Chapter 8

1026 Words
-Mat "Goodmorning Mom! Goodmorning Mat!" bati samin ni Kuya Lucas. Halatang masayang-masaya siya. Alam kong magkasama sila ni Ate Lauren kahapon. Kailangan kong makichismis. "Kuya, kamusta ang lakad niyo ni Ate Lauren? Ganda kasi ng ngiti mo," nakangiting tanong ko sa kanya. Ngumiti lang siya. Ang lakas talaga ng tama niya kay Ate Lauren. "Anak, tama na. Hanggang tenga na ang ngiti mo. Masyado ng halata," pang-aasar sa kanya ni Mommy. "Mom naman!" namumula na si Kuya "Hahaha. Biro lang anak. Masaya ako na masaya ka," nakangiting sabi ni mommy. Masaya akong makita na maayos ang pamilya ko. Sana palagi na lang ganito. "Kuya aalis pala kami ni Lee. May kasama rin akong iba. Si Tristan at Samantha Gusto ko sanang yayain ka." "Saan? At sino naman si Samantha? At Kailan pa kayo naging magkaibigan ni Tristan?" tanong niya sa akin. Si Samantha, may gusto ako sa kanya pero dahil hindi naman namin priority ang maging magjowa, dahil bata pa naman kami. Nanatili na lang muna kaming magkaibigan. Tungkol sa amin naman ni Tristan, ewan ko ba. Simula nang nagkasakit ako naging magkaibigan na kami. Siguro dahil ayaw na rin namin ng gulo. Nakakasawa naman talaga. "Si Sam kaibigan ko lang kuya. Si Tristan naman, kilala mo na rin. Okay na rin kami. Wala ng gulong mangyayari sa pagitan namin." Yun na lang ang sinabi ko sa kanya. "Ah, gankn ba? Mabuti naman Mat. San nga pala kayo pupunta?" "Bibili kami ng mga notebook at papel pati na rin mga lapis. Naipon namin ang pambili ng mga iyon dahil nag-ambagan kami. Tinipid namin ang mga baon namin. Ibibigay namin sa mga batang hindi nakakapag-aral. Iyon yung gusto namin magawa ngayong week na to, usapan namin ni Lee. "Wow! Proud ako sayo anak. Nakakatuwa yang gagawin ninyo," sabi ni mommy. Ngumiti si kuya. "Sasama ako Mat! Gusto ko ring makatulong sa kanila." "Isama mo rin si Kuya Aeron at Ate Lauren." "Pwede ba?" tanong niya. "Oo naman! Kung mas marami tayo. Mas maagang matatapos ang trabaho. Pwede pa natin silang maturuan." Nag-apir kami ni Kuya at alam namin sa bagay na to, talagang nagkakasundo kami. Tanghali na ng matapos namin ang pamimili ng mga gamit. "Sapat na kaya lahat ng gamit na nabili natin para sa mga bata?" tanong ni Tristan "Oo nga. Hindi kaya yan kukulangin?" dagdag ni Lee "Tutal mayaman ka naman Tristan, ba't hindi na lang ikaw ang magdagdag kapag kulang," biro ni Kuya Aeron. "Pwede naman Kuya basta kayo nang bahala sa baon ko sa susunod na mga araw dahil siguradong hindi ako bibigyan ng magulang ko," sagot ni Tristan "Biro lang. Sa tingin ko naman sasapat na yan," sabi niya habang binibilang ni Kuya Aeron ang mga gamit. "Sana sapat na yan para lahat ng bata mabigyan nati," sabi ko. "Tara na Mat! Sakay na kayo. Umpisahan na nating mamigay sa mga bata," sabi ni Kuya. Pinasok na namin ang lahat ng mga gamit at umalis na kami Huminto kami sa isang parke ng may nakita kaming mga bata duon. Nilapitan namin sila at binigyan ng papel at lapis. Lubos ang saya nila ng matanggap yun. Tinawag pa nila ang iba nilang