Chapter 15

1037 Words
-Lauren Pagkatapos nong libing kay Mat ay nagbago na din ang lahat. Hindi na kami nag-uusap ni Lucas kahit pa si Aeron ay hindi ko na din nakakausap. Ganon din ang mga kaibigan ni Mat. Naisip ko, hindi lang pala si Mat ang nawala, kung 'di kami rin. Nawala na rin pala kami ng hindi namin namamalayan. Naaalala ko pa ang gabing 'yon nang malaman namin na wala na si Mat. Sobrang sakit sa puso namin lalo na sa Mommy niya at kay Lucas. Durog na durog sila. Kitang kita ko sa mga mata ko, pero wala akong magawa noong gabi na 'yon kung hindi umiyak. Pagkatapos ng gabi na iyon, nagbago na din si Lucas. Maraming beses ko siyang nilapitan at kinakausap pero ganoon niya din ako kadami kung itaboy. Alam kong nasasaktan siya pero nasasaktan din ako na makita siyang nagkakaganon. Nakakalimutan niya na sigurong andito lang kami dahil akala niya wala na rin ang lahat pagtapos ng mga nangyari. "Ate Lauren!" tawag sakin ng pamilyar na boses ng babae. "Ikaw pala Sam! Kamusta ka na?" tanong ko sa kanya. Andito pala ako sa field ng school namin. Tumabi siya sakin. At ngiti lang ang isinagot niya. Naiintindihan ko kung bakit. "Pwede mo ba akong samahan na puntahan si Mat?" nagulat ako sa sinabi nya. Magmula ng nilibing si Mat, wala ng nagbanggit pa ng tungkol sa kanya. "Sigurado ka ba? Ibig kong sabihin, masakit pa Sam. Makirot pa sa dibdib. Kaya mo na ba?" tanong ko sa kanya ng may pag-aalala. "Ate, dalawang buwan na din akong araw-araw na umiiyak dahil sa pagkawala ni Mat at kagabi lang napanaginipan ko siya," sagot niya sakin. "Anong panaginip mo tungkol kay Mat?" "Parang totoo ang mga nangyari. Nagkita daw tayong lahat at nagulat tayo dahil andon daw si Mat," huminga siya ng malalim na para bang pinipigilan ang pagluha. "Tapos umiyak daw tayong lahat habang nakangiti lang daw siya sabay sabi niya sa atin, "ano ba naman kayo, bakit kayo umiiyak dyan? Ayoko kayong makitang umiiyak. Sinabi ko naman sa inyo na hindi ako mawawala. Andito lang ako," at tinuro niya ang dibdib nya ate. Naiintindihan ko na. Sa mga oras at araw na nasasaktan tayo, alam ko nakikita niya 'yon at hindi niya gusto iyon para satin. Kaya naman ate gusto ko rin na maging matapang katulad ng pagharap nya sa sakit niya," sabi ni Sam. Nakita ko ang pagpatak ng luha nya kaya naman agad ko siyang niyakap. "Siguro nga tama ka Sam. Ayaw nga tayong makita ni Mat na nasasaktan tayo. Wag kang mag-alala Sam. Dadalawin natin sya mamayang uwian," sagot ko sa kanya. "Salamat ate Lauren," sabi niya habang nakayakap pa din siya sa akin. Nang hapon din na iyon pagkatapos ng klase ay pumunta kami ni Sam para dalawin si Mat. May dala kaming bulaklak at kandila para sa kanya pero nagulat kami dahil may bulaklak na doon at may nakasindi na rin na kandila. May bumisita na kay Mat bago pa kami "Sino kayang dumalaw kay Mat?" tanong ko kay Sam. "Hindi ko alam Ate Lauren. Hindi ko na kasi nakakausap sila Lee at Tristan. Sa tingin ko iniiwasan na din namin mapag-usapan si Mat kaya naman pati ang pagkakaibigan naming tatlo, mukhang nawawala na din," paliwanag nya sa kin. "Hindi bale na Sam, kung sinuman siya na dumalaw kay Mat. Salamat sa kanya," sabi ko pero pakiramdam ko na si Lucas ang dumalaw kay Mat. Ngumiti naman si Sam sakin. "Grabi Sam, no? Ang laking pagbabago ng nangyari sa atin. Ang lala! Naging tulay natin si Mat para maging magkaibigan pero sya din ang naging dahilan kung bakit tayo ngayon hindi nag-uusap na para bang hindi magkakakilala. Ang sakit lang isipin. Hindi ako makapaniwala," sabi ko sa kanya habang pareho kaming nakatitig sa kawalan. "Nakakamiss ate. Sobrang nakakamiss si Mat at nakakamiss din ang mga kaibigan natin. Gusto kong mabalik sa dati. Mga araw na masasaya tayo na para bang wala ng bukas at wala tayong pakialam sa sasabihin ng iba pero alam kong wala naman akong kakayahan na gawin yun. Kasi ito na tayo, kailangan na lang natin sigurong tanggapin," sabi niya sakin. Mas bata sya sa akin pero naiintindihan niya na ng malalim ang buhay. Ang pagtanggap kahit pa masakit. "Tama ka Sam. Alam mo, matalino ka. Ngayon lang tayo nakapag-usap ng ganito pero makabuluhan ang mga sinasabi mo," paliwanag ko sa kanya at nakita kong namula siya. Nahihiya siguro siya dahil pinuri ko siya. "Nako Ate Lauren, hindi naman. Marami lang din akong natutunan kay Mat at sa mga nangyari. Natuto lang talaga ako ate." "Kaya naman siguro hindi na nakakapagtaka na ikaw ang nagustuhan ni Mat," sabay ngiti ko sa kanya. "Sayang Ate, kulang na kulang ang panahon na nakasama ko sya," ngumiti sya sakin at pinagpatuloy ang sinasabi. "Nakakabitin ate. Nag-iwan siya ng malaking patlang sa buhay ko na kahit kailan hindi na mabubuo," dugtong niya. "Ganun nga Sam. Para bang kahit sino pang dumating na bago sa buhay natin, dadagdag lang sila pero yung patlang na naiwan sa 'tin, hinding-hindi na mabubuo pa. Parang naiwan na yun para lang sa kanila," sabi ko sa kanya at niyakap niya naman ako. "Alam kong wala naman akong magagawa sa nangyari Ate. Alam kong hindi ko 'yon kayang pigilan na mangyari pero kung nalaman ko lang sana ng mas maaga. Mas maraming panahon pa ang nalaan ko na makasama siya kasi nakakahinayang talaga. Sobrang sakit sa puso. Sobrang nakakadurog," sabi niya habang humigpit lalo ang yakap niya sa 'kin. "Ate Lauren, gusto kong puntahan ang Mommy ni Mat at Kuya Lucas. Gusto ko syang kamustahin. Siguradong sobrang sakit pa rin sa kanya ang pagkawala ni Mat. Gusto ko sanang samahan mo ako, kung okay lang sayo Ate?" sabi niya sa akin. Hindi muna agad ako nakasagot dahil iniisip ko kung makita din namin si Lucas, siguradong magagalit siya at itataboy kami. Pero hindi na siguro ito ang panahon para isipin pa ni Lucas ang sarili niya. Dahil may sarili kaming pakiramdam. "Sige Sam, puntahan natin ang Mommy nila Mat. Gusto ko rin malaman ang kalagayan niya," sabi ko sa kanya at ngumiti naman siya. "Ate Lauren, salamat dahil andyan ka. Hindi na ko nag-iisa," sagot niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD