Chapter 5

1067 Words
-Lucas Nasa school bus ako nung araw na 'yon. Oo, pumasok ako. Ayoko sana dahil sa mga nangyari pero pinilit ako ni mommy dahil ayaw nya ding maapektuhan ang pag-aaral ko sa mga nangyari. Siya na daw ang bahalang magbabantay kay Mat. Nang malaman ko ang kalagayan ni Mat, hindi ko alam kung paano ko s'ya kakausapin. Hindi ko alam kung ano bang magiging reaksyon ko. Magpapakita ba ko na naaawa ako o magpakitang malakas ako. Kung alin man doon, hindi ko alam. At sumasakit ang ulo ko pag iniisip yun. "Tol! Nabalitaan ko ang nangyari kay Mat. Kamusta na siya?" tanong ni Aeron na kakadating lang at tumabi siya sa upuan ko. Chismoso lang ang datingan. Biro lang. "Tulog pa din siya nung umalis ako, pero sabi ng doctor magigising na siya mamaya." paliwanag ko ng hindi tumitingin sa kanya. "Mabuti naman! Sasama ako pagpunta sa ospital mamaya. Wala naman tayong pasok bukas. Gusto ko din kamustahin si Mat." tumango lang ako. Maswerte ako na kaibigan ko si Aeron. Naiintindihan niya ang mga problema ko, palaging andyan para sakin at ganun din naman ako sa kanya. Sa sobrang close nga namin inaasar na nga kaming magdyowa. At nakakadiri 'yon! Magkaaway talaga kami noong high school pa kami. Para kaming mga tigre na nag-aagawan ng teritoryo. Away dito, away don. Nagpapagalingan, nagpapatalinuhan. Hindi ko na nga alam kung paano kami naging magkaibigan. "May balita pala ako sayo tol," sabi niya habang nangungulangot. Nakakaumay! "Ano yon?" tanong ko. Hindi pa din ako tumitingin sa kanya. "Gusto mo bang malaman o hindi? Sarap mo kausap e!" haha, naasar si timang. Tumingin ako. Mahina niyang sinabi. "May boyfriend na si Lauren." Parang biniyak ang puso ko sa narinig ko. Si Lauren Madrigal. Matagal ko na siyang gusto simula nung elementary pa lang kami. At siya rin ang dahilan kung bakit andito ako ngayon sa kurso na 'to. Gusto ko siyang ligawan kaso sobrang torpe ko ata. Ako na ata ang pinakamalalang manligaw sa lahat. "Ano!!" "Oh wag kang maingay! Para kang tanga! Nag-iiskandalo ka pa dito!" sabay batok niya sa'kin ng mahina. "Sorry. Pano mo naman nalaman yan?" tanong ko. "Ganito kasi yon," sabay ayos niya ng upo, "Nagpunta kasi ako sa mall kagabi, may binili ako. Tapos nakita ko si Lauren, may kasamang lalaki," sabi nya. Nakatingin pa rin ako sa susunod niyang sasabihin. "Tapos inakbayan siya, nakita ko pang may dalang bulaklak si Lauren. Malamang, iyong lalaki rin na yon ang nagbigay nyon. Ano pa ibig sabihin niyon, e di boyfriend niya na, 'di ba?" Natulala ako sa sinabi niya. Tang-ina naman kasi. Bat ba napakatorpe ko! Bulaklak at akbay? Malamang nga boyfriend niya na yon. "Alam mo tol ang dami mo na kasing chance para umamin sa kanya, tapos natorpe ka pa. Alam mo namang tayo lang dalawa ang pinakagwapo sa school kaya imposibleng hindi ka magustuhan niyon pag umamin ka. Nakikita ko nga siyang pasimpleng tumitingin sayo at nabalitaan ko pa mula sa mga kaklase niya na may gusto siya sayo kaso napakatagal na tol. Naumay na lang siguro sa paghihintay sa sobrang bagal mong kumilos." Di na ko sumagot. Ang malas ko! May sakit ang kapatid ko at wala ng chance para maging kami pa ng babaeng gusto ko. Ang lala! "Iinom na lang natin yan tol! Sabi nila ang alak nakakatulong makalimot e." May iba pa bang paraan? Mukhang wala na. Binabawi ko ng mabuting kaibigan 'tong si Aeron. "Sige tol. Sa dating tambayan," sagot ko kasabay ng pag andar ng school bus. 5:30 ng hapon. Tapos na ang klase. Papunta na ko sa dating tambayan namin ni Aeron. Doon na kami magkikita. Nauna na 'ko dahil siya na daw ang bibili ng alak. Sa likod ng school, may abandonadong building na hindi natapos at hindi na din pinagpatuloy. 2 storey siya at may tig-isang room kada palapag. Hindi naman siya nakakatakot dahil may mga ilaw sa paligid nito. May nakatira run sa ibaba. taga linis sa school namin. Walang nakakatambay dun dahil masungit si manong at hindi niya pinapayagan ang pagpunta roon. Pero kami, nagpapaalam kami sa kanya pagtatambay kami sa taas. Mabait si manong samin dahil pinapayagan niya kami. Hindi ko rin alam kung bakit. Pagdating ko doon ay wala si manong. Kaya umakyat na agad ako. Bago pa man tuluyan akong makaakyat may naririnig akong umiiyak na babae at nagtatawanan na mga lalaki. Sumilip ako, nasa bandang dulo sila. Di ko masyadong maaninag dahil madilim at medyo malayo sila. Tatlong lalaki at isang babae. Pinipilit nila yung babaeng hubaran pero pumapalag ito. Alam kong schoolmate ko yung babae dahil sa suot niyang uniform pero yung mga lalaki hindi taga dito sa school. Hindi ko alam ang gagawin. Gusto kong tulungan yung babae kaso natatakot ako. May takot ako na baka madamay ako. Kaya ichachat ko sana si Aeron para magpatulong kaso walang signal yung phone ko. Bwisit! Muli, tinignan ko ulit sila at laking gulat ko na ang nakita kong babae ay si Lauren. Oo. Si Lauren nga! Sigurado ako. Ang mga walang hiyang 'to! Sa sobrang galit ko, hindi na ko nag isip. Nakakita ako ng malaking kahoy sa gilid ng hagdan at sumugod papunta sa kanila. Totoo nga na pag nasa peligro ang taong mahal mo, wala kang hindi kayang gawin. Pinagpapalo ko ng kahoy yong tatlong lalaki. Habang pinapalo ko sila pinatakbo ko na si Lauren, ayaw niya pa sana kaso lalo kaming mapapahamak. Nabitawan ko iyong kahoy at nakuha nila 'yon. Tumakbo agad ako kaso ang bilis din nilang tumakbo. Galit na galit sila. "Tang ina mo! Sige, takbo! Pagnaabutan ka namin, siguradong paglalamayan ka!" sigaw nila habang hinahabol ako. Nasa gilid na kami ng kalsada naghahabulan. Nararamdaman ko na ang bigat ng bawat hakbang ko. Alam kong 'di magtatagal maaabutan ako ng mga to at sigurado akong gagawin nila kong pagkain. Napatingin ako sa kabilang kalsada at nakakita ako ng pulis. Ayon! Ligtas na 'ko. Lalapit ako sa kanya, hihingi ako ng tulong. Sa pagtawid ko habang natakbo, malakas na busina ng sasakyan ang narinig ko. Alam kong papalapit iyon sa akin. Nakakabinging ingay na nagbabadya na dapat akong huminto pero hindi ko ng magawang tumigil. "BoOom...krrggghh...!!" Sa pagdilat ko, hindi ko na magawang igalaw ang katawan ko. Nakakasilaw. Nakakabulag na liwanag. Pero kita ko ang dugo sa paligid ko. Ang ingay! Nakakabinging ingay. At kasabay ng pagpikit ng aking mga mata ang biglang pagtahimik nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD