Magkasabay na napatayo ang dalawang lalaki sa mabilisang kilos ni Shane. May kalakasan ang bagsak nito sa tubig. “Shane what the heck are you doing!” nakapameywang ito habang tanaw ang pakampay na umahon sa kabilang side ng pool. Tahimik lang ito na umupo doon. “Binigla mo naman ako, muntik na ako nabulunan sa ginawa mo! si Rommel na sa kaya nakatuon ang tingin. “Ok lang ako Mel! Just finish what you have started!” senyas nito. Napabuntong hininga na lamang si Brian habang tinatanaw ang dalaga. “Go back here, sobrang init na sa balat ang sikat ng araw! Masusunog ang namumula mong kutis!”, utos iyon hindi pakiusap ang tono ng pagkasabi. Hanggang ngayon kahit nabasa na siya ng tubig nararamdaman pa rin niya ang init sa katawan, sa mapangahas at kalokohan ni Brian. Bakit ang pagiging

