Chapter 6

817 Words
-Mat Nakasakay na ko pauwi. Hindi. Papunta pala ng ospital. Walong araw matapos mangyari ang aksidente. Umaasa ako na pagdating ko doon ay gising na si Kuya Lucas. Sobrang sakit samin ng pangyayari. Nag-aaral na nga pala ulit ako. Ang totoo Hindi na ko pinapayagan ni mommy dahil hindi niya rin kakayanin kung may mangyari pa sa akin dahil sa sakit ko pero sinabi kong kailangan kong mabuhay katulad ng dati. Kalat na sa school ang kalagayan ko. Oo, pinag-uusapan ako at kung anu-anong masasamang salita ang naririnig ko na para bang kilalang kilala nila ako. Na akala mo nasubukan na nila mabuhay ng katulad ng buhay ni Mateo Reyes. Pero hindi, hindi ko sila dapat pansinin. Hindi ako dapat magpaapekto sa kanila. Magiging kalmado lang ako. Ayokong makulong sa katotohanan na kahit anong oras, pwede akong mawala. Gusto kong mabuhay! Gusto kong maging malaya. Maswerte pa nga ako. Kahit nalaman kong may taning na ang buhay ko, may pagkakataon pa rin akong gawin ang mga bagay na hindi ko pa nagagawa. Samantalang 'yong iba, nawala na lang bigla ng hindi nakakapagpaalam katulad ni Daddy. Hindi na namin nagawang magpaalam sa kanya. Iyon. 'yon ang pinakamasakit na paalam. Hindi pa rin ako makapaniwala na ang ospital na halos ang naging tahanan namin sa mga nakaraan araw. "Anak, andyan kana pala? Kamusta ang klase mo?" bungad sakin ni mommy pagpasok ko ng pinto. Gusto kong sabihin na ang paaralan ay parang impiyerno, at masasama ang mga andoon. Mga mapanghusga at puro problema. Hindi maganda! At hindi na kailanman magiging maganda dahil sa sakit ko. Pero hindi ko na lang yon sinagot. "Si kuya?" tanong ko at inabot ko ang dala kong pagkain para sa kanya. "Kainin mo na Mom, masarap yan," sabi ko sa kanya. Ngumiti lang si Mommy. Alam ko na, wala pa ring nangyayari. Hindi pa rin nagigising si Kuya. Andito rin si ate Lauren, tumutulong siya sa pagbabantay. Hindi siya tumitingin sa akin pagkadating ko. Ramdam ko na sobra pa rin siyang nahihiya samin. Alam kong sinisisi niya pa rin ang sarili niya. Nakita ko ang huling pagtatalo nila ni Kuya Aeron at alam kong siya ang sinisisi nito pero wala namang may gusto ng mga nangyari. At hindi rin kasalanan ni ate Lauren iyon. Hindi kami nag-uusap pagtapos ng nangyari. Siguro dahil walang may gustong magsalita at walang may gustong pag usapan. Sinubukan kong kausapin siya. "Ate Lauren, kumain kana ba?" Nakita ko ang gulat sa mukha niya. Hindi agad siya nakapagsalita ng ilang segundo. "Ah, eh. Oo Mat. kumain naman na ko bago ako pumunta dito, salamat." Muli ay umiwas ulit siya ng tingin at hindi ko na rin sinubukan pang magtanong. "Anak uuwi na muna ako. Kukuha lang ako ng gamit ng Kuya mo," sabi ni mommy. Naisip ko na ako na lang ang kukuha tutal kailangan ko rin ibalik ang mga gamit ko. "Ako na Mom. Ako na ang kukuha. Kailangan ko rin iuwi ang mga gamit ko," sabi ko kay mommy. "Pwelde ba kitang samahan Mat?" Nagulat ako dahil sa sinabi ni ate Lauren. Hindi ko alam kung gusto ko bang makasama siya dahil alam kong magkakailangan lang kami. Pero okay lang naman siguro. "Sige, Ate Lauren. Mukhang kailangan ko rin ng katulong sa pagkuha ng mga gamit," sabi ko at ngumiti siya bilang sagot. Pagtapos niyon ay nagpaalam na kami kay mommy. Sa daan pauwi, walang nagsasalita saming dalawa. Siguro ganon talaga. Ayaw na lang namin pag-usapan. Hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko. Pero sa ginagawa niya, alam kong mahalaga sa kanya si kuya. Lagi siyang nasa ospital para magbantay at nakikita ko sa mga mata niya na takot syang mawala si kuya. Hindi ko siya lubos na kilala. Ang balitaan ko lang may something sa kanila. Pero ang kuya ko, masyado atang torpe. Ganon siguro talaga pag Reyes. Biro lang. Nagpatuloy ang nakakabinging katahimikan hanggang makarating na kami sa bahay. Nagpatulong ako kay ate Lauren na kumuha ng gamit sa kwarto ni kuya at kumuha naman ako ng gamit ko. Pagpunta ko sa kwarto ni kuya nakita ko si Ate Lauren na may hawak siyang picture. Nakita ko na iyon dati noong pumasok ako sa kwarto ni Kuya. Picture nila yun ni Ate Lauren nong nasa grade school pa lang sila. Nagulat si ate Lauren ng makita ako. "Sorry Mat. Nakita ko lang dito sa lamesa nya," sabi niya at sinauli niya ulit kung san iyon nakapatong at bumalik sa pagkuha ng gamit. "Ang corny nya no, Ate? Nagtatago siya ng picture nyo pero natotorpe naman siya sayo," sabi ko. Bahagya siyang natawa. "Hindi ko alam na tinago niya pala yan." Ngumiti sya, "ang sinabi niya kasi noon sakin gugupitin niya raw yang picture ko dyan at gagawing panakot sa daga." Natawa ako sa sinabi niya. "Lagi niya akong inaasar noon at lagi rin naman akong napipikon sa kanya." Umupo ako at nakinig sa kwento niya. "Pero nung minsang may umaway sa akin sa school dati. Alam kong inaway niya rin yon." Nakangiti siya habang sinasabi 'yon. "Paano mo nalaman?" tanong ko. "Dahil nakita ko. Nagalit siya don sa batang nang-away sa akin at sinuntok niya iyon. Kinabukasan may dala ng magulang 'yong sinuntok niya." Nagtawanan kami. "Pinagalitan siya ng magulang niyon pero parang wala siyang pakialam sa sinasabi ng magulang ng bata." Tumahimik siya bigla. "Niligtas niya ko noon at niligtas niya na naman ako ngayon. Sorry Mat. Kung hindi dahil sakin, maayos sana ang kuya mo ngayon," sabi niya habang nakikita kong dahan dahan pumapatak ang luha niya. "Ate, Wlwag mong sisihin ang sarili mo. Hindi mo kasalanan." Nung umiyak siya, nagsimula na ring mabasa ang mata ko. Nakakainis naman! Ayokong umiyak. "Araw-araw akong nagsisisi Mat. Walang araw na hindi ako umiyak dahil sa nangyari sa kuya mo. Alam kong kasalanan ko, alam ko iyon. And I'm hoping and praying na sana magising na siya." Tuloy tuloy lang siya sa pag-iyak. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Sobrang nasasaktan kami sa nangyari kay kuya. Biglang tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si mommy. "Hello Mom? Pabalik na kami ni Ate Lauren." sabi ko. At ang sagot niya ang lubos na nagpaligaya saming lahat. "Anak, si Kuya Lucas mo. Gising na!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD