Chapter 7

1306 Words
-Lucas Masakit pa ang ulo ko ng magising ako. Niyakap agad ako ni mommy. Umiiyak siya pero nakita ko sa mukha niya na masayang-masaya siya. Sa gilid ko naman nakita ko si Aeron. Umiiyak din. Alam kong nasagasaan ako pero bukod don wala na 'kong matandaan. Hindi ko alam kung gaano na katagal akong andito. Hindi pa rin ako makapagsalita ng maayos para sabihin sa kanila na wag ng umiyak dahil buhay pa naman ako. Pagkatapos ay lumabas si Mommy. Teka. Asan si Mat? Ok lang ba siya? Kamusta na kaya iyong kapatid ko? "Tol walang hiya ka! Akala ko mamamatay ka na! Sobra mo kaming pinag-alala," sabi ni Aeron habang nagpupunas ng luha. "Sorry," yan lang ang nasabi ko kahit sobrang dami ko pang gusto sabihin. Sinubukan kong magsalita ulit. "Si Mat?" tanong ko. "Okay lang sya tol. Umuwi lang siya sa inyo para sana kumuha ng gamit mo," paliwanag ni Aeron. Okay si Mat. Mabuti naman kung ganon. "Gaano na ako katagal na andito?" tanong ko. "Walong araw na tol. Walong araw na hindi namin narinig yung mga sermon mo." Ang tagal ko pa lang walang malay kaya siguro ganito na lang ang pag-aalala nila sakin. Ang dami pang kinuwento sakin ni Aeron at nakinig lang ako sa mga sinasabi niya. Mayamaya ay bumalik na si Mommy at kasunod niya si Mat. Masaya ako na ligtas sila. Pero nagulat ako ng may isa pang pumasok. Si Lauren?! Totoo ba? Teka lang. Ang panget ko! Pambihira naman! Nakita niya pang ganito yong kalagayan ko. Nakakahiya! Lumapit agad sa akin si Mat at niyakap ako. Ramdam ko ang init ng yakap niya. "Kuya, mabuti at nagising kana. Sobrang nag-alala kami sayo," sabi niya. "Mabuti at ok ka lang Mat," sagot ko kahit pa nahihirapan. Lalo lang siyang umiyak sa sinabi ko. Nakita kong lumapit sa'kin si Lauren. Nagulat ako dahil niyakap niya rin ako. "Salamat sa lahat Lucas," bulong niya Nakita ko na lumuluha siya. Nasasaktan ako na nakikita silang ganon. Kung gaano ako katagal na andito, siguradong ganon din katagal sila nag-aalala at naghihintay na gumising ako. "Masaya akong makita ka," bulong ko kay Lauren. Ngumiti siya at hinalikan niya ako sa pisngi. Namula ako ng kaunti. Kaunti lang. Masaya akong makita sila. Si Mommy, Si Mat, Si Aeron at Lauren. Masaya ako. Salamat at naghintay kayo sa'kin. "Tol, tara na! Malelate na tayo." "Kuya, tara na!" sigaw ni Aeron at Mat sa labas ng bahay. Pitong araw na ang nakalipas at ginusto ko na rin pumasok muli sa eskwelahan. May saklay pa ko, dahil nabalian ako ng buto. pero di naman magtatagal ay makakalakad na rin ako ng maayos. "Sakay na tol." Inalalayan nila ako paakyat ng busm Mabuti at nakaabot kami. Tinanghali kasi ako ng gising dahil napasarap ata ang tulog ko. "Hi Lucas!" bati sakin ni Lauren. "Tabi na tayo dito sa upuan," aya niya sakin. Tumingin ako kay nila Aeron at Mat. Kumindat sila sa akin at nagtawanan. Mga lokong 'to! "Sige, kung okay lang sayo," sagot ko. tinulungan niya akong umupo. Nakangiti lang siya sakin. "Bakit?" nakangiti ring tanong ko. Ewan ko ba. "May kulangot ba ako? May muta?" tanong ko. Natawa siya ng bahagya. "Wala, masaya lang ako." Inalis niya ang tingin niya sa akin pero nakangiti pa rin siya. "Salamat Lauren," bulong ko sa kanya. "Para san?" tanong niya. "Ewan ko. Pakiramdam ko lang kailangan kong nagpasalamat sayo." Hinawakan niya ang kamay ko at inalis ulit ang tingin niya sakin. "Nagsampa na nga pala kami ng kaso kay Michael." Ngumiti ulit siya pero alam kong nasasaktan siya pag naaalala ang mga nangyari. Ang mga gago na yon. Hindi ko sila mapapatawad. Lalong humigpit ang kapit ko sa kamay niya. "Andito lang ako kahit anong mangyari. Andito lang kaming mga kaibigan mo. Sisiguraduhin nating makukulong sila," galit na sabi ko. Ngumiti siya. "Maraming salamat Lucas. Kung alam mo lang kung paano mo niligtas ang buhay ko. Sobrang nagpapasalamat ako," sabi niya at niyakap niya ko. "Mamayang hapon, magkita tayo sa labas ng school," sabi niya habang mahigpit na nakahawak sa kamay ko. "Sige, magkita tayo," sagot ko. Magkahawak lang kami ng kamay. Walang nagsasalita sa amin, pero okay lang. sapat na yon. Kahit hindi na namin aminin, alam na namin ang gusto namin sabihin. "Tol? hindi muna ako sasabay sayo umuwi," sabi ko kay Aeron habang nag aayos na kami ng gamit dahil uwian na. "Huh? Bakit? Kaya mo ba? Ok lang, wala naman sa'kin kahit ihatid sundo pa kita," sagot sakin ni Aeron. "Magkikita kami ni Lauren," nakangiting sabi ko. Hindii ko maitago ang ngiti ko, ang hirap. "Hahahaha!" tumawa lang siya sabay binatukan ako ng mahina. "Hindi mo naman agad kasi sinabi. Sige tol, papaubaya na muna kita kay Lauren," at tumawa na naman siya. "Dito na ako. Basta tol magchat ka na lang agad sakin kung magkakaroon na naman ng problema, okay?" sabi niya. "Salamat tol," sagot ko. Maswerte ako dahil laging andyan si Aeron. Sa labas ng school, wala pa si Lauren. naupo na lang muna ako sa tapat ng school. "Asan ka na?" message ko sa kanya. "Andito sa likod mo," reply niya. Pagkalingon ko ay anduon nga siya. "Kanina ka pa ba?" tanong niya sa'kin. "Hindi naman. Kakarating ko lang din," sagot ko. "Tara na!" aya niya sa akin at hinawakan niya ulit ang kamay ko. "San tayo pupunta?" tanong ko ulit kahit ang totoo wala akong pakialam kahit san pa yon basta kasama ko siya. "Basta sumama kana lang," nakangiti siya. Ang saya ko! Kasama ko ang babaeng matagal ko ng gusto. Nakarating kami sa peryahan. "Anong gusto mong sakyan na rides?" tanong niya sakin. Para siyang bata na excited sumakay. Ang totoo takot ako sa mga rides pero tatapangan ko para sa kanya. "Baka mahirapan ka sa akin, may pilay ako," sabi ko sa kanya sabay pinakita ko ang saklay ko. "Sus! Ako pa ba?" sabi niya sabay pinakita ang bicep niya. Natawa ako. "Ikaw nang bahala," nakangiting sabi ko. "Okaayyy!! Simulan na natin," sabi niya sa kin. Nakalimang rides na kami, at masusuka na ako sa hilo. "Sobrang saya! Hahahaha! kaya mo paba Lucas?" tanong niya sakin. Nakita ko ang saya sa mukha niya. Hindi ko pwedeng pigilan iyon. "Oo naman! Iyon lang ba?" hamon ko sa kanya. Ngumiti siya. "Aba! Tara sa Ferris wheel," sagot niya Napalunok ako. Sa lahat ng rides, sa ferris wheel ang pinaka ayoko. "Bakit parang namumutla kana ata Lucas?" sabay tumawa siya ng malakas. Hindi ko kailangang maging duwag ngayon. "Tara na!" niyaya ko siya para ipakita ko na hindi ako natatakot. Pagkasakay namin, hindi pa man umaandar ay parang masusuka na ako. Napansin ni Lauren iyon. Tumabi siya sa'kin at hinawakan ang kamay ko. Nawala ang takot ko bigla. Habang pataas kami ng pataas ang dami niyang tinuturo sa akin na mga bagay sa ibaba pero isa lang ang napapansin ko. Siya lang. Ang mahaba niyang buhok na tumatama sa mukha niya dahil sa hangin. Ang maganda niyang mga mata at ngiti. At andito siya ngayon kasama ko. Magkahawak kami ng kamay. Lalo akong nahuhulog sa kanya. "Lauren," tumingin siya sakin. Kinabahan ako. Perk hindi, ayoko ng maging torpe. "Gusto kita. Hindi! Minamahal na kita. Matagal na. Ayoko ng sayangin ang pagkakataon. Maraming beses na akong naduwag pero ayoko na sa oras na 'to." Hinawakan ko ang mga kamay niya. "Mahal kita Lauren. Hayaan mo sana akong mahalin ka at umaasa ako na sana.. sana ay mahulog din ang loob mo para sa akin." Lalong humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Tumingin siya sakin. May luha sa mata niya pero nakita ko sa mga to ang saya. Alam kong masaya siya. "Lucas, Mahal din kita." Tumahimik ang napakaingay na syudad at ang pinakinggan ko ay siya lang. Pinahinto ko ang oras at sa unang pagkakataon ay naglapat ang mga labi naming dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD