The beginning
CHAPTER 1
"Ganyan ka na ba ka desperadang makapag asawa, at kelangan mo pang mamikot ng lalaki Para lang pakasalan ka?" galit na galit na sigaw ni Markus Kay Karina. Matapos kasi na mahuli sila ni Donya Elena na ina ni Markus na magkatabi sa ibabaw ng kama ng binata na hubo't hubad ay Sinabi ng donya na kelangan nyang panagutan ang dalaga, sa ayaw at sa gusto nito kung hindi, hindi nito makukuha ang mana niya at iyon ay ang hacienda Margarita. At hindi pwedeng mangyari yun dahil yun lang ang tanging paraan nya Para mapapayag ang ama ni Marga, na kanyang fiancee Para tanggapin sya sa pamilya Nila. Mahal na mahal nya si Marga at gagawin nya Lahat Para sa dalaga. Ang gusto kasi ni senyor Franco ay lalaking may malawak na lupain ang mapangasawa ng anak Para sa negosyong gusto nitong itayo sa probinsya ng Nueva Ecija.
"Hindi ko Alam senyorito kung anong nangyari kagabi, maniwala ka sana" iyak na ng iyak si Karina, Dina nya Alam kung paano pang pagpapaliwanag ang gagawin nya sa binatang amo Para lang paniwalaan sya nito.
"At tingin mo naniniwala ako sayo?" gigil na gigil sa Saad ng binata at pilit na hinihila ang dalaga mula sa pagkakaupo nito sa sulok ng sofa sa loob ng opisina ng kanyang ina. "Alam ko naman na matagal ka ng may gusto sakin, at hindi ko lang mapaniwalaang magagawa mo akong pikutin Para lang mapasayo ako" at bigla nlang nya nilipat ang mga kamay nito na mahigpit na Nakahawak sa kanyang braso papunta sa kanyang leeg at mahigpit na hinawakan ng kanyang dalawang kamay.
"Bitawan mo ako s-sen-yo-ri-to di a-ko ma-ka-hi-nga" hirap na hirap man si Karina sa pagsasalita dahil sa pagkakasakal sa kanya ng binata ay pinipilit pa rin nitong magmakaawa.
"Sinira mo ang buhay ko, puwes sisiguruhin ko rin sayo na isasama kita sa impyernong pinaglagyan mo sakin" tsaka marahas na binitiwan ang leeg ng dalaga at lumabas ng opisina ang binata. Nagulat pa ang dalaga sa Malakas na pagkakasara ng pinto.
"Diyos ko kung panaginip man ito, gisingin nyo na po ako" impit na dasal ni Karina. Maayos pa ang buhay nya kahapon, hindi nya aakalain na paggising nya kinabukasan ay bigla na lang magbabago ang kanyang buhay. Aaminin nyang may gusto sya sa Panganay na anak ng kanyang amo, hindi nga lang yata simpleng pagkagusto iyon Kundi pagmamahal na. Pero hindi naman sya desperada Para pikutin ang binata Lalo na at walong taon ang tanda nya dito, masaya na sya na araw araw nya itong nakikita kahit pa nga di naman sya napapansin o kinakausap man lang kapag binabati nya ito. At Alam din nyang mahal na mahal nito si Marga, ang fiancee nito na anak mayaman din. Kaya hindi nya Alam kung paanong nangyari na magkatabi sila sa kama na walang ano mang saplot sa katawan. Wala naman syang nararamdamang kakaiba sa kanyang katawan Kaya Alam nyang walang nangyari sa kanila ng binata. Kelangan nyang Makausap si donya Elena, hindi sila pwedeng magpakasal ni Markus, ayaw nyang sirain ang buhay ng binata dahil sa pagpapakasal Nila. Mas gugustuhin pa nyang pag usapan sya ng mga Tao kesa sa pilitin ang binatang panagutan sya.
Inayos nya ang sarili at lumabas na din ng opisina Para makausap ang donya. Nakasalubong pa nya si Marie paglabas nya ng pinto. "Marie, nasaan ang donya Elena?" tanong nito sa kasambahay ng mga Salvatorre.
"Nasa may garden nya sa likod bahay, ayos ka lang ba Karina? ano ba kasing nangyari?" nag aalalang tanong nito sa kanya. sa tagal na nyang nagtatrabaho sa mga Salvatorre ay nakagaanan na rin nya ng loob ang mga kasambahay sa mansion.
"Hindi ko Alam kung anong nangyari kahapon Marie, galit na galit ang senyorito Markus sa akin" hindi na napigilan pa ng dalaga ang umiyak sa Harapan ni Marie. Nakakaunawa namang niyakap sya nito up ang payapain ang loob.
"Tama na yan, magiging maayos din ang lahat. naniniwala kami sayo na hindi mo yum magagawa, na hindi mo magagawang pikutin ang Masungit na anak ng amo natin. di ko nga Alam kung kanino nagmana ng Ugali ang lalaking yun, mababait naman Sina Don Miguel at donya Elena, maging Sina Simon at Isabella. Sya lang talaga ang naiiba" pang aalo pa rin nito sa kanya Habang yakap pa din sya.
"Sige na, nandito lang kaming lahat ku...." hindi na naituloy ni Marie ang sasabihin ng mapansin nito ang marka sa kanyang leeg. nanlaki ang mga Mata nito Habana titig na titig sa kanyang leeg.
"MY gaaaaddd Karina" sigaw nito sa kanya na hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanyang leeg at hinawakan pa ito Para masigurong Tama nga ang hinala nya.
"demonyo talaga ang lalaking yun, pano nya nagawang saktan ka, kahit ano pa ang rason wala syang karapatang saktan ka" patuloy pa rin sa pagtungayaw ang kanyang kybigan. napilitan naman syang takpan ang bibig nito Para walang makarinig at hindi na umabot pa sa kanilang mga amo, ayaw na niya ng gulo.
"Ano ka ba Marie, hinaan mo nga ang boses mo, baka may makarinig sayo" gigil na Sabi ng dalaga.
"Karina hindi na Tama ang ginagawa ng lalaking yun" humina man ang boses nito ay halata pa rin ang galit sa boses nito.
"Kaya nga kakausapin ko si donya Elena, sasabihin ko sa kanya na hindi ako pumapayag sa kasal na sinasabi nya" malungkot na Saad ni Karina. " Ayokong sirain ang buhay ni senyorito Markus pag tuluyan kaming nagpakasal"
"ayy wow.... sya pa ang masisira ang buhay sa lagay na yan? hindi ba nya Alam na daig pa nya ang nanalo sa lotto pag ikaw napangasawa nya? mabait na masipag pa magaling magluto, magaling mag Alaga, malambing at maganda" kaybigan nga nya talaga ito, malakas mabola eh! napangiti na lang sya sa tiburon ng kaybigan.
"Basta, aayusin ko to! ayoko ng gulo Marie" nasabi nlang nya sa kaybigan.
"haaysss, pero Alam mo best friend tingin ko lang ha! may kinalaman dito Yung malditang fiancee nya sa nangyari sayo" pabulong na Sabi ni Marie.
"ha? huwag Kang mambintang Marie, baka may makarinig sayo, malalagot pa tayong dalawa" si Karina.
"haaayysss sige na, puntahan mo na si donya Elena, mamaya na tayo mag usap dalawa." paalam nito sa kanya dahil marami pa itong gagawing trabaho sa kusina.
"Sige salamat Marie" nakangiting paalam rin nito na sinagot nlang din ng ngiti ni Marie bago tumalikod at dumeretso ng kusina Para magluto ng tanghalian.
Siya naman ay dumeretso na sa likod ng mansion kung nasaan ang garden ni donya Elena. "Donya Elena.." tawag pansin nito. ang Ganda talaga ng garden ng donya, nakakarelax pagmasdan ang mga bulaklak at mga Paru parung nagsasalitang dumapo sa mga bulaklak ng Rosa's, orkidyas, daisy at iba pa.
"oh Karina hija, ikaw Pala. halika dito" magiliw namang Saad ng donya.
"gusto ko po sana kayong makausap donya Elena" nahihiyang Sabi ng dalaga.
Napabuntong hininga naman ang donya sa tinuran ng dalaga. " hija, tungkol ba ito sa kasal ninyo ni Markus"
"Donya Elena..." hindi pa sya natatapos magsalita ng putulin ito ni donya Elena.
"hija, gusto kita Para sa anak ko, Alam ko matutunan ka din niyang mahalin pag nagtagal na kayo. Kaya sana hija wag mo ako biguin" nagmamakaawa ang boses nito na nakatingin sa kanya.
"Pero donya Elena, may mahal pong iba ang anak ninyo, at baka po pag pinilit natin sya ay Mas lalong masira ang buhay nya. Alam niyo po na ayaw niya na pinapakialaman ang buhay nya kahit pa po kayo na pamilya nya" nakayuko pa ring tutol ng dalaga.
"pero hija paano kung mabuntis ka" pagpipilit pa rin ng donya.
"tingin ko naman po donya Elena wala pong nangyari sa amin ni senyorito Markus, wala naman po akong nararamdamang kakaiba sa katawan ko, wala din pong masakit sakin" desidido na talaga siyang wag ituloy ang kasal sa binatang amo.
"pero paanong nangyari na magkatabi kayo sa kama na walang anumang saplot sa katawan" naguguluhan na din si donya Elena sa nangyayari.
"hindi ko rin po Alam, ang huling natatandaan ko po ay nang binigyan ako ni senyorita Marga ng inumin, pagkatapos po noon ay wala na akong matandaan" pagkukwento nya sa matanda.
"kahit ano pa yan hija, itutuloy niyo pa din ang kasal, may nangyari man sa inyo o wala. mabilis kumalat ang balita sa hacienda hija at ayokong madungisan ang dangal mo, Para na kitang anak Kaya gagawin ko ang lahat Para sayo hija" sabay yakap nito sa kanya.
"mahal mo naman ang anak ko db?" hindi nya Alam kung ano ang isasagot dito. oo, mahal nya si Markus at gusto niya itong mapangasawa pero hindi sa ganitong paraan. ayaw niya ng may nasasaktan sya at naagrabyado, Lalo pa at ayaw na ayaw sa kanya ni Markus.
"hija, kilala kita at Alam Kong magagawa mong baguhin ang ugali ng anak ko, masyado na siyang nahuhumaling Kay Marga. May ibang kasintahan ang babaeng iyon at ginagamit niya lang ang anak ko Para sa interes ng ama nito sa haciendA, at hindi ako makakapayag na mapunta sa kanila ang lupang nagmula pa sa mga matatandang Salvatorre" nagulat ang dalaga sa sinabi ni donya Elena.
"halika dito hija, umupo ka at ipapaliwanag ko sayo ang lahat." inakay sya nito paupo sa upuang bakal na nasa gitna ng garden.
"Gusto ni senyor Franco na makuha ang hacienda Para patayuan ng hotel and casino pero hindi pumayag ang namayapa Kong asawa dahil mahalaga sa amin ang lupang ito, marami man kaming negosyo sa maynila. dito ko pa din gusto tumira, pamana pa ito ng great grandfather ni Leon.
tulungan mo ako hija, sayo pinangalan ang buong hacienda..." nagulat si Karina sa sinabi ng matanda.
"Alam ni Leon na gagamitin ni senyor Franco si Markus Para sa kagustuhan nyang makapagpatayo ng casino dito sa Nueva Ecija, Kaya ginawa nya ang last will and testament na nakapaloob sa pagpapakasal niyo ni Markus. Kaya hija sana matulungan mo ako, ayokong mapunta sa mga masasamang Tao ang hacienda, bukod pa sa maraming mga tauhan ang umaasa dito Para sa kanilang ikinabubuhay" halos magmakaawa na si donya Elena sa dalaga.
Hindi pa din makapaniwala si Karina sa sinabi ng kanyang kaharap. "bakit hindi niyo nalang po sabihin Kay senorito Markus ang lahat ng ito"
"tingin mo ba hindi namin sinabi sa knya ang lahat ng to!" napabuntong hininga nalang ang donya, nahihirapan na ito sa katigasan ng ulo ng kanyang panganay.
"sinabi na namin yan sa kanya hija, maraming beses na. nagkasamaan pa sila ng daddy nya bago nawala ang asawa ko" malungkot na Saad ni donya Elena, naaawa ang dalaga dito. mahigit isang taon ng nawawala si Don Leon, nakita sa bangin ang sasakyan ng Don pero walang nakitang katawan Maliban sa maraming dugo na natuyo na sa loob ng sasakyan. ang Sabi ng mga imbestigador ay baka nilapa na ito ng mga mababangis na hayop sa kagubatan pero hindi naniniwala si donya Elena, naniniwala pa din itong buhay pa ang esposo.
"Kaya hija, ikaw nlang ang makakatulong sa akin, sa amin. mabuti sana kung ang anak ko lang ang lalaki sa buhay ni Marga pero hindi eh! hindi ko na din Alam kung anong gagawin ko Kay Markus" at tuluyan na ngang umiyak ang donya. nahabag naman si Karina sa kanyang amo, malaki ang naitulong ng mag asawang Salvatorre sa pamilya nya nung nangangailangan sila bukod pa sa paaral nito ang nag iisang kapatid niyang si Carlitos na ngayon ay nasa unang taon na nga sa kolehiyo.
"huwag na po kayong umiyak donya Elena, gagawin ko po ang lahat Para matulungan kayo" eto na Siguro ang pagkakataon niya Para makabayad ng utang na loob sa mga Salvatorre.
"salamat hija! salamat" napayakap pa sa kanya ang donya habang hinahagod ang kanyang likod. " huwag Kang mag alala hija, pagkatapos ng dalawang taon at hindi nagbago ang pakikisalamuha sayo ng anak ko, ipapawalang bisa din natin ang inyong kasal at makakatanggap ka ng sapat na halaga" nakangiti na ito sa kanya habang sinasabi ito sa kanya.
"hindi na po kelangan donya Elena, sobrang laki na po ng naitulong niyo sa pamilya ko. masaya na po akong makatulong sa inyo" bukal naman sa loob na Saad ng dalaga.
"pero hija kung Sakali man na hindi mag work ang marriage niyo at Mauwi sa hiwalayan, hilingin mo Kay Markus o ilagay mo sa kontrata na pipirmahan mo na huwag magpapatayo ng kahit na ano mang establisyemento sa loob ng hacienda."
Sabi nito habang hawak ang kanyang kamay at nakatingin sa kanyang mga Mata.
"pero sana matutunan ka din niyang mahalin, mabuti Kang babae Kaya ikaw ang gusto ko Para sa anak ko at hindi ang babaeng yun" tukoy nito Kay Marga na fiancee ni Markus.
"pasensya kna hija kung nadadamay ka sa gulo ng pamilya ko, dko na kasi Alam ang gagawin ko, Alam Kong unfair Para sayo to hija kasi hindi na kita binigyan ng pagkakataon na mag isip pa. Siguro blessing in disguise na din Yung nangyari sa inyo ni Markus Para maisagawa ko ang Plano ko Para sa inyo ng anak ko" hindi Alam ni Karina kung paano tutugunan ang sinabi ni donya Elena, sa dinami dami kasi ng mga kadalagahan sa hacienda at mga anak ng mga kaybigan Nila na mga mayayaman din at talaga namang may maipagmamalaki ay siya pa ang Napili nito. Pero tulad nga ng sinabi ng donya, sa kanya lang ito may tiwala Kaya hindi nya bibiguin ito.
"opo donya Elena, gagawin ko po lahat Para hindi mapunta sa mga Vasquez ang hacienda" ngumiti sya dito na agad din tinugunan ng yakap ni donya Elena
"call me Mommy hija" Saad nito sa knya na ngiting ngiti.
"sige po m-mommy" naalangan pa siya sa pagtawag ng mommy dito.
"anyway, dadating Sina Simon at Isabella bukas Para sa kasal niyo ni Markus hija, at tuwang tuwa si Bella sa wakas daw ay magiging tunay kna niyang ate" nawala na ang lungkot nito sa mga Mata, marahil dahil sa kaalamang dadating ang kanyang mga anak at makukumpleto na naman sila. madalang lang kasing umuwi dito ang dalawa dahil nag aaral si Isabella sa Maynila samantalang pinamamahalaan naman ni Simon ang mga negosyo Nila duon. Si Markus kasi ang humahawak sa buong hacienda at sa rancho Kaya eto lang ang nandito at kasa kasama ni donya Elena.
"maraming salamat po mommy sa pagmamahal sa akin" masayang masaya ang dalaga sa kaalamang tanggap sya ng buong pamilya ng lalaking mapapangasawa niya kahit pa nga ang mapapangasawa niya ay ayaw naman sa kanya.
"may tiwala ako sayo hija, ikaw na ang bahala sa anak ko" marahang tango nlang ang isinagot nya dito.
"oh siya umuwi kna muna sa inyo Para makapagpahinga at bukas na bukas din ay mamanhikan na kami hija" hinatid pa sya nito sa may gate at niyakap bago nagpaalam na aalis na.
haayysss! ang daming nangyari ngayong araw, masakit tanggihan ng lalaking mahal na mahal mo pero gagawin niya lahat matulungan lang si donya Elena. kung bakit ba naman kasi may mga taong handang gumawa ng kasamaan Para lang sa Pera at kung bakit ba kasi ang pasaway niyang puso ay sa maling Tao pa tumibok, bukod sa Mas matanda sya ng halos walong taon Kay Markus ay Malayo din ang agwat ng kanilang pamumuhay. kumbaga langit at lupa ang pagitan nila."
Napabuntong hininga nlang si Karina sa mga naiisip, sa dead na tatlumpo't tatlo ay ngayon lang siya nakaramdam ng ganito, na kahit sinasaktan na sya ng lalaking mahal niya ay sige pa din ang puso niya sa pagtibok Para dito. di pa din niya Alam kung paano ipapaliwanag sa mga magulang ang sitwasyon niya ngayon.
Kinakabahan si Karina habang papalapit sa kanilang bahay, hindi niya Alam kung paano sasabihin sa mga magulang ang gulong napasukan sa mga Salvatorre. Alam niyang mahal siya ng kanyang pamilya pero hindi niya Alam kung matatanggap Nila Lalo na ng kanyang ama ang pagpapakasal niya Kay Markus Lalo na at Alam ng buong Bayan Nila ang relasyon nito sa anak ni senyor Gustavo. ang pagiging Baliw nito Kay Marga.
"oh ate andyan kna Pala bat dka pa pumasok sa loob?" si Carlitos ang nakababatang kapatid niya. nasa labas na Pala siya ng kanilang bahay, hindi man lang niya namalayan dahil sa sobrang pag iisip.
"ikaw Pala Carlitos, bakit ang aga mo ata ngayon. alas tres pa lang a, di ba at alas singko ang labasan mo?" si Karina.
"eh ate may event sa school ngayon Kaya umuwi nlang ako at wala namang ginagawa, tutulong nlang ako Kay tatay sa bukid" kakamot kamot pa ito sa batok habang nagsasalita.
"Ganon ba? nandyan ba Sina tatay at nanay?" kinakabahan man ay pilit niyang huwag ipahalata sa kapatid.
"eh nasa kusina si nanay si tatay naman nasa bukid pa, Kaya nga ako papunta duon" sagot ng kapatid habang nakatitog sa kanya. "ate may problem ka ba? nag aalala nitong tanong sa kanya.
"sige na puntahan mo na si tatay sa bukid, mamayang Gabi nlang tayo mag usap" pagtataboy nito sa kapatid, mamayang Gabi nlang niya ito sasabihin sa kanila. Sana lang maintindihan Nila at walang violent reaction, Lalo na ang kanyang tatay. Pumasok na siya sa loob ng bahay ng umalis si Carlitos at dumeretso sa kusina kung nasaan ang nanay niya na nagluluto ng kakanin na ibebenta sa palengke bukas ng Umaga.
"Nay kumusta po kayo dito?" nagulat pa si aling Minda sa bigla niyang pagsulpot sa kusina.
"ay nako Kang Bata ka, bat ka ba nanggugulat dyan" natawa siya sa reaksyon ng ina na naibato pa nito ang hawak na sandok sa pagkagulat.
"hahaha! nanay dahan dahan na nga ako eh nagulat ka pa din" di na niya napigilan ang Matawan sa kanyang ina.
"ikaw talagang Bata ka" sabay pulot nito sa sandok na nasa sahig at hinugasan.
"bakit napauwi ka ata, akala ko eh hanggang sabado ka pa sa hacienda anak" ipinaghain siya nito ng paborito niyang Suman.
"oh siya ikaw eh kumain muna, pauwi na din ang tatay at ang kapatid mo" habang patulo sa paghahalo ng biko sa malaking kawali.
"salamat po nay, the best talaga ang gawa mong kakanin" habang panay ang subo nito sa Suman kahit mainit init pa, nagyon niya lang naalala na hindi Pala siya nakakain simula pa kaninang Umaga dahil sa nangyari Kaya naman ngayon ay gutom na gutom na siya.
"sige na kumain ka na lang divan, nambola ka pa" nangingiti na lang si along Minda sa anak na pinapanuod habang panay ang subo ng suman.
"kumusta naman ang pagtitipon sa mansion kagabi anak, marami bang tao?"tanong ng kanyang ina. halos mabulunan naman siya sa tanong ng ina. agad naman siya nitong binigyan ng tubig.
"ikaw nga eh maghinay hinay naman sa pagsubo Karina, aba eh daig mo pa ang hindi nakakain ng isang lingo kung makasubo ka a" hinagod hagod pa nito ang likod ng dalaga.
"ayos na po ako nay, salamat po" sagot nito ng makabawi. "ayos lang naman po, usual maraming Tao at masaya ang pagtitipon sa mansyon" walang Gana niyang sagot sa tanong ng ina.
"ikaw ba Karina eh wala pang balak mag asawa? aba anak tumatanda ka na" at yun na nga ang tanong na iniiwasan niya.
"ayaw mo ba Kay Nandeng anak? gwapo din naman at mabait, may maayos na trabaho at hight sa lahat kilala na natin simula pagkabata" talagang botong boto eto Kay Nandeng na kababata niya, matagal na itong nanliligaw sa kanya pero hindi niya ito mabigyan ng pansin dahil abala siya sa hacienda at Isa pa may nagmamay ari na ng kanyang puso kahit na nga ba ayaw naman sa kanya... hayyysss!
"Nay magkaibigan lang po kami ni Nandeng" nasabi nlang niya sa ina. Natigil sila sa pag uusap ng magbukas ang pintuan sa likod bahay.
"oh andyan na pala ang tatay mo! sige na at tatapusin ko na ito Para makapagluto na ng hapunan" nilalagay na ng kanyang ina sa bilaong may sapin na dahon ng saging ang nalutong biko Para palamigin.
"oh Karina, napaaga ata ang uwi mo ngayon?" si mang Andoy ang kanyang tatay, habang sinasabit sa dingding ang Sombrero nitong gawa sa dahon ng anahaw.
"opo tay, si Carlitos po hindi niyo ata kasama?" kinakabahan na siya, this is it!
"eh nagpunta pa sa hilaga Para manguha ng Gabi Para daw sayo" nakangiti ang ama habang sinasabi ito. mahal na mahal talaga siya ng kapatid, Alam nitong paborito niya ang ginataang Gabi. napangiti naman siya sa ama.
"oh Andoy gusto mo bang mag meryenda" tanong ng kanyang ina.
"aba naman darling kung bibigyan mo ako eh di kakainin ko" sabay kinda ng kanyang ama sa kanyang ina. natutuwa siya sa kanyang mga magulang, na kahit matatanda na at mahirap ang kanilang buhay ay masaya pa din at mahal na mahal ang bawat Isa. Sana lang makahanap din siya ng lalaking katulad ng kanyang ama, responsable at masipag na asawa at ama. pero napawi ang ngiti ng Maisip si Markus. Sana matutunan din siyang mahalin ng binata pagdating ng panahon.
"ah nanay, tatay may sasabihin po sana ako. Sana po wag kayo magalit" this is it pansit Karina. Sabi nga Nila, it's now or never! hindi niya malaman kung maiiyak o matatawa sa mga oras na ito, namomroblema na siya at lahat eh kung ano ano pa ang naiisip niya. " pupunta po bukas Sina donya Elena dito kasama ang kanyang mga anak" kahit nakayuko ay Ramdam niya ang titig ng kanyang mga magulang sa kanya.
"bakit Karina? ano bang nangyayari? bakit di mo pa kami deretsahin ng tatay mo" medyo mataas na ang boses ng kanyang ina Kaya Mas Lalo syang kinabahan.
"kasi po nay, tay! nahuli po kami ni donya Elena na magkasama ni senyorito Markus sa kwarto nya" halos hindi na siya humihinga habang nagsasalita." gusto po ng donya na magpakasal kami ni Markus sa lalong madaling panahon."
Isa
dalawa
tatlo
apat
lima
Limang segundong katahimikan bago narinig ang pagbagsak ng kung anong bagay sa sahig. pagtingin niya ay ang kanyang kapatid na halatang nagulat sa kanyang sinabi, hindi niya napansing nakauwi na Pala eto.
"wala man lang bang magsasalita sa inyo?" hindi niya malaman kung anong nangyayari sa kanyang pamilya, masyado niya atang ginulat ang mga eto at nakatingin lang sa knya habang nakanganga. Gusto niyang Matawa pero hindi ito ang tamang oras Para magbiro.
"joke ba yan ate?" si Carlitos ang unang nakahuma sa pagkagulat.
"sana nga nagbibiro lang ako, pero hindi eh! Totoo ang sinasabi ko" palipat lipat ang tingin ng dalaga sa kanila.
"hindi magandang biro yan Karina" si aling Minda naman ang nakabawi at umupo sa tabi ng asawa.
"Nay totoo po ang sinasabi ko..." hindi na niya naituloy ang sasabihin ng sumabat ang kapatid.
"pero ate may kasintahan Yung Markus na yun at Bali balita sa Bayan na malapit na sila magpakasal tapos ngayon sasabihin mong ikakasal kayo?" mataas na ang boses ng kapatid.
"Carlitos, ang boses mo! ate mo pa rin yan Kaya respetuhin mo" ang kanyang tatay Andoy.
"tay, patawarin niyo po ako" hagulgol ng dalaga na niyakap ng kanyang ama.
"matanda kana anak, Alam mo na ang Tama at Mali, decision mo yan. bsta pag sinaktan ka niya balik ka lang dito samin ha!" sabay yakap sa kanya ng mahigpit, nakiyakap na din ang kanyang nanay, samantalang ang kanyang kapatid ay lumabas ng bahay. Alam niyang ayaw ng kapatid niyang masaktan siya Kaya siya nagagalit sa ginawa niyang decision, peeo nangyari na ang nangyari at kelangan niyang tuparin ang pinangako niya Kay donya Elena.
"salamat po nay, tay! waG po kayo mag alala sakin Kaya ko na po ang sarili ko" nakangiti siya sa mga magulang habang sinasabi ito.
"pero anak Mas Bata siya sayo at malayo ang agwat ng buhay natin sa kanilA, baka mahirapan ka lang dun. bakit di na lang si Nandeng ang pakasalan mo?" haay, ang nanay niya talaga, hindi pa din sinusuko si Nandeng sa kanya.
"Minda, hayaan mo na ang anak mo. hindi na yan Bata, ano ka ba!" Saad ng kanyang tatay pero mukha namang naiiyak.
naiiyak din tuloy siya, akala niya magagalit ang kanyang ama. pero laking pasasalamat niya at naintindihan siya nito. Kelangan nlang niyang kausapin ang kanyang kapatid.
"pssst...." di talaga siya pinapansin ng kapatid, kanina pa siya nagpapapansin dito pero parang wala itong naririnig. Minabuti nalng niyang Maupo sa tabi nito sa may ilalim ng punong mangga sa Gilid ng kanilang bahay.
"di mo ba talaga ako papansinin?" pero wala pa din itong kibo. " sige babalik nlang ako sa hacienda tutal naman galit kayo sakin dito.." pananakot niya sabay tayo upang umalis na, Alam naman niyang di siya matitiis ng kapatid.
"mahal mo ba siya ate?" sa wakas nagsalita din, napangiti siya sa kanyang kapatid.
."oo naman, di naman ako papayag na magpakasal sa kanya kung hindi ko sya mahal noh!" hindi na niya sinabi ang totoong dahilan ng pagpapakasal niya Kay Markus, ayaw niyang mag alala ang kanyang pamilya sa kanya. gagawa nlang sya ng paraan Para hindi matuloy ang pagpapatayo ng hotel and casino sA hacienda kahit pa maghiwalay sila ni Markus at makipagbalikan ito Kay Marga pagkatapos, nasasaktan siyang isipin na kahit Kaylan ay hindi siya matututunang mahalin ni Markus. Pero gagawin niya lahat ng kanyang makakaya Para matupad ang pangako niya Kay donya Elena kahit pa siya ang talo sa huli dahil sa pagmamahal niya Kay Markus. Sana lang wag ng lumalim ng husto ang pagmamahal na meron siya sa binata bago pa sila maghiwalay pagdating ng panahon. natatakot siyang Mas lalong mahulog sa binata at hindi na makaahon pa.
"pero ate malayo ang agwat ng edad ninyo at Pati na ng antas ng pamumuhay natin ay malayong malayo , baka looking ka lang niyan ate.... pag nangyaring saktan ka niya, mapapatay ko talaga sya ate" may diin ang bawat Salita ng kanyang kapatid, Alam niyang seryoso eto sa Banta nya.
"ano ka ba, matanda na ang ate mo. Kaya ko na ang sarili ko, okay? ang pag aaral mo ang atupagin mo wag mo na,akong isipin. mahal na mahal ka ni ate at ayokong makagawa ka ng masama at hindi maganda sa kapwa dahil sakin, magagalit talaga ako sayo... naiintindihan mo ba si ate ha Carlitos?" mahaba niyang wika sa kapatid, naiiyak na siya pero ayaw niyang ipakita sa kapatid. ramdam niya ang pagmamahal sa kanya bilang kanyang ate. pero ayaw niyang masira ang kinabukasan nito dahil sa kanya, sa sitwasyon nya ngayon ay hindi na siya sigurado kung magiging maayos pa ba siya.
*********
"Markus where are you?" natitimpi ng galit si donya Elena sa anak, napakatigas talaga ng ulo nito simula ng maging nobya nito ang Marga na yun. kausap niya sa telepono ang anak.
"I'm with Marga mom, what do you want?" naiirita na din ang binata sa kanyang ina.
"makipaghiwalay ka na sa kanya ngayon din Markus, bukas mamanhikan na tayo kina Karina" pinipilit magpakahinahon ng donya Para mapasunod ang kanyang anak.
"what? no mom, hindi ako makikipaghiwalay Kay Marga at hindi ko pakakasalan ang matandang dalaga na yun, my gaaddd mom, she's way older than me at nadidiri ako sa knya... si Marga ang pakakasalan ko mom and that's final" sigaw ni Markus sa kabilang linya.
"oh Anak, nalimutan ko pa lang sabihin sayo na ang buong hacienda at ang rancho kasama na ang mansion ay nasa pangalan ni Karina?" nakangisi na si donya Elena, Alam niyang mapapasunod nito ang kanyang anak.
"whhhaaaatttt? how?" Mas Lalo pang nagalit ang binata sa sinabi ng kanyang ina, Para na siyang Toro na handang manuwag sa sobrang galit
"yes hijo, at mapupunta lang sayo lahat ng mana mo, pag pinakasalan mo si Karina at magkaron kayo ng anak" ngiting tagumpay na si donya Elena, Alam niyang hihiwalayan na nito ang kasintahan at papakasalan si Karina.
"paano nangyari yun mom, she's not even a family" nanggagalaiti pa din ito sa galit.
"because you are not listening son, sinabi na namin sayo na ginagamit ka lang ng mag amang yan pero di ka nakikinig, kung hindi dahil sa hacienda anak hahayaan kitang pakasalan mo ang babaeng yan kahit pa kung sino sino ang kinakalantari.."
"mom, please stop it" putol ni Markus sa ina, Alam niyang hindi lang siya ang lalaki sa buhay ni Marga pero anong magagawa niya kung mahal na mahal niya ang dalaga, himdi niya ata kayang mabuhay ng malayo dito.
"anak, wake up please! aantayin mo pa bang mawala ang lahat sayo bago mo marealize na hindi siya karapat dapat mahalin ng totoo dahil Isa siyang manloloko" Alam ng binata na naiiyak na ang kanyang ina sa paulit ulit na pakiusap sa knya na hiwalayan na ang kanyang kasintahan pero hindi niya talaga Kaya, si Marga na ang buhay niya. at ikamamatay niya pag hiniwalayan siya nito.
"mom magpahinga na po kayo, pauwi na po ako" malumanay na ito sa pakikipag usap, ayaw Nman niyang magkasakit ang kanyang ina dahil sa katigasan ng ulo niya.
"OK anak, don't forget tomorrow son. mamanhikan na tayo. darating din ang mga kapatid mo, Kaya umayos ka kung ayaw mong mawalan ng mana. tingnan ko lang kung gustuhin kpa ng babaeng yan pag nalamang wala Kang mamanahin" pananakot pa nito sa kanya.
"fine mom, goodnight" binaba na niya ang kanyang cellphone, sumakit ang ulo niya sa pakikipag usap sa kanyang ina.
"hey baby, are you ok?" si Marga, kalalabas lang nito sa banyo, nakasuot lang ito ng pulang lingerie at tingin niya ay wala itong suot na pangloob. napangiti siya dito, ang babaeng mahal na mahal niya, kakayanin ba niyang mawala ito sa kanyA?
"just kiss me baby and I'll be fine" paglalambing nito sa dalaga. mabilis naman siyang sinunod nito. agad pinulupot ng dalaga ang braso sa kanyang batok at hinapit nya naman ito sa bewang naging mapusok ang kanilang halikan hanggang sa nauwi sa mainit na tagpo. nakalimutan na niya ang pangako sa ina na uuwi na sya sa mansyon. "im sorry mom"