Seryoso ang mukha na binuksan ang sasakyan at kaagad siyang ipinangko ulit. Hindi niya alam ang lugar na dinalhan sa kanya ni Brian pero isang craftsman style bungalow house ang sa kanilang harapan ngayon.
“Brian, ano ang ginagawa natin dito! Pwede ba ibalik mo na lang ako sa hotel!”
“Later Babe! We need to talk privately!”
“Wala na tayong dapat pang pag-usapan!
“Marami! At gusto ko magkasolo tayo! We have a lot of things to work it out!” at ibinaba siya nito sa tapat ng main door.
“No need Mr. Castillo! Kung anuman ang ipinupunto ng usapang ito, you better not to pursue!
“I need to clear out everything happen in the past! Please pakinggan mo muna ako Babe!
Mapait niyang tinitigan ang nakatayong lalaki sa kanyang harapan.
“I already make my decision! Pag nasira na ang tiwala ko sa isang tao, mahirap na iyon maibalik pa!
“I love you so much Brian! We can work it out! Please!
“I already decided, ayaw ko sa taong sinunggaling!
Mga salitang bumabalik sa kanyang alaala. Napailing siya habang tumulo ang kanyang luha.
“Noon sana na mas maaga pa Brian, di ba nagmakaawa ako sa’yo na pakinggan mo ako! You’re unfair hindi mo ako binigyan ng pagkakataon nag defend ang self ko! Hindi ko nga alam kung ano ang kasalanan ko sa’yo eh! Hindi mo ako hinayaan na lumaban ng patas, basta kaagad ka na lang nagdesisyon! Sayang Brian!
“I’m so sorry Babe!
‘Thanks for your sorry! Hayaan mo na ako, bakit ka naman maniniwala sa isang sinungaling di ba? At hindi ko na binabalikan ang taong pinakawalan ko na! at tinigasan ang leeg at sinalubong ng buong tapang ang titig ng lalaki.
“At sa palagay mo hayaan kita ngayon!” Bakit ba hindi mo pakinggan muna ang paliwanag ko! Let me explain everything Babe!
“Tapos na tayo Brian, matagal na! Hindi ko na nga halos naalala ang nakaraan ko sa’yo, dahil sobrang sakit noon!”. Please iuwi mo na ako, kung hindi mo gustong iwan kita dito mag-isa! Mas lalo niya tinigasan ang kanyan boses para malabanan ang bigat ng kanyang dibdib.
“Gusto ko ibalik sa’yo ang ginawa mo sa akin dati, Brian!Hinubog na ako ng panahon marami nang nabago!” sa kanyang isipan.
Malalim na magkasunod na buntong hininga ang pinakawalan nito at inakay siya pabalik sa sasakyan.
“I think hindi ito ang tamang panahon para pag-usapan ang lahat! Siguro namamadali lang talaga ako lalo nang malaman kung umuwi ka na rito sa Pilipinas! “But seriously Babe, I’m very sorry!
“Stop calling me Babe dahil hindi kita binigyan ng permiso Mr. Castillo!
“MAM MAGDALENE, si Mam Lorraine po!” pasigaw na boses ng katulong nang mapagbukasan sila ng gate. Nabigla pa ito sa kanyang gayak. Sa pagtatalo nila ni Brian napilitan ang lalaki na ihatid siya sa bahay nila instead sa hotel.
Magkasabay na lumabas ng pintuan ang mga magulang nito.
“Oh, my God Iha, you’re home! Palipat lipat ang tingin sa gayak nilang dalawa ni Brian.
“Mom sorry for not informing you earlier! Sa kasal ako ni Marianne nanggaling at diretso na lang ako rito pauwi.”
“Hindi mo alam kung gaano ako kasaya sa ngayon Anak! Matagal ko narin hiniling na makauwi ka rito sa amin ng Daddy mo!
Magkayakap silang tatlo habang nakatayo pa rin si Brian sa kanilang tabi.
“Thank you, Brian, for bringing my daughter safe home!
Napatango na lamang ito at sumaludo sa kanyang ama.
“It’s my pleasure Sir! Ipinag-utos ko na ang mga gamit mo para maihatid dito later! Lingon kay Shane.
Mabilis na ugong ng sasaktan ni Brian ang kanyang narinig paalis. Pilit niyang hindi tapunan ng tingin man lang ang lalaking nagpapaalam sa mga magulang nito.
“Hindi pa rin siya nagbabago Anak! Bilib talaga ako sa anak ni Brandon na ‘yan! Kahit wala ka rito lagi yan dito sa bahay!” kuwento ng Mommy niya.
“Pasalamat nga ako dahil regular niya ako macheck-up! Mabait na bata yan!
“Daddy, please ibang topic na lang ang pag-uusapan natin, please!’Kakauwi ko pa lang dito!
Nagkatinginan ang mag-asawa sa wika ng anak.
Walang ipinagbago ang kanyang kuwarto ang dating mga painting na nakasabit nariyan pa rin at ang malaking frame na magkasama sila ni Brian nakapatong pa rin sa ibabaw ng kanyang closet.
“Akala ko ba itinanggal na ito!” Hindi siya nagkakamali bago siya lumipad papuntang Dubai inihabilin niya ito sa kanyang Mommy na ipatapon ang lahat na alaala niya kay Brian.
Kaagad siyang tumayo ay kinuha ang nakasabit na picture frame. Inilagay niya ito sa ilalim ng kanyang kama. Kung dati gustong gusto niya pagkagising niya tuwing umaga nag’Good Morning siya dito. Pero iba na ang sitwasyon ngayon. Brian is part of her past at hindi niya alam kung kaya pa niya bigyan ng puwang ang kanyang puso para sa isa pang pagkakataon.
“Mam Lorraine, pag nakapaghanda na po kayo pwede ka nang bumaba sa komedor naghihintay na sila sa’yo!” ang katulong nila.
“Just tell them bababa na po ako!” kaagad siyang nagsuot ng simpleng bestida na hanggang tuhod at itinali ang kanyang mahabang buhok. Napasarap ang tulog niya dahil siguro sa pagod ng mga kaganapan kahapon.
Tinig na nag-uusap ang kanyang narinig habang papalapit siya sa pintuan.
Napaatras siya ng masilayan kung sino ang kaharap ng kanyang mga magulang. Brian is in the house.
“Halika ka na rito Iha! Umupo ka na at kumain ka na!” ang Mommy nito na nakangiti.
Linampasan niya ang nakaupong si Brian at pumunta sa lababo para magmumog.
“So what’s your plan Dok for now!” boses ng kanyang ama.
“Pag-isipan ko muna ang offer sa akin Sir! Minsan na akong nagkamali ayaw ko naman na maulit pa iyon!” habang humihigop ng kape nito.
Sobrang kampante ang kanilang panauhin habang nakaupo at nakipag-usap dito.
Ano naman ang pakialam niya kung doctor in profession na ito ngayon. Bakit kaya ba nito gamutin at pahilumin ang sugat na idinulot nito. Hindi kaya ito ng simpleng gamot lamang.
Nakaw tingin itong napakindat sa kanya nang siya’y umupo sa dulo ng mesa.
“Anak, ikaw ano ang plano mo babalik ka pa ba sa Dubai?
“Hindi pa po ako nag sign ng contract ko nang umuwi dito, maybe Dad!”
“Anak hindi ka naman siguro magugutom pag nandito ka lang sa atin! Pwede mong pag-aralan ang takbo ng business natin!”
“Pag-isipan ko po Dad!” at itinuon ang atensyon sa pagkain.
“Sige po Sir aalis na po ako! Ang instructions ko po!”
“Yes Dok! Gagawin ko!”
Napatayo na ang lalaki. Suot nito ang slacks partnered with polo shirt at may nakasabit na stethoscope sa leeg nito. Hindi man lang nagpaalam sa kanya si Brian parang hangin lang itong dumaan sa kanyang tabi.
“By the way if you free tomorrow sir! Pwede ka pong pumuta doon sa blood letting natin!’ pahabol nito.
“Of course, Iho! Para makapag-usap na rin kami ng Daddy mo!”
KANINA pa yata tumutunog ang telepono niya, naiwan niya kasi ito sa kanyang silid.
“Hoy, bruha! Saan kayo pumunta ni Brian na bigla kayong Nawala!”m boses ni Marianne.
“Dito na ako sa bahay ngayon!” sagot dito.
“So! Anong nangyari? I smell something fishy!
“Wala nga! What do you expect from us!” iwas sa usapan.
“Talaga lang ha! By the way I’ll be leaving with Samuel tomorrow, iiwan ko sana si Popey sa’yo. Kawawa naman siya! Ang tinutukoy nito ay ang paboritong aso ng mag-asawa.
“Of course, no problem! Kukunin ko ba diyan?
“Nagkausap na si Samuel at Brian, I think ang long lost boyfriend mo ang maghahatid sa’yo diyan!
Napakaganda pa naman ang asong ito. Ilang ulit itong ibinida ng kaibigan sa kanya sa tuwing mag videocall. It’s a Poodle breed female dog na kay sarap yakapin.
“Wala na bang ibang tao ang pwedeng pag-utusan? Minsan masabi kong kayo talaga ang nagbibigay ng malas sa bawat araw ko dito!
Napahalakhak ang kanyang kaibigan.
“Heto naman, bakit ba kasi sobrang pakipot mo! Just give Brian a chance!
“Aba! Kaibigan ba talaga kita? Akala ko ba kakampi kita! Alam na alam mo ang pinagdadanan ko sa break-up namin ni Brian noon tapos sabihin mo lang sa akin ang ganyan!
“I’m sorry friendship! I’m just looking forward for the best for you!
NAKAUPO siya sa sala habang nanood ng t.v. nang nagmamadali pumasok ang kanilang katulong.
“Sir narito po si Mam Lorraine! Si Brian ang dumating kalong si Popey. Napatuon ang pansin niya sa super cute na aso. Napakabilis ang paglapit niya sa asong kalong nito.
“Hello Popey! Akma niyang kunin sa kamay ni Brian pero iniwas nito sa kanya.
“Mabuti pa yung aso nagkakandarapa ka lumapit! I can buy you more than the price of Popey! Napaismid ito
“Salamat sa paghatid sa kanya dito!” at bumalik umupo sa sopa.
“Magbihis ka doon, just wear jeans instead of dress, isama kita sa bloodletting project namin ni Daddy mo! Habang nasa kandungan pa rin nito ang aso.
“Dad promises you di ba?
“I won’t allow him to go, tumaas bigla ang pressure ng dugo niya kaninang umaga. Kailangan niya magpahinga at saka mainit doon sa gymnasium!
Napakamot siya ng ulo. “Hindi ako pumupunta sa mga ganyan, ano naman ang gagawin ko doon!
“You’re be representing your father, yun lang! Bilang yearly program ng kompanya need rin nating magpakita ng suporta sa buong team na naroon!
Minsan kailangan mong gawin dahil wala ka nang pagpipilian pa.
Dala-dala pa rin nila si Popey sa dausan ng activity. Habang buhat ni Brian ang aso ang isang kamay nito nakahawak sa bisig ni Shane habang inalalayan ito.
Napakaraming tao na ng sila’y pumasok. Napansin kaagad sila ng mga nag-uumpukang grupo ng doktor.
“Meet Miss Lorraine Shane Galindo, daughter of Mr. Nestor Galindo!’ pakilala ni Brian sa mga kasamahan nitong doktor.
“Hindi namin alam Dok na may magandang anak pala si Sir Galindo! Biro ng kasamang doktor
‘Kaya nga! Dok bitiwan mo naman si Mam, hindi na kami makapag-porma diyan!
Pinisil nito ang kanyang kamay at makatitig ito ng makahulugan.
“She’s off limit guys!”