Chapter 4

1026 Words
-Aeron Andito ako ngayon sa tindahan ni Aling Baby. Baby pero Ale? Ang labo! Hindi bale na nga. Iisipin ko pa ba 'yon sa dami kong problema? Magkikita nga pala kami ni Lucas sa tambaya para uminom. Ang bait kong kaibigan. Papainumin ko ang kaibigan ko dahil may problema? Pambihira talaga. Napakagaling! Malay ko ba e sa ganito kaming paraan natuto para pansamantalang makalimutan ang mga problema. Pinauna ko na siya at ako na lang ang bumili. "Aling Baby, pabili naman ng dalawang Kabayong Pula. Yung malamig po at sampung bagong sinangag na mani. Yung mainit init pa galing kawali," sabi ko habang kumukuha ng pera sa pitaka ko. "Mag-iinom ka na naman ba Aeron? Nako, kayo talaga," tanong niya. Ito na naman tayo. Akala mo nanay ko kung manermon. "Ah, hindi naman po Aling Baby. Para sa tatay ko ho iyan," pagsisinungaling ko. Sana maniwala. "Eh kayo talagang mga kabataan oh! Nagsisinungaling pa. Kung para sa tatay mo 'yan e di sana duon ka na bumili sa inyo, 'di ba?" ang dami namang sinasabi nito. Napakamot na lang ako sa ulo. "Pagbibilhan nyo po ba ako Aling Baby o hindi? Kasi nagmamadali ho ako kaya sa iba na lang ako bibili," medyo galit ng konting kong sabi. Biro lang yan, para pagbilhan niya ko. Siya lang naman kasi ang may tindang alak malapit dito sa school. "Oh, ito na. Wag uuwi ng lasing ha." Inabot niya ang pulang kabayo at sampung mani. "Opo. Ito na hong bayad. Salamat!" nakangiti kong sabi. Nilagay ko agad yun sa bag ko. Baka makita pa ng prof ko at mayari pa 'ko. Mahirap na. Naglakad na ko papunta sa likod ng school nang makita ko sa malayo si Lauren na tumatakbo palapit sakin. "Aeron!!! Si Lucas!!! Si Lucas please!!!! Tulungan natin siya!!! Tulungan natin siya!! Mapapahamak si Lucas!!" nagulat ako sa sinabi niya. "Anong nangyari!?! Asan si Lucas!!!" Pumunta agad kami sa tambayan ni Lauren dahil andun daw si Lucas pero hindi namin siya nakita dun. "Lauren!!! Asan si Lucas!!! Ano bang nangyari!!?!" galit na tanong ko. Ano ba 'to?! Joke ba to? Kasi kung joke 'to, ngayon pa lang lumabas na si Lucas dahil sasapakin ko ang mukha niya dahil hindi magandang biro 'to!! "Tinulungan n'ya ko!! Hindi ko sinasadya Aeron! Sorryy!!" Anong tulong? Bakit? Hindi ko talaga maintindihan. Nagpatuloy kami sa paghahanap sa labas ng school nang makita namin maraming tao sa kalsada. May nasagasaan daw. Kinakabahan kami sa nangyari. Nilapitan namin ni Lauren 'yon at laking gulat namin ng makita na ang nasagasaan ay si Lucas. Oo, si Lucas! Hndi ko alam ang gagawin. Nadurog ang puso ko ng makita ko siyang duguan at walang malay. Nilapitan ko agad siya at humingi ng tulong. "Tulong! Tumawag kayo ng ambulansya! Please! Tulungan nyo kami." Naglapitan ang mga tao, hindi ko alam kung gusto ba nilang tumulong. Ano ba!! Dumating ang ambulansya at sinakay agad namin si Lucas sa sasakyan. Hindi ko alam bakit siya nasagasaan. Ano bang nangyari sa kanya?! Kailangan madala agad si Lucas sa ospital kung hindi, hindi na kami aabot. Kritikal sya. Humihinga pa siya pero alam kong hindi kami dapat mag-aksaya ng oras. Maraming dugo ang nawala sa kanya at mukhang may bali pa sa katawan nya. Pagdating sa ospital, dinala agad sya sa emergency room. "Tol! Kaya mo yan! Andito lang ako. Wag kang susuko! Laban lang tol!" sigaw ko bago sya ipasok sa emergency room. Takot na takot ako sa pangyayari. Hinihintay na lang namin ang Mommy niya at si Mat. Sinubukan kong kausapin si Lauren dahil naguguluhan pa din ako sa nangyayari. "Ano bang nangyari Lauren?!! Bakit nasagasaan si Lucas?! Ano bang nangyari?!!" tanong ko sa kanya. "Aeron tinulungan ako ni Lucas. May gustong gumahasa sakin at nagulat ako ng bigla dumating si Lucas para tulungan ako. Pinatakbo niya ako at humingi daw ako ng tulong. At sa daan ay nakita nga kita pero maniwala ka hindi ko alam kung bakit ganito ang nangyari kay Lucas. Hindi ko alam! Dapat pala hindi ko na lang siya iniwan. Dapat pala hindi!!" umiiyak na sabi niya. Hindi ko na alam ang gagawin, galit ako! "Oo! kasalanan mo to Lauren!!! Kasalanan mo to!! Kung hindi dahil sayo maayos sana si Lucas ngayon!! Tandaan mo 'to. Kung anuman ang mangyari kay Lucas, hindi kita mapapatawad!!" galit na sabi ko at nagulat ako ng makitang andun na si Mat. Nakita niya ata ang pagtatalo namin ni Lauren. "Kanina ka pa ba Mat?" tanong ko. Hindi siya sumagot. Naglakad lang siya at naupo. "Asan si kuya?" tanong niya sa'kin. "Inaasikaso na siya Mat. Maghintay lang tayo, magiging maayos din ang lahat," paliwanag ko sa kanya. "Wag na sana kayong mag-away, pakiusap lang." sabi niya ng makita ko ang pagpatak ng luha nya. Sumunod din naman agad ang Mommy nila. "Aeron? Asan si Lucas?! Kamusta si Lucas?!" tanong ng mommy niya. "Nasa loob na po si Lucas, inaasikaso na po siya. Umasa na lang po tayo na magiging maayos din si Lucas." sabi ko sa kanya. "Aeron, bakit nasagasaan ang anak ko? Ano bang nangyari?" muli ay nagtanong siya. "Hindi ko po alam, hindi ko po talaga alam. Tanungin nyo na lang po sya." Tinuro ko si Lauren. At umalis ako para magpalit ng damit. Ang puti kong uniform na nagkaroon ng dugo ng best friend ko. Nahawakan ko, naamoy ko. Naramdaman ko. Lumabas na ko ng ospital. Hindi ko kaya 'to! Nadudurog ako sa nangyari. Naglakad ako palayo sa ospital. Nakakita ako ng kainan. JayJay's Paresan ang pangalan. Lumapit ako. "Ano po sa inyo?" tanong sakin ng tindero. "Isang pares," sagot ko. "May kanin po ba?" tanong ulit niya. Umiling lang ako. Nilagyan niya ako ng pares sa mangkok at binigay ito sa akin. Inabot ko ang bayad at naupo ako sa labas ng kainan. Pinagmasdan ko lang ang pagkain ko. Pinagmasdan ko lang ang usok na galing dito. Mainit pa. Kinapa ko ang apat na stick sa bulsa ko at sinindihan ito. "Maiintindihan naman siguro ni Lucas," bulong ko sa sarili. Pagkatapos ng kalahating oras ay umalis ako at iniwan ang isang mangkok ng malamig na pares at apat na upos ng sigarilyo sa lamesa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD