Chapter 13

1031 Words
-Mat Bukas na ang operasyon ko at ngayong araw ay kasama ko si mommy. Wala si Kuya Lucas, pumasok siya pero nangako siya sakin na bukas ay hindi siya papasok para sa operasyon ko at ganon din naman si Lee at ang iba pa. Kaya naman ngayong araw ay humiling ako kay Mommy na gusto ko sanang umuwi sa bahay at pumunta sa parke kahit saglit lang. Pinayagan naman kami ng Doctor kaya maaga na rin kaming umalis. Sa bahay muna ang punta namin at huli na sa parke. Pagdating sa bahay ay pumunta agad ako sa kwarto ko. Nahiga ako sa kama at pumikit. Namiss ko dito sa bahay. Madami ng alikabok ang kwarto ko dahil siguro hindi na nalilinisan ni Mom dahil inaalagaan niya ako sa ospital. Sa lamesa ay nakita ko ulit ang libro na "Looking for Alaska" at sa ilalim nito ay ang notebook na binigay sakin ni Kuya. Kinuha ko ito at binuklat. Muli, wala akong nakita na kahit anong sulat. "Bukas, kung sakali mang mawala ako kailangang may masulat ako dito," bulong ko sa sarili ko. Umupo ako at kinuha ang ballpen na nasa ibabaw ng lamesa ko at sinimulan kong magsulat. Makalipas ang halos isang oras ay kumatok si Mommy sa pinto ko. Mabuti at natapos ko na din ang sinusulat ko. Binuksan ko ang pinto. "Hi anak. Ok ka lang ba?" tanong niya sa akin. Akala niya siguro may nangyari ng masama sa akin dahil ang tagal ko sa kwarto. "Ok lang ako Mom. Bakit po?" sagot ko. "Wala naman. Nakakaistorbo ba ako anak? Tiningnan ko lang kasi kung ok ka lang." sabi nya sabay hawak sa noo ko. "Wag kayong mag-alala Mom. Nahiga lang naman ako dito. Namiss ko kasi sa kwarto ko," sabi ko. Ngumiti naman siya. "Mom, alis na tayo." yaya ko sa kanya. "Punta na tayo sa parke? Ngayon na ba agad?" tanong nya. "Opo, gusto ko ng pumunta sa park." Ngumiti naman sya. "Sige anak. Alis na tayo." Sa pagpunta namin sa parke ay nakita ko ang mga batang binigyan namin ng mga notebook at lapis. Tuwang-tuwa sila ng makita ako. Kahit pa medyo may nag-iba na sa itsura ko dahil sa sakit ko, namukhaan pa din nila ako. "Kuya Mat!!" sigaw nila sa akin. "Kamusta kayo mga bata?" tanong ko sa kanila. Si Mommy naman ay umupo muna at masaya kaming pinanuod. "Ok lang po. Turuan mo naman kami ulit kuya magbasa at magsulat." "Sige ba, kung gusto nyo." masaya kong sagot. Tuwang-tuwa sila sa mga tinuro ko at kinuwento sa kanila. Nagtawanan kami at nagbahagi ng mga kwento. Masaya ako dahil mabubuting bata pa din sila. Habang pinapasulat ko sila ay may lumapit na babae sa akin. "Hi!" sabi niya habang nakangiti. Nakawheelchair siya. May sakit din siguro. "Hello!" sagot ko at ngumiti rin ako sa kanya. "Ako nga pala si Diane, ikaw si Mat 'di ba?" "Ah, oo. Paano mo nalaman?" tumawa siya. "Narinig ko kasi sa mga bata na tinatawag ka nilang Mat," sagot nya. Kaya naman pala. Akala ko kaschool mate namin siya "Madalas ka ba dito?" tanong niya sa 'kin. "Hindi e. Pumupunta lang ako dito para sa mga batang to," sagot ko sa kanya. "Ang galing mo naman," ngumiti sya. "Gustong-gusto ka nila oh," dugtong niya. Ngumiti lang ako. "Sinong kasama mo pumunta dito?" tanong ko sa kanya. "Ang kapatid ko. Kaso ang tagal niyang bumili ng ice cream. Ikaw, sinong kasama mo?" "Ang mommy ko. Ayun oh," sabay turo ko kay Mommy. "Mommy mo pala yon. Ang ganda niya." sagot niya. Natawa ako sa sinabi niya. "Atee!!" biglang may tumawag sa kanya. "Ang tagal mo namang bata ka. Asan ang ice cream ko?" tanong niya sa batang lalaki. "Naghanap pa kasi ako e kaso wala akong nabili. Sorry ate." "Yon lang. Ikaw talaga Andrei. Tara na nga, uwi na tayo." "Hi kuya!" bati sa'kin ng batang lalaki. Andrei ata ang pangalan niya na narinig ko. "Hello," sagot ko naman sa kanya. "Anong pong pangalan mo?" "Ako si Mateo," sagot ko. "Bagong kaibigan ka ba ng ate ko?" tanong niya sa akin habang sobrang laki ng ngiti niya. Tumingin ako kay Diane. Oo, Diane nga ata ang pangalan niya. "Ah, oo. Siguro naman magkaibigan na kami ng ate mo," sagot ko sa kanya. Ngumiti lang si Diane. "Talaga ba?! Wow! May bagong kaibigan ang ate ko. Salamat Kuya! Wala kasing nakikipagkaibigan sa kanya e," masayang sabi niya. "Andrei! Ano ba! Tara na nga. Uwi na tayo," yaya nya kay Andrei. "Hala! Bakit uuwi na tayo agad? Ate naman! Nag-uusap pa kami ni Kuya," tampo nito sa kanya. "Basta! Tara na," utos nito "Sige na nga. Bye Kuya!!" "Bye Mat! Sana magkita pa tayo," paalam naman ni Diane. Kumaway naman ako sa kanila. Naiintindihan ko siya, nararamdaman ko ang ganong pakiramdam na nilalayuan dahil sa sakit kaya naman siguro wala siyang masyadong kaibigan. At nakakainis 'yon. "Mukhang may bago kang kaibigan anak ha?" bungad ni mommy sa 'kin at hinawakan ang likod ko. "Opo Mom. Andrei at Diane ang pangalan nila. Magkapatid sila Mom." sagot ko sa kanya. "Mabuti naman at nagkaroon ka ng bagong kaibigan. Mukhang masaya din naman silang makilala ka lalo na yung batang lalaki," sabi ni Mommy at ngumiti sya sakin. "Yes Mom. Nakakatuwa silang dalawa," sagot ko. "Mat anak, mukhang kailangan na nating bumalik sa ospital. Baka hanapin na tayo ng Kuya mo. Mag-aalala yun sa atin." "Oo nga pala. Sorry mom." "Halika ka na anak," sabi nya sa akin. Pagkarating sa ospital ay nakita agad namin si Kuya. "San kayo galing Mom? Mukhang naggala kayong dalawa ng hindi ako kasama ha?" sabi ni Kuya sabay simangot. "Anak, humiling lang si Mat sa 'kin bago ang operasyin nya bukas kaya pinagbigyan ko na. Pumasok ka kasi kaya hindi ka na namin naisama," sagot ni mommy. "Oo Kuya. Pasensya ka na," sagot ko. "Biro lang Mat. Mabuti naman at nakalabas ka ulit." masayang sabi ni Kuya at tinapik nya ang balikat ko. "May dala nga pala akong pagkain, kumain muna tayo nila Mommy," nilabas nya ang bagong lutong siopao at nilagang mais. Napakasarap naman ng pagkain namin. Naupo kami sa lamesa at masayang pinagsaluhan ang masarap na pagkain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD