Nanginginig pa rin siya sa kalokohang ginawa ni Brian. Nanghihina siya bigla kaya napasandal siya sa dibdib nito at pumikit. Nahihiya siya tuloy sa pagpapaubaya niya. Hindi na gumalaw ang malikot na kamay at inayos nito ang damit niyang nakataas kanina lang. Iniharap siya nito saglit at ginawaran ng masuyong halik sa labi at inayos ang pagkakaupo nito. “Narito na tayo!” boses ng ama na nakalingon sa kanila. “Yes Tito! Sa loob na lang tayo maghintay! At nilingon si Shane na nakapikit. “Babe we’re here! Fix yourself!” bulong nito at pinisil ang tungki ng ilong nya. Naunang bumaba ang mga magulang niya. Tinulungan siya ni Brian na nakalabas ng van. “Pakidala na lang nang luggage namin! Salamat!” utos nito sa driver. Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi nito habang inalalayan siya. A