kasamahan. Sa bawat bata na binibigyan namin ng gamit, ngiti ang sukli nila samin. "Salamat po!" Nakakatuwa na makita silang masaya sa ginagawa namin. Nakakaawa din dahil hindi na nabigyan pagkakataon na makapag-aral ang iba sa kanila. Kaya bilang andito na din kami, tinuruan namin sila. Masayang masaya ang mga bata sa mga natutunan nilang bagong kaalaman. "Kain na muna kayo mga bata!" Tinawag sila ni Ate Lauren at Kuya Lucas na may dalang maraming pagkain. Nakakatuwa na nakasuporta sila dito sa ginagawa namin. Masayang masaya ang mga bata at busog sa mga kinain nila. "Mat?" "Sam, ikaw pala. Pagod ka na ba?" tanong ko sa kanya. "Pagod, pero masaya naman." Ngumiti sya. "Sobrang proud ako sayo Mat! Napakaganda ng ginawa natin," sabi niya at niyakap niya ko. Nahihiya man dahil nakatingin sila samin, niyakap ko rin siya. Naghiyawan naman sila pati ang mga bata. Lalo tuloy akong nahiya. "Salamat dahil andito ka," bulong ko sa kanya. Hapon na ng matapos kami. "Aahhh grabeee!! Nakakapagod yon pero masaya! Sa susunod idagdag ulit natin sa list itong ginawa natin," sabi ni Lee habang nag-uunat! "May dalawang check na tayo sa list natin. Dalawa na lang para makumpleto," sabi namab ni Tristan. "Anong checklist yan Mat?" tanong ni kuya. Pinakita ko sa kanya. √mabigyan ng bulaklak ang lahat ng guro sa school √makapagbigay ng gamit sa mga batang hindi makapag-aral -makapagbonding sa tabing dagat -makaakyat sa Mt. Pulag "Namigay pala kayo ng bulaklak sa mga guro sa school? Kaya pala may bulaklak yung prof namin," natatawang sabi ni kuya. "Oo kuya, nakakatuwa diba?" "Oo, maganda yon. Meron pang dalawang walang check. Wag kang mag-alala Mat, gagawin natin yan." "Salamat kuya!" sagot ko sa kanya Masaya ako dahil marami na kami sa grupo. Ako, Si Kuya Lucas, Kuya Aeron, Lee, Ate Lauren, Tristan at Sam. Ibig sabihin marami na kaming gagawa sa checklist ko. At siguradong magiging masaya yun! Bago kami umuwi ay dumaan kami sa simbahan. Nagpasalamat kami dahil sa kabila ng mga nangyayari ay andito kami at magkakasama pa rin. Buhay, at may pag-asa pang gumawa ng masasaya at makabuluhang bagay. Sana hindi na matapos ito. Sana laging ganito. Nagpaalam na kami sa isa't-isa ng gabing yon. Pagkauwi namin ni Kuya ay niyakap agad namin ni mommy. Nagulat siya kung anong nangyayari. Nginitian lang namin siya ni Kuya at naintindihan na agad yon ni Mommy. Alam niyang masaya lang kami. Kinamusta niya ang buong araw namin, at nagkuwentuhan kami ng masasayang bagay. Masarap ang pagkain namin ng gabing iyon. Sinigang na bangus. Paborito ko. Pagkatapos naming kumain ay umakyat na kami sa kwarto. Pagkasara ng pinto ko ay ang agad na paghawak ko sa ulo kong kanina pa kumikirot. Mabuti at hindi nila nahalata. Wag muna ngayon, wag muna. Ayoko pa! Nahiga ako at kinuha ang checklist na ginawa ko. "Please Lord. Pagbigyan nyo po muna ako. Wag muna. Hayaan nyo munang matapos ko ang list na 'to bago niyo ako kunin. Pakiusap." Muling tumulo ang luha ko sa sakit nararamdaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD