CHAPTER 2
Halos hindi nakatulog si Karina kagabi kakaisip kung ano na ba ang mangyayari sa kanya pagkatapos ng pag uusap ngayong araw. Kung bakit ba naman kasi siya napasok sa gulong to!
"Karina, anak bangon ka na divan. anong oras ba darating Sina donya Elena?" pasigaw na tanong ng kanyang ina sa labas ng kanyang silid.
"Nay mamayang hapon pa po mga alas tres po siguro kasi aantayin pa Yung mga anak na darating ngayong tanghali galing maynila" pasigaw ring sagot nito habang tamad na tamad na nakahiga pa din hanggang ngayon at nakatunganga sa kisame.
"oh siya lumabas ka na diyan, at mag ayos ng bahay, ako eh dadalhin Yung mga kakanin sa palengke Para maibenta." sinilip pa siya ng ina sa pinto bago tuluyang umalis.
"lord kayo na po bahala sakin" naidasal na lang niya bago tuluyang lumabas ng kwarto Para maglinis at magluto Para sa mga darating na bisita mamaya.
Naging abala si Karina sa paglilinis sa buong bahay, hindi na niya namalayan ang oras at magtatanghali na Pala at kelangan pa niyang magluto.
"Ayy! s**t, di pa Pala ako nakakapagluto" anya at Dali daling tinapos ang ginagawa at mabilis na sinimulang Ihanda ang mga lulutuin. siya namang pagdating ng kanyang ina galing ng palengke.
"oh Anak bilisan mo na divan at tanghali na, medyo matagal maluto yang biko" Sabi ng kanyang ina na kapapasok lamang ng kusina.
"opo nay, nasaan po ba si Carlitos at papakuha ako ng buko Para sa inumin mamaya" sa kamamadali niya ay napaso siya sa kawali.
"aray, naman! kainis tong kawali na to, pinaso pa kamay ko" maktol niya sabay subo ng daliring napaso.
"ikaw nga Karina eh umayos ha! Para Kang tanga diyan, sisihin ba ang kawali sa katangahan" nakapameywang pa ang ina, di niya tuloy malaman kung matatawa o maiinis sa nakabusangot na ina. Alam niyang ayaw pa din niya ang desisyong pagpapakasal niya Kay Markus pero Sabi nga ng kanyang ama, matanda na siya Para pakialaman pa ang mga desisyon nya sa buhay.
"anak, sigurado ka na ba talaga diyan? di na ba mababago ang desisyon mo? bigla naman siyang nalungkot sa tinuran ng ina. Pero nasimulan na niya at kelangan niyang panindigan ang nasimulan niya.
"nakita ko Pala si Nandeng sa may Bayan at kinukumusta ka" Sabi nito at siya na ang nagpatuloy ng kanyang niluluto.
"Nay napag usapan na po natin ito diba?" sabay yakap mula sa likod ng inang naghahalo ng biko.
Huwag po kayo mag alala uuwi pi ako agad sa inyo pag inaway niya ako" pinipilit niya pa ding pasiglahin ang boses kahit na naiiyak na siya, ayaw niyang mag alala ang kanyang pamilya.
Hinarap siya ng ina at niyakap ng mahigpit.
"anak ang pag aasawa ay hindi biro, na pag ayaw mo na o nasaktan ka na eh susuko ka na. hindi pwedeng pag nag away kayo eh hiwalay na agad." madamdaming wika ng ina habang hinahagod ang likod ng dalaga. siya namang bukas ng pinto sa kusina at pumasok ang kanyang kapatid dala ang mga buko.
"oh anong drama na naman yan?" si Carlitos. "payakap din ako" nakanguso pa ito na ambang yayakap din sa kanila.
"naku ang anak Kong isip Bata, halika nga dito" at niyakap na nga silang magkapatid ng kanilang ina. masaya siya sa kanyang pamilya, mahirap man ang buhay Nila pero mayaman Nila sa pagmamahal Para sa isa't Isa.
"oh siya Tama na yang drama at mag ayos na tayo baka bigla silang dumating eh hindi pa rayo tapos dito. sabay tulak sa kanila ng kanyang ina. Nagkatawanan nalang silang magkapatid.
"haayyysss! sana maging maayos din ang lahat, sana naman ay makisama si senorito Markus mamaya. ayaw niyang mag isip ng hindi maganda ang mga magulang at kapatid pag hindi maayos ang pakikipag usap ng binata mamaya.
Kasalukuyan siyang nagsusuklay ng makarinig ng ugong ng sasakyan sa tapat ng kanilang bahay. bigla naman siyang kinabahan, ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib.
"naku naman, relax ka lang Karina.... enhale..... exhale!" hingang malalim then smile! maganda ako kahit matanda na" natawa pa siya sa naisip. nababaliw na nga ata talaga siya.
"Karina and yan na sila, lumabas ka na diyan" boses ng kanyang ina ang pumukaw sa kanyang pag iisip ng kung ano ano.
"lalabas na po nay" sagot naman niya. nakasuot siya ng bestidang pula na aabot hanggang tuhod, sleeveless ito na v-neck
Kaya medyo kita ang kanyang cleavage, medyo hapit din sa kanyang katawan. hindi man kagandahan ang kanyang mukh pero maipagmamalaki naman niya ang kanyang katawan. Sabi nga ni Marie, coca cola shape daw, baliw talaga ang kanyang kaybigan. pinaresan niya lang ito ng flat sandals na item, hindi na rin siya naglagay ng kolorete sa mukha. bukod sa hindi siya marunong eh wala din naman siya Kaya
Keri na ang liptint. lakas Maka teenager ang Lola niyo. Isang sulyap pa sa Saladin at tuluyan na ngang lumabas ng kanyang silid.
Naabutan niya sa Sala Sina donya Elena, Simon, Isabella at ang gwapong gwapo na si senyorito Markus kahit pa nga Para itong namatayan sa hitsura niya ngayon. Naka itim itong polo, itim na pantalong maong at item na sapatos, idagdag pa ang mukha nitong di maipinta dahil Naka busangot.
Kahit nasasaktan siya sa gawi ng binata ay pinilit pa din niyang pasiglahin ang boses.
"magandang hapon po" magalang niyang bati sa kanilang bisita at matamis na ngumiti sa lahat bago tumingin sa binatang wala atang pakialam sa mga nangyayari sa paligid at panay lang pinto sa kanyang cellphone.
"hi ate, I miss you" bati sa kanya ni Isabella at niyakap siya ng mahigpit.
"hey Isabella, kumusta kna" lumapit din sa kanya si Simon at niyakap siya ng mahigpit na ginantihan din niya ng yakap.
Napansin din naman niya si donya Elena na sinipa nito ang paa ni Markus Para pukawin ang presensya nito. agad namang binaba ng binata ang cellphone at biglang yumakap sa kanya na siyang kinapitlag niya.
"welcome to hell my Old maid wife" bulong nito sa kaliwang tenga niya bago siya binitawan. halos manlamig naman siya sa tinuran nito sa kanya pero ngumiti pa di sya sa lahat na parang walang nangyari.