Chapter 3

1371 Words
M I G U E L     Napapailing na lang ako sa tuwing naiisip kong muntik na akong maabutan ng mga babaeng humahabol sa akin kanina. Hindi ko rin kasi maintindihan kung bakit ko pa binuhat iyong baklang nabangga ko na siyang dahilan kung bakit muntik na akong maabutan.   "Anong iniiling-iling mo diyan, Tol?" I looked at him then smiled like a devil. "Wooh mukhang may nadali ka na naman ah?"   "Sira. I was thinking for another match with you," I said.   "Sure and this time, I'll win."   "Dream on, Mr. Perez.” Kinuha ko na ang swimming trunks ko upang magpalit.   After kong magbihis ay lumabas na ako sa locker room dito sa swimming club namin saka ako pumunta sa pool side. Malawak itong pool area dahil may iba't ibang klase ng laro patungkol sa swimming.   Nasa likod ko naman si Mr. Perez na nakabihis na rin. Napatingin ako sa benches dito sa gym. May mangilan-ngilang mga studyanteng naririto ngayon. Karamihan sa kanila ay mga babae. I know kung sino ang pinunta nila dito.   Kumindat ako.   "WAAAAAAAHHHH!"   "I LOVE YOU PAPA MIGUEL!"   "O M G! LUNURIN MO AKO MIGUEL! SA PAGMAMAHAL!"   Napatawa na lang ako saka lumapit sa isang club member upang orasan kaming dalawa ni Mr. Perez. Pumuwesto na ako at ganun din ang ginawa ng katunggali ko.   "Let's make a deal first," aniya.   "Sure, If I win you'll treat me dinner," sabi ko rito at ngumisi pa ako. I know he can't beat me.   "If I win. You'll date someone I choose to," he said. Basic!   Inayos na namin ang goggles na suot saka umayos ng porma upang makalangoy. Ilang segundo pa ay narinig ko na ang pito na hudyat nang nagsimula na ang laro kaya mabilis kaming tumalon sa tubig at mabilis na lumangoy.   Pagkatapos ng isang lap ay umahon kaming dalawa sa pool. Hindi ko alam kung sino ang nanalo dahil parehas lang naman kaming nakarating.   "Mark, 55.40," Sebastian said then he looked at me. "Miguel, 55.41."   "YEESSS!" Mr. Perez shouted like there's no tomorrow for him. Fck! Bumagsak ang balikat ko dahil sa narinig. It means I'm lost. Bumalik kami sa locker area at nag-shower bago nagbihis.   "We'll talk tomorrow. Keep your word, Migs or else?" he said then smirked at me.   "Sure. Chose someone who is beautiful and sexy," and I, tapped his shoulder and walked away.   "I'll choose someone who's gonna teach you what is love, Migs,” he said but I really don't care. It doesn't matter kung sino ang pipiliin nitong maka-date ko.   I know I'm Casanova and I admit that.   -   C H A N     Lumabas na ako sa classroom pagkatapos ng huli kong klase ngayong araw. Maaga pa naman, pero hindi ko alam kung saan ako pupunta?   "Mukhang nakakalimutan mo ata ako, Jackie Chan?" Tiningnan ko ito. Oo nga pala. Kaninang umaga ko pa pala kasama ang babaeng ito.   "Paano kita makakalimutan eh para kang anino kung makasunod sa akin?" sabi ko ng patanong.   "Hoy! Umayos ka ng pananalita mo ah. Best friend mo ako pero hindi mo man lang--"   "Tama na, Sis. Tara na," sabi ko at hinila na ito dahil kung hahayaan ko itong mag-inarte rito. Baka iisipin pa ng iba na pinaiyak ko ‘to.   Dinala ko siya sa mga benches na palagi naming pinupuntahan kapag ka wala kaming klase or gusto namin mag-review. May studyante rin naman dito na tumatambay. Mga ayaw pang umuwi at may mga hinihintay pa. Maganda kasing tumambay dito kapag hapon dahil malilim dito.   "Bakit mo ako dinala rito?" tanong nito.   "Ah, ano- hindi ko alam.” Napapakamot sa ulong sagot ko. Hindi ko rin naman kasi alam kung bakit dito ko siya hinila.   "Hayst! Ewan ko sayo, Chan. Mas mabuti pa, umuwi na lang tayo," anito. Maglalakad na sana paalis pero hinawakan ko ang kanyang braso upang pigilan.   "Samahan mo muna ako habang hindi pa tumatawag si Ate na susunduin ako," sabi ko.   Usually kasi iniiwan na ako ng babaeng ito kapag tapos na ang klase namin pero dahil ayaw ko munang mapag-isa ay kailangan niya akong samahan ngayon.   "Ano naman ang gagawin natin dito, aber?!" tanong nito na umupo na rin sa naroroon upuan na gawa sa semento.     "Hindi ko alam. Siguro magbabasa na muna ako?" Tinignan ko ito at kumakain na. Ito talagang babaeng ito palaging may dalang pagkain tapos hindi man lang ako aalukin?   "MAGBABASA?!" Napatingin ang mga studyanteng malapit sa aming puwesto. Dahil sa sigaw nitong si Kitty. Napaka-attention seeker naman kasi ng babaeng ito. P’wede namang magulat na lang siya at hindi na niya kinakailangan na sumigaw pa.   Tumango naman ako bilang sagot saka nilabas ang libro na hindi ko pa natatapos basahin. Kasi naman ang daming istorbo kaya hindi ako nakakapag-focus sa pagbabasa.   "Kung iyan lang ang gagawin mo rito at kailangan pa kitang bantayan. Aba! Aalis na lang ako, hindi ako ang yaya mo!" Tumayo na ito at mabilis na tumakbo papaalis.   Tama nga naman siya. Bakit ko ba kasi ‘yon niyaya na bantayan ako? Hindi naman na ako bata na binabantayan pa. Hayst. Napapaiing na lang ako sa inakto ng babaeng ‘yun. Akala siguro niya ay pipigian ko siyang umalis. Itinuon ko na lang ang pansin ko sa pagbabasa ng may kumuha sa librong binabasa ko kaya napatingin ako rito.   Dug dug dug.   "Mukhang nag-iisa ka yata?" sabi nito saka umupo sa tabi ko at binasa ang librong binabasa ko. "Gusto mo ikuwento ko na lang ang nangyari sa librong binabasa mo?"   Kinuha ko iyon pabalik saka tinignan siya ng masama.   "Puwede ba huwag kang feeling close. Akala mo hindi ko nakakalimutan iyang mukha mong iyan?!” Nakataas ang kilay na sabi ko rito.   "Hindi mo talaga makakalimutan ang gwapo kong mukha," aniya. Hinawakan pa nito ang kanyang mukha at nagpoge sign pa siya.   Bumalik ang inis ko kanina. Hindi lang matapobre at Casanova 'to kundi mayabang din.   "Napaka-assuming mo!” wala akong masabi dahil ang peste kong puso eh mabilis ang t***k. Nagkakaroon na ata ako ng heart failure nito.   "Haha. By the way, I'm Miguel Tim Park." Pakilala nito at iniabot pa ang kamay bilang tanda na nakikipagkamay siya.   "Chanon Enriquez," ani ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ko sinabi ang pangalan ko sa kanya? Ano bang nangyayari sa akin?   "Ano? Kanton? Hindi ko marinig."   "Bingi ka ba?!" bulyaw ko.   "Hindi ako bingi. Iyon talaga ang narinig ko, Kanton.” Tumawa pa ito na akala mo’y wala ng bukas.   Hindi ko na siya pinansin dahil itinuloy ko na ang pagbabasa. Hindi ko naman siya kaibigan o kaaway. Dahil ngayon lang naman kami nagkakilala. Naiinis lang ako sa kanya at ‘yun lang ‘yun. Kaya mas mabuting hindi ko na lang siya kausapin dahil mas lalo lang akong naiinis.   "Hey! I'm just kidding. Mukhang wala kang joke sa katawan, e.” Tinignan ko ito ng masama saka inirapan. Anong akala niya sa akin? Hindi marunong tumawa? Sadyang hindi lang talaga siya nakakatuwa. "Auhmm. Can I ask you something?" tanong pa nito.   "Ano iyon?" tanong ko na hindi man lang siya tinatapunan ng tingin. Nakatuon parin ang pansin ko sa librong hawak ko.   "I mean favor. Can I?"   "Sabihin mo na nga. Ang dami pang hanash!"   "Can I date you?" mabilis niyang sagot.   This time napalingon ako sa kanya na gulat na gulat. Walang nagbabago sa expression ng mukha niya. Ganun pa rin naman, nakakairita.   "S-seryoso ka ba?!" tanong ko. Mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko. Ang mga paru-paru sa tiyan ko ay nagsasaya at hindi ko alam kung bakit. Ano bang pinagsasabi niya?   "Mukha ba akong nagbibiro?"   "Oo. Dahil iyang mukhang iyan eh hindi kapani-paniwala ang mga sinasabi." Tumayo na ako at magsisimula ng maglakad ng hawakan niya ang kamay ko.   "I'm fcking serious."   "Edi wow!" sabi ko at  umalis na ako roon. Magte-text na lang siguro ako kay ate na nauna na akong umuwi.   Wala akong panahon makipagbiruan sa gunggong na iyon. Anong akala niya laro-laro lang ang date? hello? Hindi ba niya alam na bakla ako? At anong akala niya na kahit sinong tanungin niya ng gano'n ay papayag na lang basta-basta? Nababaliw na ang lalaking iyon.   Humawak ako sa dibdib ko dahil kanina pa itong tarantadong ito na mabilis ang t***k. Hindi ko lang pinapansin dahil katulad sa mga librong aking nabasa na hangga't hindi sumasang-ayon ang iyong isipan ay huwag mo munang susundin ang iyong puso.   Maaring tama iyong sinisigaw niya pero maaari ring maging dahilan ‘yon na masasaktan ka ang sa huli. Hindi dapat tayo nagpapatianod sa sinisigaw ng ating puso. Kailangan ay pinag-iisipan muna ang desisyon. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD