Keanne's Pov Labag man sa kalooban ko ang saktan si krezia, pero wala akong magagawa. Ayoko ring magpakasal kay angelica, kinakailangan kong saktan si krezia para hindi matuloy ang binabalak ni mom. Lahat ng mga nasabi ko kay krezia ay puro kasinungalingan, kabaligtaran ang gusto kong ipahiwatig subalit naiipit ako sa sitwasyon ngayon. Kung ipagpatuloy ko ang namamagitan samin ni krezia, tuluyan na akong mawawala sa kanya dahil gagawa at gagawa si mom ng paraan para ipakasal sa fiance kong si angelica which is hindi ako sang ayon. tanging si krezia lang ang gusto kong dalhin sa altar. tanging si krezia lang ang mahal ko.Kaya kailangan ko muna siyang saktan para rin sa kinabukasan niya. Napag alaman kasi ni mom kung saan nagaaral si krezia at binalaan niya ako, sakaling ipagpatuloy ang ka

