EVIL PLAN

1026 Words
CHAPTER 13 Malaki, maganda at maaliwalas ang bahay na regalo ni donya Elena kina Markus at Karina. May apat na silid sa taas kabilang ang master's bedroom at isang silid sa baba Para sa kasambahay, malalaki ang bintana kaya naman presko sa loob dahil sa malayang nakakapasok ang sariwang hangin,typical na bahay sa probinsya. Konting ayos na lang sa loob ang kelangan Para makalipat na silang mag asawa. "I need to go to the office, makakauwi ka naman siguro mag isa?" walang ganang Saad ni Markus Kay Karina habang iniikot Nila ang kabuuan ng kanilang bagong bahay, napilitan itong samahan ang dalaga Para tingnan ang mga kulang sa bahay bago sila lumipat sa isang araw. Iyon ang mahigpit na bilin ng ina ng binata sa kanya. "yeah sure, ingat ka" kahit masama ang loob ay wala namang magagawa si Karina kundi umoo na lang, knowing her husband kahit tumutol sya ay iiwan at iiwan pa din siya nito. Wala ng salitang tumalikod si Markus at dumeretso sa sasakyan niya at mabilis na nagmaneho paalis ng lugar. Napabuntong hininga na lang ang dalaga sa ginawi ng kanyang asawa. Kelan Kaya siya ituturing na asawa nito? Hanggang kelan siya magtitiis sa pambabalewala nito sa kanya? Kung sana lang matapos na lahat ng problema ng pamilya Salvatorre bago pa siya tuluyang maubos..... natatakot siyang dumating ang panahon na kahit pagmamahal Para sa sarili niya ay wala ng matira, at naibigay na niya lahat sa mga taong mahalaga sa kanya Lalo na sa kanyang asawa. ******** Kakaupo pa lang ni Markus sa kanyang swivel chair sa loob ng kanyang opisina ng tumunog ang kanyang telepono. Napangiti pa siya ng makita ang pangalan ng nobya na siyang tumatawag sa kanya. "hey babe, miss me already?" masayang bungad ng binata. "yeah I miss you babe!" malanding tugon naman ni Marga. "so, how's your old MAID wife babe?" Hindi Alam ni Markus kung bakit siya nainis ng tawagin ng kanyang kasintahan ng kanyang asawa na OLD MAID. "stop, babe! let's not talk about her" pinilit na lang niyang ibaling sa iba ang topic Nila. "so how's your trip? hindinka ba pwedeng umuwi na lang dito? I miss you so much babe" "Alam mo namang kelangan Kong tulungan si dad sa negosyo niya dito db?" "ako nalang ang pupunta diyan babe, I really miss you" pinalungkot pa nito ang boses baka sakaling mapapayag niya ito. isang linggo na siyang tigang Kaya naman gustong gusto na niya itong makasama. "babe you can't do that, baka Mas lalong mawala sayo ang mana mo pag nalaman nilang sumunod ka sakin dito." may pagbabanta sa boses ni Marga. Dito siya naiinis sa kanyang kasintahan kasi parang Mas importante pa dito ang kanyang mamanahin kesa sa kanya na nobyo nito. mahal niya si Marga Kaya kahit marami siyang naririnig na negatibong bagay tungkol sa dalaga ay binabalewala lang niya ito, ang mahalaga ay makasama niya ito. "fine... kelan ka babalik dito?" nagsusumamo pa din ito. "after two months babe, konting tiis lang. utuin mo muna ang asawa mo Para Mas mapadali ang paglilipat sa pangalan mo." suhestiyon pa ng dalaga sa kanya. "what do you mean?" parang hindi niya gusto ang ibig nitong ipagawa sa kanya. "bakit di mo siya paniwalain na tanggap mo na siya at naghiwalay na tayo baka sakaling mapadali ang lahat" si Marga. Natahimik naman si Markus, hmmmm..... bakit nga ba hindi niya subukan Para matapos na ang paghihirap Nila ng kasintahan. "what do you think babe?" tanong ng dalaga ng hindi pa din siya sumasagot dito. "Give me three months babe.... then we will get married" siguradong sagot ni Markus sa dalaga. "that's my man" nakangiti namang Saad ng dalaga sa kabilang linya. "baby I'm home" sigaw ng lalaki ang narinig ni Markus sa kabilang linya. "babe, who's that guy? bakit may kasama Kang lalaki diyan?" naiinis ang binata, hindi pa din nagbabago ang kasintahan. marami pa din itong flings kahit na nariyan na siya. "oh! that's nothing babe, Sabi mo hahayaan mo ako sa mga gusto Kong gawin hanggang hindi pa tayo kasal." paglalambing pa ng dalaga. "but babe, ano na lang ang sasabihin ng mga Tao pag nakita ka nilang iba ang kasama at hindi ako." giit pa din ng binata. "siya ba ang dahilan Kaya ayaw mo akong papuntahin diyan?" "of course not babe.... fine! papaalisin ko na si Carl" Alam na Alam ni Marga kung paano paamuhin ang kasintahan, kahit na siya ang may kasalanan. "babe, paano ka magugustuhan ni mommy kung hindi ka magbabago? you know I love you Kaya kahit Alam Kong kabilaan pa din ang mga lalaki sa buhay mo, hinahayaan pa din kita basta sa huli sa akin ka pa din" malumanay nang Saad ng binata. Naiiniis naman si Marga, ayaw niya sa lahat ay ang dinidiktahan siya sa mga gusto niyang gawin. At wala siyang pakialam kung ayaw man sa kanya ng ina ni Markus, hindi nan siya ang makakasama niya at papakasalan. Pero kelangan niyang pakisamahan ito Para sa kagustuhan ng kanyang ama. "fine! siguruhin mo lang na matatapos na itong lahat pagkatapos ng tatlong buwan babe..... you know me!" may halong pagbabanta na ang boses ng kasintahan. Alam niya ang ibig nitong sabihin, hindi ito makakatagal ng walang Katalin. Masyado itong mainit sa kama, bagay na gustong gusto naman niya. "yeah! promise babe..." napabuntong hininga na lang ito. "anyway, I have to go now babe, may meeting ako in ten minutes... I love you" hindi na niya inantay na sumagot ang dalaga at pinatay na agad ang kanyang telepono. naiinis siya dito dahil patuloy pa din ito sa panlalalaki. Hindi din niya malaman kung bakit hindi siya nasasaktan sa mga ginagawa ng kanyang kasintahan, naiinis lang siya at nagagalit kasi pakiramdam niya hindi siya nito pinapahalagahan bilang kanyang nobyo. Siguro kasi nangako naman ang dalaga na magbabago na ito pag nagpakasal na sila, at yan ang kelangan niyang pagplanuhang mabuti sa loob ng tatlong buwan. Kelangan na niyang amuhin ang kanyang asawa at paniwalain na tanggap na niya ito bilang asawa Para mapadali ang Plano niyang pakikipaghiwalay dito. Kelangan niyang mapapirmahan ang annulment papers Nila ng hindi ito makakahalata sa mga Plano niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD