Chapter 4

1459 Words
 Miguel's Point of View   Uminom ako sa alak na nasa harap ko dahil sa inis. Fck! Ngayon lang ako nareject at sa isang bakla pa? Pero teka? Bakit ba ako nagdadrama dito? It is just a bet dahil natalo ako ni Mr. Perez sa unang pagkakataon.   Sinabi niyang tanungin ko na lang iyong baklang iyon na makipagdate sa akin at kapag pumayag. Go with the flow, but if he refuse my offer then okay na raw. Nung tinanong ko siya, I feel like my heart running so fast pero hindi ko iyon pinansin. Nung iniwan niya akong hindi pumapayag sa gusto ko, It feels like there's a million thorns are throwing in my hearts. Hindi ko alam. Siguro sa unang pagkakataon ay natapakan ang ego ko?   "Bakit ganyan ka makapag-react ngayon?" he asked. Kasama ko siya ngayon dito sa isang bar. Dito na kami dumiretso after ng practice namin kanina sa club.   "Hah?" maang-maangan ko.   "Don't get me wrong, but you look like a stupid heartbroken guy," he said then drink his liquor.   "Tss!”   "Seryoso, Migs. Don't mind it. Marami kang babae 'di ba?"   "But..." Napaisip ako, "Tama ka. He's just a gay, nagkakaganito lang ako dahil natapakan niya ang ego ko," sabi ko at tumingin sa dance floor kung saan maraming mga wild na taong nagsasayaw.   Tumayo ako at nilapitan ang isa. Sinabayan ko siya sa pagsayaw sa saliw ng musika na hindi mo maintindihan ang ibig sabihin dahil beat lang.   "May kasama ka ba?" I asked her.   "Wala. Iniwan ako pagtapos makahanap ng kapareha," she said at humawak sa batok ko't hinila iyon upang halikan ako.   Wala akong nagawa kundi sumabay sa kanyang gusto. Ito iyong gusto ko, hindi ko pa nga pinapakitaan ng motibo ay bibigay na lang agad. This is my life. I used to play others feelings. Dito ako nage-enjoy na walang makakapigil sa akin.   "Tara sa place ko," bulong ko sakanya pagkatapos ng halikan namin dalawa.   -   Chanon's Point of view   Ano ba tingin niya sa sarili niya? Na kapag tinanong niya ang lahat ng tao ng ganun ay papayag na lang ng basta-basta? Hell no! Hindi porket bakla ako ay iisipin na niyang madali niyang mapapayag.   Tumingin ako sa laptop na nasa harap ko.   "Bakit ganun? Parang nabasa ko na itong ginagawa mo, eh?" tanong ko habang nakatingin sa f******k page ng taong iyon.   Parang sa isang dramang napanood ko o sa mga nobelang nabasa ko na. Iyong tatanungin niya ang female protagonist at hindi papayag iyong isa kaya pipilitin siya ng male protagonist. Sa huli ay magiging sila.   Umiling-iling ako. Pinagtatawanan ko na ang sarili ko sa kahibangan. Kakanood at kakabasa ko ‘to. Ititinutulad ko pa ang mga librong nabasa ko sa totoong buhay, kahit na imposibleng mangyari ang mga ‘yun.   Isinawalang bahala ko na lang ‘yon saka tumingin ulit sa f******k page nung Miguel na ‘yon. 100k likes tapos halos lahat ng mga post nito ay umaabot ng libo-libo ang reacts.   Nag-scroll pa ako pababa at nakita ko ang post doon na nasa gubat siya. Parang nabasa ko na itong lugar na ito. Sa isang batis na may maliit na kubo at ang tanawin ay napakaganda.   "The place were Papa and Dada started everything.” Basa ko sa caption. Ang weird.   Binasa ko ang comments. Karamihan ay mga babae at baklang naghahabol sa kanya ang naroroon kaya isinarado ko na lang ang laptop saka bumuntong-hininga.   Masyadong mabilis ang pangyayari. Kung sa mga libro at mga drama pa ay walang thrill kaya boring basahin o panoorin.   Tumayo ako at pumunta na sa kama upang matulog. Siguro itutulog ko na lang ito dahil sa rami ng homeworks ay kung ano-ano na lang naiisip ko. Hindi magiging totoo ang nasa libro. Kaya hindi dapat ako umaasa na magkakaroon ako ng male protagonist na ipapakitang kamahal-mahal ako.   -   Maaga akong nagising kaya hindi ako sinisigawan ng kapatid ko kaninang umaga. Wala kasi ako sa mood manood or magbasa kaya nakatulog ako ng maaga.   "Good morning, Best friend!" Tumingin ako rito. Si Kitty na may dala na namang pagkain.   "Himala at hindi ka masyadong late today?" tanong ko rito.   "Maaga kasi akong nagising kanina. Binangungot ako."   "Oh, ano naman napanaginipan mo?" Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya na parang takot na takot sa kanyang napanaginipan.   "Ang sama ng panaginip ko na ‘yon, Best friend. Sasabihin ko ba sayo?"   "Sige huwag mo na lang sabihin. Nahiya ka pa, eh!" Umirap ako dahil sa rami ng kanyang hanash, bakit hindi pa niya ako diretsuhin?   "Ito na nga. Napaniginipan ko na hindi ka na raw magkakajowa. Naaawa ako sayo, Best friend," anito.   Tinignan ko siya ng masama. Kung hindi lang pumasok ang professor ay baka nabatukan ko na ‘to sa kanyang pinagsasabi. Hindi ko na lang pinansin iyong sinabi ni Kitty. Panaginip lang naman iyon. Alam kong hindi iyon magkatotoo pero teka? Umaasa ba akong magkakaroon ako ng isang taong magmamahal sa akin sa kabila ng pagiging ganito ko?   Siguro hindi naman masama 'di ba? Lahat naman tayo umaasa na magkaroon ng taong mamahalin tayo. Iyong nandiyan palagi kapag kailangan natin bukod sa kaibigan at pamilya. Kasama natin bumuo ng alaala. ‘Di ba? Umaasa rin kayo?   "MR.ENRIQUEZ! YOU'RE SPACING OUT AGAIN!" Napabalik ako sa realidad dahil sa sigawa ng prof.   "Again? Ho?" naitanong ko nalang.   "YES. YOU'RE NOT PAYING ATTENTION TO THE CLASS!" Parang mapuputol na ang ugat sa leeg nito kakasigaw.   "Ma'am, hindi naman po sa ganun."   "ANONG HINDI?" Nagulat kami pero hindi ipinahalata rito baka makunan pa siya. Mukha kasi siyang buntis sa tiyan niya.   "Kasi ano–"   "Kung wala kang magandang sasabihin. You may go out," aniya. Itinuro pa ang  pinto ng classroom.   "Per–"   "OUT!!!"   Dali-dali akong nag-ayos ng gamit dahil sa takot kong baka dalhin ako nito sa guidance office. Ayoko namang ipatawag si Papa dahil never pa iyon ipatawag na ganito ang dahilan. Kaya lumabas na lang ako sa klase niya.   Tiningnan ko si Kitty na nagpipigil ng tawa. Sinamaan ko siya ng tingin na tila sinasabing 'Mamaya-ka-sa-akin-look'.   "KITTY VELASQUEZ, LEAVE!" rinig kong sigaw ng Professor kaya napatigil ako sa isang gilid.   Naghintay ako ng ilang saglit at tumingin sa pinto kung saan lumabas si Kitty na nagkakamot ng ulo.   "Kamusta?" tanong ko.   "Ginawa ko lang iyon para makasama kita rito. Best friend tayo ‘di ba?"   "Next time gandahan mo excuse mo, Kitty. Pero thank you.” Ngumiti ako. Magkaibigan talaga kaming dalawa dahil pareho kaming maloko.   "No problem, Jackie Chan. Tara na sa café. ANG BORING KASI RITO," sigaw niya sa huling sentence.   Mabilis kaming tumakbo pababa habang tumatawa. Totoo naman kasi iyong sinasabi niyang boring ang klase ng Professor na iyon. Parang nagtuturo lang ng kinder. -   Nakaupo na kami sa usual spot naming dalawa rito sa Cafeteria. Konte lang ang studyanteng naririto dahil oras ng klase. Siguro ang iba ay break time nila at ang iba ay nag-ditch ng klase.   "Nga pala, anong club sasalihan mo?"   "Mayroon ba?" tanong ko.   "Yes! Na postponed lang. Dapat kasi nung enrollment pa pero masyadong busy ang lahat kaya ngayon na sila mag-o-open ng mga new members from first year college,” sagot nito.   Tumango-tango ako at nag-isip kung saang club ko ba gusto.   "Ikaw? Saang club ka sasali?" tanong ko. Wala kasi akong maisip na p’wedeng salihan.   "Mag-a-audition ako sa Drama Club after class kaya hindi tayo makakapagsabay palabas mamaya.”   "Okay. Ako pag-iisipan ko pa dahil wala naman akong alam na hilig ko," sagot ko.   "Manood at magbasa," anito.   "May club bang ganun rito?"   "Wala.” Inirapan niya ako sa naging sagot ko. Tama nga naman, walang club na magbabasa at manonood lang.   "Eh, bakit mo sinasabi ‘yan ngayon?"   "Simple lang. Sa library ka tumambay. Gawin mong club iyon," anito.   Hindi ko na lang siya sinagot dahil wala namang k’wenta ang lahat ng sasabihin niya. Pinagpatuloy ko na lang ang pag-ubos sa pagkaing kinakain ko. Matagal pa naman ang susunod naming klase kaya wala dapat akong ipinagmamadali.   "Sa Swimming Club kaya?" Muntik na akong mabulunan sa sinabing iyon ni Kitty.   Mabuti na lang at may tubig dito dahil kung wala lang ay baka mamatay na lang ako rito. Nakaginhawa ako ng matapos akong uminom ng tubig.   "Ayos ka lang?" tanong pa nito kaya sinamaan ko siya ng tingin.   "Sa tingin mo magiging ayos ako sa sinabi mo?" pamimilosopo ko sa kanya.   "Eh, nagsu-suggest lang naman ako, eh!"   "Sa dami ba naman ng suggestion mo. Iyong hindi ko pa alam gawin?"   "Pero nandoon si Miguel," sabi nito.   Napatigil naman ako.  Bigla akong tinakasan ng boses at ang magkabila kong pisngi ay naramdaman kong nag-init ang mga ito.   "Yieeehh! may crush ka kay Miguel, ano?"   "Crush? Bakit ako magkakaroon ng crush sa kanya. sobrang feelingero niya?" ani ko at saka nagpatuloy sa pagkain.   "Ako feelingero?!" Napatingin ako rito.   Kung nakakamatay lang ang tingin ay malamang kanina pa ako pinaglalamayan at pinaghahandaan ng mga bulate ang pagkain sa buo kong katawan.   Bakit nandito ito? Saka hindi man lang ba niya alam na hindi namin siya kilala?   "Oo," matapang kong sabi saka tumayo. Pero nahiya ang height ko dahil sa tangkad niya. Ano kayang vitamins pinainom sa kanya bakit ganito na lang siya katangkad?   "Ah, ganun?" aniya at hinili ang batok ko.   Tumigil ba iyong oras sa pagtakbo? Huminto ba iyong mundo sa pag-ikot? Maykarera bang nangyayari sa puso ko? Ano itong nararamdaman ko?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD