ang aking f*******: bumungad sa akin isang video nasusunog na isang bakery shop. Nag-scroll down na ako wala naman akong pakialam dyan. Post naman ni Maxima ang nakita ko, bago kami mag-exam kahapon. Scroll down lang ako ng scroll down hanggang sa magsawa. Binulsa ko na lang ulit yung cellphone. Maya-maya pa ay nakarating na ako sa pinapasukan kong paaralan. "Mag-ingat po kayo seryorita." Ngumiti lang ako bago tuluyang lumabas. Tinignan na ng guard ang aking bag at ID. Pinagtitinginan na naman nila ako, wala namang bago doon. Kailangan kong magbago para maglagay ng make-up sa mukha. Nagtungo ako sa comfort room naming mga babae. Pagpasok ko sa loob ay wala pang tao. Nagtali muna ako ng buhok bago naghugas ng kamay. Habang naghuhugas ako ng kamay ay may pumasok. Nagkatinginan kaming dalawa, parang kilala ko ang babaeng 'to. Pumasok siya sa isang cubicle, kinuha ko ang aking suklay mamaya na ako magmamake-up. "Hays kung minamalas nga naman, nakasabay ko pa yung malanding babae." Pagpaparinig ng girlfriend ni Augustus. Hindi ko siya pinansin patuloy lang ako sa aking ginagawang pagsusuklay sa mahaba kong buhok. "Kailan mo titigilan ang pagdikit sa boyfriend ko?" Tanong niya sa akin habang naghuhugas ng kamay. "Ako?" Pabalik kong tanong sabay turo sa aking sarili. "Sino ba ang nandito, diba ikaw lang naman ang malanding lumalandi sa kanya kahit pinagtatabuyan kana!" Mataray niyang sagot, ngumisi naman ako. "Wala akong balak tigilan si Augustus, dahil lahat ng aking gusto ay nakukuha ko. Kaya kung sino man sa ating dalawa ang dapat lumayo ikaw yon." Tinginan niya ako ng masama. "Wala ka talagang magawa sa buhay mo? Pati buhay ng ibang tao ginugulo mo. Maganda ka naman hindi mo lang ginagamit ang iyong utak. Alam muna ngang may girlfriend yung tao sige pa rin ang dikit mo. Sabagay kahit ano namang gawin mong panlalandi sa boyfriend ko, hindi ka papatulan non dahil ako lang ang mahal niya." Nakangiti niyang sagot, natawa naman ako ng mahina. "Talaga ba? Kung mahal ka ni Augustus, una palang hindi na siya pumayag na kumain kaming dalawa sa labas. Saka wag kang pakampanti dahil pwede pang magbago ang lahat. Pwedeng mahal ka ngayon ni Augustus, malay mo bukas ako na pala yung mahal niya." Kita ko ang pag dilim ng maamo niyang mukha. Akalain mo yon may pagka-demonyo din pala ang babaeng 'to. "Kaya kung ako sayo, itali mo si Augustus dahil baka mamayang pag gising mo hindi ka na mahal, kundi ako na." Dagdag kong sabi na lalong ikinagalit niya. Natawa ako sa kanyang ginawang Pag hila sa aking buhok. Mahigpit niya itong hinawakan at hinila, hindi ako nagpatalo hinila ko rin ang kanyang buhok. "Ang landi mong babae ka! Mayaman ka nga wala namang nagmamahal sayo!" Sigaw niya sa akin, aba't ang kapal ng mukha ng babaeng 'to. "Itong tatandaan mo, mapupunta sa akin si Augustus! Kukunin ko siya mula sayo!" Ganting sigaw ko sa kanya at mas lalong hinila ang kanyang buhok. "Ano sa tingin mo papayag akong mangyari yon! Para sabihin ko sayo, marami siyang plano para sa amin dalawa kaya wag kang epal!!" "Lahat ng iyon ay puro plano lang, dahil sa akin niya gagawin yon! Kami ang nakatadhana!" Pinulot ko ang kanyang buhok sa aking kamay ay hinila yon. Pareho kaming napatingin sa pinto ng bumukas ito. Nagulat ang kapwa naming estudyante nang makita kami na nagsasabunutan. Umatras silang