Lunes ngayon maagang gumising si krezia dahil unang araw nya sa bagong kompanyang inaplayan nya.
" Magandang umaga nanay linda."
bati ni krezia sa may ari ng bahay na inuupahan nya. Matagal na syang nangungupahan kay nanay linda simula pa lang ng magsimula syang mag aral sa kolehiyo. Hindi naging madali ang lahat para kay krezia dahil sa umaga deretso sa paaralan at pagkauwi naman ay deretso sa trabaho. Isa syang vocalist sa isang banda, dahil dito nakaipon sya paunti unti at dto sya kumukuha pang gastos sa paaralan. Limang buwan na lang at gagraduate na sya. Sinisikap ni krezia na pagbubutihin pa talaga ang pag aaral sapagkat konting konti nalang matatapos na rin sya sa wakas.
Hindi akalain ni krezia na magkakaproblema sa bandang pinasukan nya dahilan ng kailangan nyang maghanap ng ibang mapagtratrabahuhan. Dahil meron pa syang babayarin sa paaralan at kay nanay linda.
" Magandang umaga rin anak. bati ni nanay linda kay krezia." ang aga mo ata krezia.
" opo nay. dapat maaga po kasi unang araw ko ngayon sa bago kong trabaho. buti nga po pumayag sila uuwi ako ng 5pm. kasi dederetso napo ako sa paaralan.
"Sige po nay alis napo ako". si krezia kay nanay linda.
Sige anak magiingat ka." sagot naman ni nanay linda kay krezia.
Mabilis nakarating si krezia sa Kompanyang pagtratrabahuhan nya.
Binati nya agad ang gwardyang nagbabantay sa labas.
'' Goodmorning po manong guard."
goodmorning din. Nginitian ni krezia ang guard sa pag sagot nito sa kanya.