Meet My Man
Masayang bumaba ng school bus si Yen. May surprise sya sa mama at papa nya. Last school year ay second honor lang sya sa klase. Masyado siyang tumutok sa mga art contest na sinalihan niya. Last year nya lang kase nadiscover na malaki pala ang potensyal niya sa art. Alam niya na kahit hindi nagbigay ng opinyon ang magulang ay alam niya na dismayado ang mga ito sa result ng class standing niya. Consistent first honor kase sya, katulad ng mga kapatid niya. Pinakamatalino sa kanila ang ate Rio niya, kaya nga naging isang magaling na doktor ito. Matatalino rin ang mga kuya niya, matataas ang posisyon ng mga ito sa kompanya nila.
Nangako sya na babawi sya ngayong school year, lalo pa at gagraduate siya ng high school. At hindi nga sya nagpabaya ngayong taon dahil nakuha niya ang highest honor, pero syempre itinuloy nya pa rin ang hilig nya sa art, naging maingat na nga lang sya para hindi mapabayaan ang academics standing niya. Sadyang mahusay rin ang mga kaklase niya, dahil wala pang one point ang lamang niya sa mga ito. Ang importante ay siya ang aakyat sa stage para sa valedictory speech.
Pumapasok pa lang sya sa gate ay nakarinig na siya ng mga ingay. Napabilis tuloy ang lakad niya. Bubuksan na niya ang main door nila ng maulinigan niya na nanggagaling ang ingay sa may tagiliran ng bahay, sa garden ng mama niya. Pinili niyang sumiksik sa isang malagong halaman, kung saan hindi siya makikita ng mga tao sa garden.
Naroon ang buong pamilya niya, at nakita nya rin ang boyfriend ng ate niya na si Sebastian Villamor, anak ng may-ari ng Villamor Builders. Matagal na itong kaibigan ng kuya Rake niya. College pa lang ang mga ito ay palagi ng magkasama. Base sa natatandaan niya ay niligawan lang nito ang ate Rio niya noong makatapos ang ate nya ng college. Matagal din itong nanligaw sa ate nya. At base na rin sa kwento ng ate Rio niya ay mahigit 5 years na ang relasyon ng mga ito.
Umiiyak ang ate nya, habang yakap ng mama nya. Kita nya ang galit ng kuya at papa niya. Pero may isa pang lalaki na higit na galit. Parang gusto ng mga itong pagtulungan si Kuya Basty. Lalapit sana sya para marinig ang pinag-uusapan ng mga ito ng bigla na lang sinuntok ng lalaking hindi niya kilala ang boyfriend ng ate nya na si kuya Basty. Lalo tuloy siyang napaurong, dahil natakot sya.
Tatalikod na sana sya, natatakot sya na mahuli ng papa at mama niya. Bilin kase ng mga ito palagi sa kanya ay huwag sasali sa usapan ng matatanda. Ngunit natigilan siya ng marinig ang malakas na boses ni Kuya Basty " Ako pa ba ang mali?!" sigaw nito "Ako pa ba ang may kasalanan? si Rio ang nanloko saken, natural na magalit ako dahil niloko nya ako!" kita nya ng pinunasan nito ang dugo malapit sa labi nito habang galit na nagsasalita. " Sa tingin nyo sino ang matutuwa na malaman na ang babaing nirerespeto at iginagalang ko ay ginagapang pala ng ibang lalaki? sa tingin nyo ba hindi magdidilim ang paningin ko? Tapos sasabihin nyo na huminahon ako, at buntis sya! Kayo pa talaga ang may ganang magalit sa akin dahil pinipilit ko si Rio na magpaliwanag!"
"Tito, tita nagagalit kayo saken dahil pilit kong pinagpapaliwanag ang anak nyo!" binalingan nito ang mga magulang nya. "Iniingatan nyo ang anak nyo? Ganoon po ba yun? Napakabuti nyong magulang, dahil kitang-kita kung paano nyo napalaki si Rio!" nang-uuyam na wika nito "Tinuruan nyo po sya kung paano ang tamang pakikipagrelasyon? Alam nya po ba na bawal makipagsex sa ibang lalaki kapag may boyfriend ka!?"
Kita ko sa mukha ng magulang ko na nagagalit ang mga ito sa mga sinasabi ni kuya Basty pero hindi niya narinig na sumagot ang mama at papa niya.
"At ikaw, ang lakas ng loob mo!" baling nito sa lalaking sumuntok dito. "Wala kang karapatang umasta ng ganyan, dahil sa ating dalawa ako ang dapat magalit dahil ako ang tinarantado nyo!" galit na galit na hinawakan nito ang kwelyo ng lalaki. Ngunit agad din itong inawat ng kuya Ramon at kuya Rake niya.
Habang hawak ng mga kuya niya ay patuloy nitong dinuduro ang lalaki. " Gago ka, iningatan ko yan. Tapos lalantakan mo lang, hayop ka!" gigil na gigil ito sa galit. "Ano masarap ba!? kung alam ko lang sana tinikman ko man lang! kung alam ko lang na ganyan pala syang klase ng babae!"
Noong medyo makabawi ito ay hinawi nito ang pagkakahawak ng mga kuya niya. At ang bestfriend naman nito na si kuya Rake ang napagbalingan nito. "Bestfriend?? nakakatawa na itinuring kitang matalik na kaibigan!" nang-uuyam na wika nito "Napakabuti mong kapatid kaibigan, dahil nagawa nyong itago ang lahat ng ito sa akin!"
"Ilang buwan ka ng buntis doktora Rio Marie Agoncillo!?" baling nito sa kapatid niya na nakasubsob lang sa dibdib ng mama niya habang umiiyak. "Dalawang buwan!!? Tatlo!!?" " At nagagawa mong humarap sa akin ng parang wala lang, nagpaplano tayo ng kasal habang dinadala mo ang anak ng ibang lalaki!"
Kitang-kita niya ang sakit sa mukha ni kuya Basty habang isinusumbat sa ate niya ang mga nalaman nito.
"Oo alam kong mali ang ginawa ko, tanggap ko yun!" umiiyak na wika ng ate niya. "Alam kong mali ang ginawa ko, pero may kasalanan ka din! Humingi ako ng panahon sayo pero hindi mo ko pinakinggan!"
"Hijo alam namin na napakasakit nito sayo pero sana ay maintindihan mo na kailangan munang magpahinga ni Rio!" lumuluha na rin ang mama nya. Inawat na nito na magsalita ang ate niya.
"Handa kaming harapin ang pagkakamali ni Rio, Sebastian!" wika ng papa niya. "Pero hindi ngayon, nakikiusap kami!"
"Hintayin mo lang na makabawi ng lakas ang anak ko, haharapin namin ang pagkakamali niyang ito!" inalalayan ng mama niya ang ate niya na pumasok sa loob ng bahay.
Nakita nya rin na sumunod ang papa niya at lalaking nakabuntis sa ate niya.
Naiwan ang mga kuya niya, kasama si kuya Basty. Parang hindi rin alam ng mga ito kung anong dapat gawin.
"Mabuti pang umuwi ka na muna Basty!" payo ng kuya Ramon niya. Nakita niyang hinawakan nito sa balikat si kuya Basty, pero pinalis nito ang kamay ng kapatid nya. Kaya nagdesisyon itong pumasok na rin sa loob ng bahay.
Magsasalita sana ang kuya Rake niya, ngunit inunahan ito ni Sebastian. " Makikisabi sa pamilya mo na wala ng dapat pag-usapan, sana lang ay patahimikin kayo ng mga konsensya nyo dahil sa ginawa nyo sa akin. Malay nyo dumating ang araw na ako naman ang magpapaikot sa inyo. Ipagdasal mo pare na hindi na muling magkrus ang landas ng pamilya natin. Dahil kapag nangyari yun, hindi ko alam kung hanggang saan ang kaya kong gawin!"
Matapos sabihin yun kay Kuya Rake, ay tila natulala ang kapatid niya.
Nakita niya na lumakad na ito palayo sa kapatid niya na hindi pa rin nakasagot sa sinabi ni Sebastian. Hindi nya lang inaasahan na dadaan ito malapit sa pinagtataguan niyang halaman.
Nang makita siya nito ay saglit itong natigilan, ngunit nagpatuloy rin sa paglakad. Saglit din siyang natulala, hindi niya alam ang sasabihin niya. Noong marinig niya ang kalampag ng gate nila ay para siyang natauhan. Mabilis siyang kumilos para habulin ito. Inabutan nya ito na pasakay na sa kotse nito. "Kuya Basty!" tawag niya ng akma na itong sasakay sa kotse.
Tumigil ito, at tumingin sa kanya. Wala syang narinig na salita dito, nakatitig lang ito habang palapit sya.
"Kuya Basty! Wala akong alam sa nangyari kay ate!" nagpapaliwanag na wika niya. "Sana huwag kang magalit sa akin ha!" nag-aalala sya sa magiging reaksyon nito. Malapit siya rito, napakabait kase nito sa kanya. Itinuring talaga niya itong parang kapatid nya rin. Medyo nawala lang ang pagiging super close nila noong nagdadalaga na siya, nahalata nya kase na pinagseselosan sya ng ate Rio nya.
Nag-alangan siya ng makita niyang itinaas nito ang kamay. Natakot sya na baka saktan din sya nito. Humantong ang mga kamay nito sa ulo niya. Hinaplos nito ang mahaba niyang buhok. Muli nakita niya ang ngiti nito. Saglit na nawala ang galit na nakita nya sa mukha nito. Isang tipid na ngiti, pilit na ngiti, ngiting puno ng panghihinayang.
Hindi ko napigilan ang sarili ko na yakapin si kuya Basty. Alam ko na hindi ko na sya makikita muli, base sa sinabi nito kay kuya Rake ay pinuputol na nito anumang kaugnayan meron ito sa pamilya nila. "Mamimiss kita ng sobra kuya!" hindi ko kung bakit pero umiyak ako ng sinabi ko ang salitang iyon kay kuya Basty.
Naramdaman din niya na yumakap ito sa kanya. Pagkatapos ng mahigpit na yakap na iyon ay mabilis na itong sumakay ng kotse.Sa nanlalabo niyang mata dahil sa pag-iyak ay hinabol niya ng tanaw ang unti-unti pagliit ng sasakyan nito. Mabilis na nawala ang sinasakyan nito, dahil sa bilis ng pag-arangkada ng sasakyan nito.
"Kung ako si ate Rio, hinding-hindi ko gagawin sayo ang mga ginawa ni ate Rio!" bulong niya sa sarili niya. " Mamahalin kita ng sobra! Hinding-hindi kita ipagpaplit sa ibang lalaki! Ikaw lang ang mamahalin ko sa habang buhay Sebastian Villamor!"