magkakaibigan, dahil hinila ko siya palabas ng comfort room. "Malandi ka talaga! Bitawan mo ako!" Sigaw niya sa akin napadaing ako dahil muli niyang hinila yung buhok kong hawak-hawak niya pa rin. "Wala akong pakialam sa sinasabi mo! Alam kong malandi na ako since birth!" Gumanti ako sa paghila niya sa aking buhok. Mas malakas kong hinila ang buhok niya. Marami ng nanonood sa amin, yung iba ay kinukuhanan na kami ng video. Pareho kaming walang pakialam sa kanila. Wala kaming ibang ginawa kundi magsigawan at hilaan ng buhok. "Kakalbuhin kitang bwisit ka, ang kapal ng mukha mong sabunutan ako!" Sigaw ko sa kanya, hindi ata ako kilala ng babaeng 'to. "Ikaw ang kakalbuhin kong malanding higad na linta ka! Ang daming lalaki dyan boyfriend ko pa talaga napili mong landiin!" Ganting sigaw niya, tumawa ako ng mahina. "Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyong dalawa?" Pareho kaming napatigil nang marinig ang pamilyar na boses na yun. "Augustus/babe" Sabay naming tawag, hindi siya umimik. Pinaghiwalay niya kaming dalawa ng kanyang girlfriend. Napatingin ako kay Shella dahil bigla itong umiyak, ano yon? Biglang nag drama walang hiyang 'to!! "Ano bang problema mo? Wala ka na bang matinong magawa? Bakit pati ang girlfriend ko sinasaktan mo. Ganyan ka na ba ka-desperadang makuha ako? Ilang ulit ko bang sasabihin na kahit anong gawin mo, hinding-hindi kita magugustuhan!" Malamig niyang sabi sa akin, nag umpisa ng magbulungan ang mga nanonood sa amin. "Excuse me, siya itong naunang sumugod sa akin. Anong gusto mong gawin ko hahayaan siyang saktan ako?" Pagtatanggol ko sa aking sarili. "Sinungaling ka, ikaw nga itong nauna naghuhugas lang ako ng kamay bigla muna akong sinugod." Umiiyak na sabi ng babaeng pa-victim na 'to. "Oras na sinaktan mo pa si Shella, kakalimutan kong babae ka. Pwede mong saktan ang iba, pero kapag si Shella na ako magdadalawang isip na saktan ka!" Mariin niyang sabi sa akin. "Teka, wala akong ginagawang masama." Tinignan niya lang ako ng masama, bago hinawakan ang kamay ni Shella. "Augustus, pakinggan mo naman ako." Habol ko sa kanya pero tila wala siyang narinig. Tinginan ako ni Shella ngumisi siya sa akin. Lalo akong nakaramdam ng galit, bwisit kang babae ka hindi pa tayo tapos! "Augustus, please pakinggan mo naman ako." Pangungulit ko, ayokong magalit siya sa akin. "Hindi ko kailangan ng paliwanag mong puro kasinungalingan! Saka pwede tumigil ka na sa pangungulit sa akin. Nakakairita ka!" Para akong tinusok ng maraming karayom dahil sa kanyang sinabi. Napako ako sa aking kinatatayuan. Naririnig kong pinagtatawanan nila ako, sobrang sakit ngayon ko lang naramdaman 'to. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako, agad akong tumakbo palayo sa mga taong nanonood sa amin kanina. Bakit ganito hindi man lang niya ako pinakinggan? Dahil ba girlfriend niya ang babaeng yon kaya dapat niyang kakampihan! Ang unfair! Kung hindi lang niya ako sinabunutan, wala namang mangyayaring gulo. Paglabas ko ng gate ay agad kong pinara yung taxi na papalapit. Sinabi ko ang address namin, iyak lang ako ng iyak habang pauwi sa bahay. Paano na niya ako magugustuhan, sinadya ba ng babaeng yon para lalong magalit sa akin si Augustus? Dapat pala hinayaan ko na lang siyang saktan ako. Ganun ba dapat ang ginawa ko, ipagtatanggol at kakampihan niya ba ako kung sakali. Pagdating ko sa bahay ay tumakbo akong paakyat ng hagdan. Nakasalubong ko ang aking ina. Nagulat siya ng makitang umiiyak ako. "What happened to you Farrah? Bakit ka umiiyak?" Tanong niya sa akin hindi ko siya pinansin. Ramdam kong sinundan niya ako. Pagpasok ko sa aking silid dumapa ako sa kama. Umiyak lang ako ng umiyak dahil sa sama ng loob ko. "Farrah, anak anong nangyari bakit ka umiiyak?" Nag-aalala na tanong niya sa akin. Hinaplos niya ang aking likod. "Ang sakit mommy, hindi man lang niya pinakinggan yung side ko. Dahil ba girlfriend niya ang babaeng yon, tanggap ko namang hindi niya talaga ako gusto. Pero ang sakit na napahiya ako sa maraming tao. Kahit man lang sana hinayaan niya akong mag explain pero wala. Minsan lang ako magkagusto sa isang lalaki, hindi pa ako kayang mahalin." Sumbong ko sa kanya habang patuloy pa rin sa pag-iyak. "Sino ba ang lalaking yan?" Muli niyang tanong, kapag hindi ko sinabi siguradong kukulitin niya ako. "Augustus Merced ang pangalan niya mom." Agad kong sagot, napahinto siya sa paghaplod sa aking likod. "Mahal ko siya mom, gusto kong makuha si Augustus sa girlfriend niya." Halos pabulong kong sabi sa kanya niyakap ko siya. Ramdam kong niyakap niya din ako. "Shhh tahan na, 'wag ka ng umiyak okay. Kung ayaw niya talaga sayo, wala tayong magagawa dahil May nagmamay-ari na sa kanya. H'wag ka ng umiyak, subukan mong gayahin ang babaeng nagustuhan niya. Malay mo balang araw siya na ang papansin sayo." Payo niya sa akin, napahinto ako sa pag-iyak dahil sa kanyang sinabi. "H'wag ka ng umiyak, kung gusto mo talaga siya ang una mong iwasan ay yung ayaw niya sa isang babae. Kapag hindi pa nag work yan, itigil muna marami pang lalaki na mas deserve sayo. Kapag nalaman ito ng daddy mo magagalit na naman siya sayo. Alam mo bang ang lalaking yun siya yung binabayaran ng iyong ama para pumatay." Nagulat ako sa aking nalaman, alam kong may inuutusan si dad na pumatay pero hindi ko akalain na si Augustus yon. "Ayusin muna yang sarili mo, gulo-gulo ang iyong buhok." Sabi niya sa akin, napabuntong-hininga ako. Sinabi ko sa kanya ang nangyari, kung paano kami nag-away ng girlfriend ni Augustus. Biglang naging seryoso ang kanyang mukha habang nakatingin sa akin. "Walang masama sa ginawa mo, ipinagtanggol mo lang ang iyong sarili. Kung hindi man niya pinakinggan ang side mo, konsensya na ng lalaking yon. Ang dapat mo lang gawin ay ipakitang mas deserve ka niya. Kung kinakailangan baguhin mo ang iyong sarili para sa kanya go. Basta masaya ka sa iyong ginagawa." Mahabang payo niya sa akin bago punasan ang aking luha. "Basta h'wag kang magpapahuli sa iyong ama. Lagi kang mag-iingat alam mo namang marami siyang mata sa paligid. Sige na mag ayos ka na ng sarili mo. Baka makita ka pa ng iyong ama." Tumayo na siya sa pagkakaupo, seryoso ang mukha niyang lumabas ng aking silid. Tama si mommy, gagawin ko ang lahat para magustuhan ako ni Augustus. Simula ngayon babaguhin ko ang aking ugali. Gagayahin ko kung anong gusto niya sa isang babae. Kailangan kong makausap si Cornell siguradong alam niya kung anong mga tipo ni Augustus. "Humanda kang babae ka, pinagmukha mo akong masama kay Augustus. Pwes lalo kong lalandiin yang boyfriend mo! Don't me bîtch!" Mariin kong bulong habang naka kuyom ang aking kamay. ~ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD