Habang panay ang pagkwekwento naming tatlo tungkol sa mga buhay namin sa loob ng apat na taon, di ko na namalayan marami rami na pala ang nainom namin.
pakiramdam ko umiikot ang mga nasa paligid ko.
" tara sa dance floor. yaya ni bea at ni lilet saakin.
Alam mo bes krezia dapat i-celebrate natin ang pagbabalik mo. hirit naman ulit ni bea.
" at saka bes succesful naman tayong tatlo pareho double celebration. Isayaw natin to tara bilis. sigaw naman ni lilet sabay nilang hila sa magkabilang kamay ko.
"I can't say no to both of you, right? " habang pinipilit kong tumayo para naman hindi nila ako masabihang kj"
Wala rin naman akong magawa kundi ang magpahila sa dalawang to.
Habang nasa dance floor kaming tatlo, parang kay sarap sa pakiramdam .Ngayon lng ulit ako nakaranas ng malaya at walang bakas na lungkot na nararamdaman. siguro nga dahil kasama ko ang mga kaibigan ko. kasama ko ang mga taong naging gabay ko noong panahong tinalikuran ako ng mundo. masasabi kong napakaswerte ko dahil sila ang mga naging kaibigan ko. Napapangiti na lang ako habang minamasdan ang dalawa kong kaibigan panay ang sayaw.
" Oh krezia napahinto ka, halika sumayaw ka" sigaw ni bea. Sinadya nya talagang sumigaw kasi napakalakas naman kasi ng tugtog sa loob ng bar.
" Bea cr muna ako. diyan lang kayo ha. balik lang ako.
Habang paalis ako ng dance floor, tumitingin ako sa paligid ko kung san banda ang cr. Diko namalayan nakabunggo ako sa isang lalaki. dulot ng kalasingan ko, di ko na nakikita ang dinadaan ko.
" Im sorry. tanging sabi ko lang sa lalaking nakabunggo ko. Diko na inangat ang ulo ko, dahil gusto ko ng makarating sa cr.
Bago pa man ako makahakbang hinawakan nya na ang pulsuhan ko"
"Krezia right?
at lumingon ako sa kanya doon ko napagtanto kung sino ang lalaking kaharap ko.(Si marco ba ito) tanong ng isip ko.
" Hey krezia ikaw nga. Its me Marco. Still remember me?