-Lauren
Gusto ko si Lucas, matagal na.
Simula noong mga bata pa kami ay may pagtingin na 'ko sa kanya. Matalino siya, magalang, at may respeto sa babae. Kaso hindi ko siya maintindihan. Napakalabo niya. Magbibigay siya ng motibo tapos hindi niya itutuloy. Parang ako pa 'yong dapat manligaw. Ganun ba 'yon? Hay na ko. Lahat na ng pagpaparamdam ginawa ko, kaso manhid talaga s'ya.
Hanggang tingin na lang ata ko sa kanya dahil alam kong hanggang ganun na lang din s'ya at walang mangyayari.
Pareho kami ng kursong kinuha at balita ko dahil daw sa akin kaya siya andito. Isa na naman sa mga paramdam n'ya na walang kasiguraduhan. Napakatorpe nya.
Hanggang sa hindi na lang ako umasa sa kanya, kasi nakakapagod naman talagang umasa. Wala. Inalis ko na s'ya sa isipan ko. Hindi ko na binigyan pansin lahat ng pasimpleng ginagawa niya.
Hanggang sa makilala ko si Michael. Criminology student sya pero hindi s'ya dito sa school namin nag aaral. Nanliligaw siya sakin. Mabait naman s'ya, at sweet. Matagal tagal na rin s'yang nanliligaw sa akin pero kahapon lang pinatigil ko siya sa panliligaw.
Hindi ko nagustuhan 'yong ginawa nya. Maraming beses niya akong hinawakan sa bewang, sa ibang parte ng katawan at inakbayan. Hindi ko iyon nagustuhan. Galit na galit siya ng sinabi kong itigil na niya lahat ng ginagawa niya. Ang tagal niya daw naghintay para sagutin ko siya tapos babusted-in ko din pala s'ya.
Pero matapos ng nangyari kahapon, hindi na ko nagparamdam sa kanya. Ewan ko. Siguro may hinihintay din talaga ko at hindi siya 'yon.
"Oy Ren!" si Shane, kaibigan ko. Andito kami sa canteen sa school ngayon. Nagpapalipas oras dahil dalawang oras pa bago ang sunod na klase namin.
"Nabalitaan mo ba 'yung nangyari sa kapatid ni Lucas? si Mat?" tanong niya. Sa totoo lang alam ko ang lahat ng nangyari dahil andon ako mismo nung gabing 'yon. Nakita ko ang lahat.
Kalat na 'to sa buong school namin. Gusto kong kausapin si Lucas tungkol dito pero hindi pa kami nagkikita simula nung nangyari sa kapatid niya. Alam kong kailangan ko siyang kausapin. Alam kong kailangan niya ng kausap. Kapag nagkita kami, lalakasan ko na lang ang loob ko para kausapin sya.
"Alam ko na Shane," maikling sagot ko.
"Nakakalungkot 'di ba? Gusto mo puntahan natin ung kapatid niya sa ospital? Alam ko kung san 'yon," sabi niya.
Kinabahan ako. Ito na kaya yun? Ito na ba yung pagkakataon para makatulong ako sa problema nila? Para makausap ko si Lucas? Hindi ko alam.
"Nakakahiya naman ata 'yon," sabay kagat sa burger na kinakain ko.
"Ano kaba! matutuwa pa nga 'yon dahil may bumisita sa kanila." hindi pa din ako sumasagot, nag iisip ako.
"Kung ayaw mo, ako na lang. Siguradong andon si Lucas. Ako ang kakausap sa kanya," sabay tingin sa akin na parang nang-aasar.
"Sige, puntahan natin," sagot ko. Wala na 'kong magagawa. Inaasar na ko nito ni Shane.
"Yan ang bestfriend ko! Hahaha! Bumili tayo ng prutas bago pumunta doon at kailangan magpaganda ka din mamaya," sabi nya. Ngumiti lang ako. Masaya ako dahil andito si Shane. Maswerte ako.
5:10 pm uwian na. Naghihintay ako sa labas ng school dahil bumili si Shane ng prutas sa kabilang kalsada. May tindahan kasi ng prutas malapit dito sa school namin.
Habang gumagamit ako ng cellphone, may biglang humatak sa'kin na dalawang lalaki. Tinakpan agad nila ang bibig ko para hindi ako makasigaw. Pumipiglas ako pero masyado silang malakas. Walang nakakakita sa akin dahil walang estudyante sa labas nang school ng mga oras na 'yon.
Ang bilis ng pangyayari. Hinahatak nila ako papunta sa lumang building sa likod ng school. Wag! wag naman sana! Takot na takot ako. Sa baba ng building, nagulat ako sa nakita ko. Andun si Michael, nagsisigarilyo.
"May nakakita ba sa inyo?" tanong niya sa mga kasamahan niya.
"Wala tol. Natyempuhan namin na walang tao sa labas ng school," paliwanag ng mga 'to sa kanya.
Sinusundo ako dati ni Michael kaya siguro alam niya kung anong oras ang labas ko sa school.
"Hayop ka Michael! anong gagawin niyo sa'kin!" galit na sabi ko.
"Wag ka na lang umangal d'yan! kung hindi ka nag inarte sana sakin, hindi 'to mangyayari! Wag kang mag-alala, mabilis lang 'to. Pagtapos, pagpapahingahin na kita.. habang buhay. Sige, dalhin nyo na yan sa taas." Lalo akong natakot sa narinig ko, may balak silang patayin ako.
Sa taas, pinipilit nilang alisin ang damit ko. Mga hayop kayo! nag-isip ako ng paraan.
"Wag! please! Maawa ka sa'kin Michael! Hindi ko sinasadyang saktan ka. Please. Gawin mo na sa'kin lahat, basta wag mo lang akong papatayin!" sabi ko habang umiiyak sa takot. Nagtawanan lang sila.
"Hahahahaha! Sa tingin mo ba ganon kami katanga Lauren? Alam namin na pagbinuhay ka pa namin, siguradong magsusumbong ka pa sa pulis. Kaya dito palang tatapusin ka na namin," pinipilt nilang sirain 'yong uniform ko.
Sa isip ko, "Lord please, iligtas mo ko. Sana may makakita sakin. Please Lord. Bigyan mo ko ng chance para mabuhay."
Pumikit ako, ayokong makita ang lahat, ayoko!
Biglang tumigil ang ginagawa nila. Sa pag dilat ko ng mata, nakita ko ang isang lalaki na pinapalo sila ng kahoy.
Oo, may nagligtas sakin at ang lalaki na yun ay si...Lucas?
"Lucass?!!!" sigaw ko ng makita ko siya.
"Takbo na!!!" Hindi ko alam ang gagawin ko. Ayoko pa sanang iwan siya.
"Bilisan mo!! Hindi pwedeng dalawa tayong mapahamak! Takbo na!!" sabi niya habang pinipigilan makalapit samin sila Michael gamit ang kahoy na dala niya.
Tumakbo ako! Hihingi ako ng tulong. Hindi pwedeng mapahamak si Lucas ng dahil sa akin.
Habang tumatakbo ako, nakita ko si Aeron sa daan.
"Aeron!!! Si Lucas!!! Si Lucas please!!!! Tulungan natin siya!!! Tulungan natin siya!! Mapapahamak si Lucas!!" hindi na ko makapagsalita ng maayos sa sobrang iyak ko.
"Anong nangyari!?! Anong nangyari kay Lucas?! Asan si Lucas!!?!" galit na sabi niya at tumakbo kami agad papunta sa lumang building pero wala na sila doon.
"Lauren!!! Asan si Lucas!!! Ano bang nangyari!!?!"
"Tinulungan niya ko!! Hindi ko sinasadya Aeron! Sorryy!!" Wala akong ibang kaya pang sabihin kung hindi kailangan kong humingi ng tawad.
Tinuloy namin ang paghahanap kay Lucas at sa paghahanap namin, nakakita kami ng umpukan ng mga tao sa kalsada.
"Ambulansya!!", "Tumawag kayo ng ambulansya!", "Kawawa yung lalaki!" "Nasagasaan yan," mga naririnig namin habang papalapit kami ni Aeron sa nangyayari. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at patuloy pang lumalakas. At lubos na kinagulat at kinasawi ng puso namin nang makita na si Lucas, duguan at nakahiga sa kalsada.