Krezia's Pov Kinabukasan, mugto ang mga mata ko nagpasya akong hindi na munang papasok sa trabaho. iniisip ko rin mas mabuting magresign na lang at humanap ng ibang mapapasukan. nang sa gayon tuluyan ko na siyang makakalimutan. Gusto ko ng makausap, mababaliw akong tuluyan pag sinasarili ko ang mga problema ko. agad kong tinawagan ang mga kaibigan ko. "Hello bea?" pwede ba tayong magkita mamaya?" Habang kinakausap ko si bea naglalandas na naman ang mga luhang walang tigil. " oo naman bes, teka umiiyak ka ba?" may problema ba?" sunod sunod na tanong nito. " Bes saka ko ng ipapaliwanag sainyo kapag nagkita na tayo". wika ko " sige, basta kung ano man ang problema mo andito lang kami ha, palagi mong tatandaan yan" ani bea " Salamat bea, itxt ko na lang sayo kung saan tayo magkikita"

