Chapter 2

1321 Words
C H A N     Kanina pa ako rito naghihintay at paubos na rin ang kinakain ko. Ewan ko ba sa babaeng iyon. Ang lapit naman ng dorm niya pero ang bagal-bagal kung kumilos. Parang pagong kung gumalaw. Ganiyan ba talaga kapag babae ka? Ang daming ritwal na ginagawa sa katawan. Kaya kadalasan imbes na maganda ang nagiging resulta ay mas lalo pang lumalala. Hindi pa ba sapat iyong malinis ka lang tignan at mabango? Kailangan pa bang maglagay ng kolorete sa mukha?   Pero sabagay, make-up ang paraan nila upang itago ang kung ano mang ayaw nilang ipakita. Katulad ng lungkot, sa paraan ng paglalagay nila ng make-up ay natatakpan nito ang lungkot na kanilang iniinda.   Tumingin ako sa pintuan papasok dito sa café ng school kung saan ako dumiretso pagkatapos akong iwan ng bwesit na lalaking iyon.   "BEST FRIEND!!" Napatingin ang mga studyanteng nandito sa tinis ng sigaw ni Kitty. Ngumiti ito ng pilit at nagpeace sign. Dali-dali itong lumapit sa puwesto ko at umupo sa harap ko. pinapagitnaan namin ang mesa kung saan ko ipinatong ang pagkain at bag ko.   "Hindi ka ba nahihiya sa boses mo?" tanong ko. "Hindi ka man lang ba magbabago? Palaging late sa--"   "Hep! Hep! Hep!" Pagpipigil nito sa akin sa pamamagitan ng pagtaas ng kamay niya. "For your information, hindi ako late dahil may isang oras pa bago ang susunod nating klase. Ewan ko ba kasi sayo bakit pumasok ka ng maaga?"   "Hayst! Alam mo namang hindi ko nabasa iyong text message mo eh."   "Kasi puro ka basa rito, nood doon tapos imagine na ikaw iyong bida."   "Sige magsisihan tayong dalawa, Kitty Galore!" pang-aasar ko.   "Lol, Jackie Chan!” Pinaikutan ko ito ng mata saka kumain ng inorder kong slice ng cake.   "Nga pala.” Napatigil ako kaya tumingin ako sa kanya. Kinuha niya ang kutsarang hawak ko saka kinuha ang cake sa harap ko. "Pakain muna ako nakakapagod maglakad eh."   "Ba't hindi ka na lang umorder ng sayo?"   "Eh nakakatamad lalo na kapag self service."   "Kuripot ka lang talaga."   "Hindi naman sa ganun. May pagkain na kasi sa harap ko na libre kaya ito na lang ang kakainin ko saka nagtitipid ako dahil hindi pa ako binigyan ng allowance this month."   "Huwag mo akong niloloko, Kitty. Sabihin mo na ang totoo?"   "Char! Ano may bibilhin akong ticket ng isang kpop group. Concert nila dito eh.” Ngumiti ito ng peke.   Kung ako libro at drama series ang hilig. Ito naman Kpop ang gustong-gusto. Tila halos lahat ng kpop group, idol niya. Hindi ko lang alam kung sino-sino sila kasi hindi naman ako interesado sa mga ganyan. Hindi ko rin alam paaano kami naging mag-bestfriend nito. Basta ang natatandaan ko ay magkaklase kami simula Elementary hanggang ngayon. Magka-vibes kami sa ibang mga bagay. Katulad ng pagkain at pag-iipon ng mga bagay na gusto namin.   "So, ‘yon na nga. Bakit mo ako pinapunta rito ng maaga?" tanong niya habang nilalantakan ang binili kong cake.   Muntik ko nang makaimutan kung bakit ko siya pinapunta rito ng maaga ng makontak ko siya. Tungkol iyon sa lalaking nabangga ako kanina na ako pa pinalabas na masama. Ganun ba talaga kapag good-looking ang isang tao? Matapobre.   "May kilala ka bang, Miguel?" tanong ko dahil nalaman ko iyong pangalan niya doon sa I.D na suot niya pero iyon lang ang nakita ko at mabilis siyang umalis.   "Maraming Miguel sa mundo. Full name ang sabihin mo," anito. Abala parin siya sa pag-ubos ng cake na binili ko.   "Hindi ko alam basta Miguel lang alam ko," sabi ko saka uminom sa orange juice na binili ko. Inagaw naman ni Kitty at uminom din doon.   "Ano ba itsura?" Kinuha niya ang cellphone nito. Matapos niyang maubos ang laman ng plastic bottle at mukhang may titignan doon.   "Medyo singkit iyong mata, maputi, matangkad, hindi payat tapos hindi naman mataba at hinahabol ng mga babae?" sabi kong nagtataka. Hindi rin naman ako sigurado sa mga babaeng humahabol sa kanya.   "Hinahabol ng mga babae?" Tumango ako.   "Parang mga fans niya iyon?" tanong ko pa kasi hindi naman ako sigurado kung fans niya ba iyon o baka may atraso siya sa mga babaeng iyon.   "Anong fans ka diyan. Hindi niya fans iyon!” Eksaheradang reaksiyon niya at ibinigay sa akin ang hawak niyang cellphone. Tiningnan ko ang litratong naroroon na nakasuot ng unipormeng katulad ng sa amin. Nakangiti sa camera na sobrang ganda ng pagkakakuha. Si Miguel ito, iyong matapobreng pilosopo kanina.   "Iyan si Miguel Tim Park. Papaanong hindi mo siya kilala? Sobrang sikat niya rito loob at sa labas ng campus. Isang Casanova na para bang nagpapalit lang ng damit kung magpalit ng babae. Captain and President at the same time ng swimming club," pagkukuwento niya at inubos na ang cake na binili ko.   Napatingin ako kay Kitty. "Ano pa alam mo tungkol sa kanya?" tanong ko.   Tumigil siya saglit at tumingin sa akin. "Marami katulad na lang ng galing siya sa mayamang pamilya, may best friend rin siyang sobrang gwapo na si Mark Nathan Perez at isang 2nd year college pero 'di ko alam kung ano ang course nila.” Binalik ko na kay Kitty ang cellphone niya.   "Papaanong hindi ko nga iyan kilala?" naitanong ko rin sa sarili ko.   "Kasi po kung hindi studies mo ang inaatupag mo e iyang mga novels ang pinagtutuunan mo ng pansin."   "At papaano mo siya nakilala?" tanong ko pa.   "Kasi ganito iyan. Ako na bestfriend mo po ay mahilig sa poge hehe." Tinuro pa niya ang sarili.   "Umayos ka, Kitty. Maaaga kang mabubuntis diyan!" pagbabanta ko.   Kunwari ay nagulat ito at humawak pa sa dibdib niya. Wala naman siyang boobs. "Wow, Sis?"   "Sige na ituloy mo na iyong kung papaano mo nakilala iyang Miguel na iyan."   "Teka?! Bakit mo nga pala siya naitanong?" tanong niya at tiningnan pa ako ng kakaiba.   Alam ko ang iniisip niya kaya wala akong nagawa kundi sabihin sa kanya kung papaano ko nabangga ang lalaking iyon.   "Aahhh."   "Anong Aahhh?" Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi nito. Kasi kung maka-aahhh feeling ko may iniisip siyang hindi maganda.   "Tapos ano naramdaman mo nung nagkatitigan kayo ng ilang segundo?"   "May sinabi ba akong nagkatitigan kami?" tanong ko.   "Sinabi mo po lahat ng detalye na para bang sa mga oras na ito ay nangyayari ang nangyari na." Tinaasan ako nito ng kilay. "Sabi mo pa ay bumilis ang t***k ng puso mo nang makita mo kung gaano kaganda ang kaniyang mga mata at kung gaano kapula ng kaniyang labi."   Tumingin ako sa aking relo dahil ayaw kong sagutin ang tanong nito. Iisipin na naman nito na may pagtingin ako sa Miguel na iyon. Ngayon ko nga lang iyon nakita't nakilala. Saka hindi ko naman sinabi ang mga pinagsasabi nito. Dinagdagan lang niya ang kuwento ko.   "Tara na sa classroom.” Kinuha ko ang bag ko at inayos ang mga gamit ko na nilabas ko kanina.   "Hoy! Lumilihis ka sa usapan. Sagutin mo muna kung ano nararamdaman mo nung magkatitigan kayo at tumigil ang oras?"   Hindi ko na siya pinakinggan dahil nauna na akong naglakad papuntang pinto. Bahala siya riyan. Saka hindi ko naman nililihis iyong usapan dahil malapit na maubos ang oras namin kaya mas mabuting mauuna na kaming pumunta sa classroom.   "HINTAYIN MO AKO, JACKIE CHAN!" Naglakad ako ng mabilis. Nabubuwesit ako sa babaeng ito. Ipagsigawan ba naman ang pang-asar niya sa akin.   Kitty Galore naman ang itinatawag ko sa kanya. Iyong pusa sa cats and dog na walang balahibo. Sphynx ang breed ng pusa. Baliw kasi iyong pusang iyon at sa tingin ko ay magkatulad sila ni Kitty na baliw.   "Teka lang naman, Chan!" Humawak ito sa balikat ko nang maabutan niya ako kaya huminto naman ako't tumingin sa kanya. Hinihingal ito na nakahawak sa tuhod at humihinga ng malalim. Bakit ba kasi ang hilig nito tumakbo. Mabilis naman kung mapagod?   "Ang liit-liit mong tao pero ang bilis mo kung maglakad. May lahi ka bang maligno?" tanong nito ng umayos na sa pagkakatayo.   "Sira! Half Thai ako hindi malign,” sabi ko saka nagsimula na ulit maglakad.   Hindi na ito nagsalita pa at sumunod na sa akin. Mabilis din naman kaming nakarating sa classroom. May mangilan-ngilan ng naroroon pero ang professor namin ay wala pa. Always namang late iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD