Chapter 12

1078 Words
-Lucas "Tol, gusto mo?" alok sakin ni Aeron ng dala n]yang pizza. Andito kami ngayon sa canteen ng school. Pumasok na nga pala ako ulit pagkalipas ng dalawang araw simula nong nangyari kay Mat. At 'yon, hindi pa rin siya pwedeng dalawin. Sobrang nag-aalala na ako sa kapatid ko. "Ayoko tol, salamat " sagot ko. Wala talaga kong ganang kumain dahil sa mga iniisip ko. Wala pa kaming klase kaya naman naisipan muna naming pumunta dito sa canteen. "Tol, magiging maayos si Mat. Magtiwala ka lang," sabay kagat sa pizza na kinakain niya. "Sigurado akong hindi niya magugustuhang makita na namamayat ka din dahil sa pag-aalala mo sa kanya. At hinabilin ka niya sa'kin kaya sigurado akong magagalit din 'yon sa akin," paliwanag niya habang patuloy sa pagnguya ng pizza. "Kumakain naman ako ha." maikling sagot ko. "Oo nga, alam ko. Pero kakaonti naman. Tingnan mo, mas malaki na 'ko sayo. Nako! Ewan ko sayo tol. Kung ayaw mo, uubusin ko na to. Salamat!!" sabi niya habang mabilis na kinakain ang pagkain. Ang dami pang sinasabi pero gusto rin namang ubusin 'yong pizza. "Hello guys!" bati samin ni Lauren. Kakarating lang niya at kasama niya ang kaibigan niyang si Shane. Kilala ko siya, dahil sikat siya sa buong school. "Hi sa inyo!" bati rin samin ni Shane. "Hi Lauren! Hi Shane!" sagot sa kanila ni Aeron. Ngumiti naman ako sa kanila. "Kamusta ka na?" tanong ni Lauren sa'kin. "Mabuti naman," sagot ko ng hindi tumitingin sa kanya. Tinapik niya lang ang likod ko na ibig sabihin ay naiintindihan niya kung bakit 'yon lang ang sagot ko. "Sabay na tayong pumunta sa ospital mamaya. Magkita na lang tayo sa gate." sabi niya sakin. Muli, ngumiti lang ako at tumango. Sa kabilang lamesa ay nag-uusap naman si Aeron at Shane na para bang matagal ng magkaibigan. Parang may something, parang duda ako dito kay Aeron. Mukhang dumidiskarte na ang lokong to. Tumingin naman siya sakin ng mapansin niyang nakatingin ako sa kanila. Bigla siyang nahiya at umiwas ng tingin sakin. Natawa na lang ako. Magsisimula na pala ang susunod na klase namin ni Aeron, kaya naman niyaya ko na siya. "Tol, tara na." yaya ko sa kanya. Ayoko mang putulin ang magandang usapan nila pero kailangan na. Magmukha ng masama kung masama man ang ginawa ko, biro lang. Mabilis naman siyang kumilos. Nagpaalam na din kami kanila Lauren pero bago pa kami makaalis ay may tumawag kay Lauren. Pinigilan nya kami saglit habang tumatawag. Bakit kaya? Bakas sa mukha nya ang tumawa habang kausap ang tumatawag. "Okay po. Papunta na po kami nila Lucas." sagot niya sa kausap niya at binaba niya na ang tawag. "Sino 'yon?" tanong ko. Niyakap niya ko ng mahigpit at sobrang saya niya. "Ang mama mo. Tumawag siya sa'kin kasi hindi ka raw niya macontact," sagot niya. Oo nga pala, hindi ako nakapagcharge. "Sorry nalowbat ako. Bakit daw?" tanong ko sa kanya. "Si Mat daw. Pwede na daw siyang dalawin," masaya niyang sabi sa'kin habang tumatalon. "Ano?!! Tara na!!" yaya ko sa kanila. Sobrang saya namin na hindi na namin papasukan ang ibang klase dahil excited kaming lahat na makita muli si Mat. "Sama ka na rin Shane," yaya ni Aeron kay Shane. "Nakakahiya naman ata, wag na siguro." sagot nito sa kanya at ngumiti. "Wag kang mahiya, ano ka ba. Ok lang yan. 'Di ba tol?" sabay tingin sakin ni Aeron na para bang nagmamakaawa at sinasabing pumayag na ko. Gets ko na siya. "Oo naman. Sama ka na Shane. Tara na!" sabi ko sa kanya at ngumiti naman ito. Sisirain ko pa ba e ngayon lang to dumiskarte si Aeron sa babae. Pagkarating namin sa ospital ay andon na sila Lee, Tristan at Sam. Ang daya naman! Bakit nauna pa sila samin. Pambihira! "Kuya!!!" tawag sakin ni Mat. Nagyakapan kami. "Kamusta ka na Mat? Masaya akong makita ka ulit." sabi ko sa kanya. "Sobrang lungkot. May nilagay sila sa akin para hindi ko maramdaman ang sakit at ang galing niyon pero sobrang lungkot ng nararamdaman ko," sagot niya at umupo ako para makinig sa sasabihin niya. "Wala akong nakakausap. Kahit ang mga doctor at nurse ni hindi ko nakikita ang mga mukha nila. Balot na balot sila. Nakakalungkot. Pakiramdam ko nag-iisa akong lumalaban," sabi niya. Kumirot ang puso ko sa nalaman ko. "Pero mabuti na lang at andito na kayo. May kasama na ko ulit," nakangiti niyang sabi. "Sorry Mat," bulong ko sa kanya. "Pero bilib ako sayo dahil malakas ka! Sobrang lakas mo Mat." dugtong ko. Naisip ko kung gaano kahirap ang pinagdadaan niya pero kinakaya niya. Ngumiti naman siya. "At kayong tatlo," turo ko kay nila Lee. "Bakit nauna pa kayo samin?" tanong ko ng medyo nagtatampo. Tumawa naman sila. "Kuya, hindi kami pumasok. Simula pa umaga, andito na kaming tatlo." sagot ni Lee. Aba! Ang gagaling. "Ah, kaya naman pala. Ang babait niyo naman pa lang estudyante," sabi ko at nagtawanan kaming lahat. Nag-usap lang kami ng mga oras na 'yon. At tumingin sa akin si mom, alam ko ang ibig niyang sabihin. Doon na rin siguro niya gustong sabihin kay Mat ang sinabi ng doctor sa amin. Tumango naman ako sa kanya. Lumapit siya kay Mat. "Anak, may gusto akong sabihin sayo," sabi ni Mom at hinawakan ang kamay ni Mat. "Ano 'yon Mom?" tanong ni Mat. Kinakabahan ako kung ano ba ang magiging reaksyon niya sa sasabihin namin. "Sinabi sa amin ng Doctor na kailangan mo na raw dumaan sa operasyon," sabi ni Mom. Tumigil ang lahat at hindi maipinta ang itsura ni Mat. Hindi ko alam ang sasabihin ko. "Patuloy na bumababa ang immune system mo at kung hindi kakayanin ng katawan mo siguradong hindi ka namin kayang iligtas at sobra kaming madudurog kapag nangyari 'yon." nakita ko ang pagpatak ng luha ni mom. Kumikirot ang dibdib ko. "Hindi ako o ang kuya ang dapat magdesisyon. Alam naman namin iyon. Kaya naman gusto kong tanungin sayo kung ano ang gusto mo? Dahil gusto kong maligtas ka anak. Gusto kong maging maayos ka," paliwanag ni mommy. Ngumiti si Mat. "Kung hindi ako dadaan sa operasyon, mamamatay ako pag patuloy na bumagsak ang immune system ko 'di ba? Pero kung may operasyon, may pag-asa pero sobrang liit naman na parang wala na ring pag-asa? Ganon ba 'yon?" nakangiti lang siya. Tumahimik ang lahat. Walang gustong magsalita. Nadudurog akong makitang nakangiti siya sa kabila ng malalang kalagayan niya. "Ayokong maging duwag Mom. Ayoko! Kaya pumapayag ako," matapang na sabi nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD