Chapter 16

1044 Words
-Lee Dalawang buwan na ang nakakalipas matapos ang pagkawala ng Bestfriend ko. Sobrang nakakamiss si Mat. Ibang-iba kapag kasama ko siya. Masyadong masalimuot ang mga nagdaang panahon na hindi namin siya nakikita at nakakasama. At hindi na kahit kailan. Ang hirap tanggapin hanggang ngayon. Hindi pa rin ako makapaniwala. Ang gabi na 'yon ang nagbago ng lahat sa buhay namin. Nagbago na din kami nang nawala si Mat. Kahit sila Tristan at Sam kahit pa ang iba pa naming kaibigan ay hindi ko na din sila nakakausap. Ang sakit isipin na ganun ang nangyari. Ang hirap ibalik kung malaking parte ng buhay namin ang nawala at hinding-hindi na maibabalik pa. Umuwi ako ng maaga dahil naisipan kong dalawin si Mat. Simula kasi nung ilibing siya ay hindi na ko muling pumunta para dalawin siya. Bumili ako ng bulaklak sa bilihan malapit sa school namin. Nakabili naman ako ng bulaklak pero wala akong nabilhan ng kandila. 3:00 ng hapon pa lang naman pero wala na dito yung nagtitinda ng kandila. Ang malas naman! Bakit ngayon pa? "May kandila ako dito," isang pamilyar na boses na hindi ko inaasahan na maririnig ko sa mga oras na ito. "Oh ito!" sabay hagis ni Tristan ng kandila. Muntikan pang mahulog. Pambihira! "Tara na Lee! Baka gabihin na tayo," yaya nya sa akin kahit maaga pa naman. "Oy teka! Sasama ka ba? Hindi mo nga alam saan ako pupunta," sabi ko sa kanya. "Maniwala ka, alam ko kung saan ka pupunta. Parehong namimiss na natin sya," sabi niya ng hindi tumitingin sa akin at tuloy tuloy lang siya sa paglalakad. Sumunod na din ako sa kanya. Siguro nga, lahat kami namimis na ng sobra si Mat pero wala lang gustong magpakita o umamin dahil ayaw lang masaktan. Nakarating na kami sa puntod ni Mat. Mukhang wala pang dumadalaw sa kanya simula ng ilibing sya. Walang kandila, wala din lantang bulaklak. Walang palatandaan ng pagbisita. Iniisip ko, ano kayang nararamdaman ni Mat ngayon? Sigurado ako na sa inis n'yon, gusto niya na kaming isama papunta sa kanya. Wag naman Mat. Sinindihan na namin ang kandila at nilagay ang bulaklak sa ibabaw ng puntod ni Mat. Nakahiga lang kami ni Tristan sa damuhan at nakatulala lang sa langit. Parang walang gustong pag-usapan si Mat. "Si Kuya Lucas. Mukhang hindi niya binibisita si Mat," sabi ni Tristan ng hindi tumitingin sakin. "Hindi ko alam kung hindi pa ba siya handang makita si Mat na ganito o nakalimutan niya na si Mat," dugtong niya. "Hindi ko din alam pero sa tingin ko hindi naman," maikling sagot ko. Alam kong sobrang nasaktan si Kuya Lucas noon at kitang-kita yun ng dalawang mata ko kung paano halos masira ang buhay niya pero hindi ko alam kung naaalala niya pa ba si Mat. Siguro naman, oo. Tumahimik kami. "Parang kailan lang kung mag-away tayo nila Mat. Gulo dito, gulo doon. Gulo kahit saan," sabi niya sa akin. "Pero tingnan mo naman. Kasama pa kita ngayon dito at pinag-uusapan si Mat na kahit itanggi ko pa, talaga namang mahahalata na namimiss ko na din siya. Hindi ko inaasahan na maging kaibigan ko kayong dalawa Lee. Akala ko habang buhay na tayong magkakaaway e," pagpatuloy nya at pareho kaming tumawa. "Sino ba namang mag-aakala na magiging magkaibigan tayo. Kahit sino nga ata sa school natin, nagtataka kapag magkakasama tayo nila Mat noon e," sabi ko sa kanya. At nagtawanan lang kami. Kahit papaano nakakalimutan namin ang problema. "Pero Lee, nakakainis no? Naiinis ako sa sitwasyon nating lahat! Simula nang nawala na si Mat parang wala na rin tayong magkakaibigan. Hindi ko gustong ganito tayong lahat. Pero sino ba naman ko para maayos ang lahat. Wala naman. Wala naman akong kakayahan o kahit pa ikaw," sabi nya na kita sa mukha niya ang inis pero nasasaktan. "Tama ka. Nakakainis nga yon. Sa totoo nga, kung hindi kita nakausap ngayon, iisipin ko din na baka nakalimutan mo na rin si Mat," sabi ko. Ngumiti naman siya. "Si Mat pa ba? Hindi ko na nga ata siya makakalimutan. Hindi na. Sobrang dami kong natutuhan sa kanya at alam kong ikaw din," sagot niya. Biglang tumunog ang tiyan ko, nagugutom na ata ako. Nagulat ako ng tumingin sakin si Tristan pagkarinig sa tumutunog kong tiyan at tumawa ng malakas. "Tara tol! Kain tayo. Nagugutom na ko e," yaya ko sa kanya at tumayo na ko. "Saan tayo kakain? Medyo nasakit na rin ang tiyan ko e," sabi nya habang nakahawak sa tiyan. "Sa paresan. Nakain ka ba n'yon? Hindi ata e. Sabagay, mayaman ka kasi e!" pang-aasar ko sa kanya. "Sira! Kumakain ako ng pares. Hindi pwedeng hindi ako kakain nun kahit isang beses sa isang linggo," sabi niya. "Oh tara na! Libre ko na," sabi ko sa kanya at umalis na kami. Pagdating sa paresan ay umorder agad kaming dalawa. "Dalawang pares nga po," sabi ko sa tindero. "With rice po ba?" tanong niya sa amin. "Wala ho, pares lang po," sagot ko at nagsandok na ng pares ang tindero. Mabuti naman at makakakain na din kami. Nakakatuwang isipin na kahit papaano nakapag-usap na ulit kami ni Tristan. Akala ko wala na kong kaibigan e. "Teka tol, bibili lang ako ng pulang stick," sabi ko sa kanya. "Wag na! Meron ako dito," at nilabas niya ang isang kaha nito pero nakabukas na 'yon. Nabawasan niya na ata. "Nagsisigarilyo ka pala?" tanong ko sa kanya. "Oo. At ikaw, hindi ko alam na nagsisigarilyo ka din pala. Alam ba ni Mat yan?" sabi niya sa akin sabay tawa. "Oo, si Mat lang ang nakakaalam nito. Minsan lang naman ako magsigarilyo. Depende kapag gusto ko, kapag may problema," sagot ko sa kanya. "Pareho tayo." at sabay kaming tumawa. Pagkakuha ng pares ay agad namin itong kinain. Mainit sa tiyan ang sabaw at ang usok ng pulang stick. Pagkatapos kumain ay naisipan ko na din umuwi na. "Tol, uuwi na din ako. Kailangan ko pang tapusin 'yong pinapagawa ni Mrs. Mendoza. Baka pagalitan na naman ako niyon," sabi ko kay Tristan. "Sige, uuwi na din ako tol. Kita na lang tayo bukas Lee. Salamat!" "Salamat din. Ingat ka!" sagot ko. Umalis kami ng busog at amoy usok. Naiwan namin ang dalawang mangkok na wala ng laman at siyam na upos ng pulang stick sa lamesa.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD