Kalong si Popey habang nagdadabog na pumasok sa loob ng bahay habang sumusunod si Brian sa kanyang likuran.
“Ilang ulit ko bang ipaalala sa’yo! ha! Stay away from me! Hindi mo ako pag-aari Brian! Inis na sinulyapan ito.
“Not now babe, but soon! I’ll do everything to win your heart again! Ang pursigidong pananalita nito.
‘Bahala ka sa buhay mo!” pero natigilan siya nang masulyapan niya ang kanyang mga magulang nakatayo sa veranda sa kanila nakatingin. Siguro papasok pa lang sila kanina nakikita sila nito.
Napakaway pa ang binata na tilang walang nangyari.
“How’s the activity!
“Successful po! Hayun pinag piyestahan ang maganda nyong anak!’ pabirong sabi pero sa kanya naakakindat.
Napahalakhak pa ang kanyang ama habang bumaba sila para salubungin ang dalawa.
“Anak, salamat at pumunta ka doon! Alam ko naman hindi ka pababayaan ni dok!
‘Sir, can we talk privately po!’ si Brian na seryoso ang mukha nito.
Magkasabay ang dalawa na lumabas sa likuran ng bahay doon sa bahay kubo na paboritong tambayan nila dati ng lalaki.
ISANG linggong hindi niya nakita ang anino ni Brian. After nang maihatid siya ng nito galing sa blood letting hindi na ito nakadalaw kahit sa Daddy nito. Hindi niya maintindihan ang kanyang damdamin minsan hinahanap din niya ang presensya nitong nakaraang mga araw. Minsan nakadungaw siya sa bintana ng kanyang kwarto at tinitinggan nga bisitang pumapasok sa kanilang gate.
“Mabuti at nakinig siya! Pero ito ba talaga ang nais niya sabihin. Hindi kaya hinahanap rin niya ito.
‘Anak, maghanda ka ng mga gamit mo para sa isang linggong bakasyon. Tumawag si Brandon sa akin iniimbitahan niya tayo sa bago niyang biniling resort sa Palawan.
“Dad ang layo naman! Carry nyo pa ba nyong magtravel ni Mommy niyan?
“Pinag-iisipan ko pa Iha, if ever magkaproblema nandiyan ka naman para dumalo doon. Bago yatang naisip na business ni Brandon at ni Brian ang resort and spa na ‘yon!
“Dad pwede bang hindi na lang tayo dadalo doon, matutuloy din naman ang soft opening niyan kahit wala tayo!
Matigilan bigla ang kanyang ama sa kanyang tinuran.
“Iha mahiya naman tayo sa pamilya Castillo Malaki ang naitulong ni Brandon sa ating negosyo, Anak!
Napabuntong hininga lamang siya. Alam niyang pag ganito ang boses ng ama hindi niya na mahihindian. Tiyak magtatampo ang kasunod nito.
All expenses paid pala ang invitation na iyon. Nakaready na ang oras at alis nilang magpamilya. Excited ang Mommy at daddy nito sa kanilang pag-alis.
Pagdating sa Puerto Princesa International Airport kaagad may sumundo sa kanilang tourist van papunta sa Resort. Mga 20-minutes estimated drive galing paliparan narating nila ang Brinalen Resort and Spa. Iyon ang nakaukit sa front gate ng resort. Pagsisihan mo talaga pag i-escape mo ang kagandahan ng tanawin papasok sa Resort.
“So beautiful how nice the breathtaking view!” hindi niya maitagong reaksyon. Napakaganda ang kulay asul na dagat at sobrang puti ng buhangin.
‘Welcome to Brinalen Resort and Spa, Mam & Sir!” ang resort staff na sumalubong sa kanila.
Kaagad na bumaba si Shane at diretso siya beachfront ng resort. Napakaganda ng site na ito. Nakahilera ang well-appointed rooms and suits sa kaliwang banda at sa di kalayuan may lagoon pool. Hindi niya pinalampas at kaagad na lumusong sa tubig. Narito ang sobrang linis and crystal-clear waters kissing the glistening sand. Kung ikaw ba naman una mo palang makapunta rito hindi ma ba i-take advantage ang pagkakataon. She dreamed this place kaya lang hindi siya nakapasyal man lang dahil kaagad siyang lumabas ng bansa at doon nakapagtrabaho.
‘Mam, nauna na yung mga kasamahan mo sa Brina Villa humabol ka na lang daw pag tapos ka na rito!” sabi ng resort staff
Naglakad muna siya sandali at pinagsawa ang paningin sa kagandahan ng paligid.
“Have you done checking it? Kamusta ka na iha?” ang Daddy ni Brian.
Napangiti siya sabay mano rito.
“Sobrang ganda po ang resort ninyo tito!
“Salamat naman at nagustuhan mo Iha, hope you enjoy the rest of your stay here!
Kinahapunan halos lahat na staff ay sobrang busy for the table set-up sa beachfront para sa handaan nitong gabi.
Pagkatapos isuot ang two-piece bikini sinuotan nito ang casual see-through lace cover up para hindi masyadong lantad ang kanyang katawan. Hubarin na lang niya mamaya pag gusto na nito maligo sa dagat. Kanina pa niya gusto lumangoy, parang nanghihikayat ang mga alon at ang sariwang hangin na lumalapat sa kanyang mga balat.
“It’s a small world Ms. Galindo! Napalingon siya sa tinig sa kanyang likuran.
“Oh, sir Chen, nice to see you again! Ang napangiti rito.
Kitang kita niya kung paano siya titigan ng lalaki. Parang hinuhubaran siya nito batay sa sulyap nito.
“Do you want to swim? Sobrang ganda ng resort na ito!
“Maglalakad lang muna para makita ang kabuuang area. Kakarating lang din naming dito kanina!
Magkasabay silang naglalakad sa buhanginan habang nag-uusap. Sa di kalayuan nag-agaw pansin sa kanila ang dalawang magkaparehang naglalangoy. Nakasuot ng seksing panglangoy ang babae samantala nakatanaw sa paahon na kasama buhat sa pagsisid.
Napalunok siya ng sariling laway. Its Brian wearing a swimming trunk, napakakisig nito tingnan habang tumutulo ang tubig sa kanyang mukha’t katawan. Kitang kita niya kung paano umahon ito at linapitan ang babae at hinapit sa beywang nito. Nakaramdam siya ng kirot sa kanyang puso sa kanyang nasaksihan. Maganda ang babeng kasama nito kitang kita sa hubog ng katawan at mukha.
“Kaya pala hindi na siya nagpakita sa akin! Yabang!inis niyang sabi sa sarili.
Alam niyang napansin sila ni Brian pero hindi ito lumapit man lang.
“Its Dr. Castillo! Kilala mo sila? si Mr. Chen
“Si Bian lang pero ang babae hindi ko siya kilala!
‘Siya yata ang bagong girlfriend ni Brian, Pamela is also a doctor in profession!
Napasikdo ang kanyang dibdib. Naiinis siya sa kanyang sarili parang may kakaiba siyang kirot na naramdaman sa puso na hindi niya mawari.
“Halika ka na bumalik na lang tayo doon, gusto kong lumangoy! Matamlay ang boses
Nakangiti si Mr. Chen at sumunod sa kanya. Matapang niyang hinubad ang kanyang cover-up at inilapat sa buhangin at kaagad lumusong sa tubig. Nahuli niya kung paano napalunok ang lalaking kasama nito sa nakitang kahubdan sa kanyang harapan. Naiinis man sa sarili kaya inaksaya na lamang oras sa paglubog sa tubig dagat.
“Rommel na lang!” Mas maganda kung tawagin mo ako sa pangalan ko. Inalalayan siya nito habang paahon sila sa tubig.
“Salamat sa pagsama sa akin! See you tonight sa party!
“ANAK! Kanina ka pa hinahanap ng Daddy mo!
“Namasyal lang po saglit sa dalampasigan Mom!
Tatlong lalaki ang magkaharap sa round table sa gilid ng pool ang kanyang naratnan. Si Daddy niya, si Brian at ang ama nito. May inumin na nakapatong sa ibabaw ng mesa.
“Saan ka ba nanggaling ha? Ang Daddy nito.
“Nag-ikot lang po sandal at lumangoy po!
“Aba hindi ka na makapaghintay ha! At ikaw lang mag-isa?
“Tito sa tingin mo mag-isa lang ba yan? Tanaw na tanaw ko ‘yan kanina na may kasama sa paglangoy! Si Brian na saglit lang siyang sinulyapan at naglagok ng inumin sa baso nito.
Nakita din naman pala siya bakit hindi siya nilapitan nito. ‘Asa ka naman Shane”. “Nakita mo na may nakalambitin ka kanya kanina! Sita sa kanyang sarili.
“May kasama siya kamo? Ay sa kanya natapon ang tingin ng ama. “At sino naman ang kasama mo?
“Dad, a new found friend po!
Ang sama ng tingin ni Dok Brian sa kanya. Pero na nagsasalita pa sa halip panay lagok nito inumin sa kanyang harapan.
“I think mas maganda siguro pag samahan mo na lang si Mommy mo mag-ikot muna, Anak!
“Of course, Dad! Sobrang ganda dito!
“Hindi ka kasi makapaghintay na ilibot ka sa buong lugar, nagmamadali ka kasi kaya wala na tayong magawa diyan! You’re too much excited!” dagdag ni Brian dito.
“Sige Dad enjoy kayo rito! Sabay talikod.
“Wait baka gusto mo ipasyal kita bukas! Pahabol ni Dok Brian
“It depends in situation, Dok! At sabay talikod dito. Nahuli niya kasi ang lagkit ng pagkatitig nito sa suot niyang two-piece bikini sinuotan nito ang casual see-through lace cover up. Kahit may nakapatong pero aninag pa rin ang ganda hubog ng kanyang katawan.
‘Wait! Can you dress up, before going! Sobrang lantad ang katawan mo sa suot mong ‘iyan, baka pagnanasaan ka pa ng mga lalaki diyan! Sabi nito na nagpatigil sa kanya.
“Oo naman Iha, Dubai is different from here! So go back inside and change your clothes! saway ng ama.
Sinulyapan niya ito at ipinakita rito ang kanyang pagkainis pero halata sa mukha nito na mas lalo lang siyang inaasar, the way he reacts and look up her.
“Dad marami namang nakasuot ng ganito, mas daring pa nga ‘yung iba diyan!
“Iba sila at iba ka sa kanila! So go ahead and change!” kung mag-utos ito parang Panginoon.
Nagdadabog na bumalik si Shane sa Brina villa para magbihis. Natutuwan naman ang kanyang ina sa reaksyon at kilos ng anak.
“You’re still my princess 4 years ago! Hindi ka pa rin nagababago,Anak!
“Siyempre Mommy, I’m still your baby princess! Pa-cute sa harap ng ina.
“But its different now! Sobrang layo mo na sa dating Shane sa pananamit pa lang!
“Dalaga na po ang anak nyo! Ay hindi pala matanda na at pwede nang mag-asawa! Biro nito.
Napahalakhak ang Ina. “As you wish! But! Are you ready na nga ba?
‘Of course Mom, soon! Pag mahanap ko na ang perfect match ko! at tumawa.
“Dok Brian is you’re perfect match! An siyang ikinamula ng kanyang pisngi.