Chapter 5
Chanon's Point Of View
Naglalakad ako papuntang classroom na lutang ang isipan ko. Hindi siya nagfu-function ng matino simula pa kahapon dahil sa nangyari. Sino ba kasing lapastangan ang nagpahinto sa oras at nagpabilis sa t***k ng puso ko? Parang pati paghinga ko ata ay tumigil dahil sa ginawa niya.
"Best frieeeeennnd!" Napatigil ako sa paglalakad saka ako lumingon sa malakas na sigaw na nagmumula sa likod ko.
Si Kitty lang pala na nagmamadaling tumakbo patungo sa akin na hawak hawak ang cellphone nito sa isang kamay at pagkain naman sa isa. Buti hindi ito tumataba sa kakakain niya.
"Aray!"
Tiningnan ko lang ito ng madapa siya malapit sa akin. Wala ako sa mood tumawa dahil hindi pa rin pumapasok sa isipan ko ang nangyari kahapon. Tumayo naman siya saka ngumiti at kumaway-kaway pa na akala mo isang beauty queen ni hindi nga pasok ang height niya para sa isang beauty queen, eh.
Lumapit naman siya sa akin. Buti hindi niya nabitiwan kanina ang hawak niyang pagkain? Mukhang mahigpit ang pagkakahawak niya rito.
"Mabuti naman at hindi mo ako tinawanan,” sabi niya ng makalapit siya sa akin.
Iniabot niya sa akin ang hawak niyang pagkain at kinuha ko naman ito. Pinagpagan niya ang sarili niya tapos kinuha ulit ang pinahawak lang pala niya.
"Wala akong panahon para tumawa. At saka hindi nakakatuwa iyon dahil nakakaawa ka," sagot ko naman ditto.
Tumalikod na ako saka nagpatuloy sa paglalakad. Naramdaman ko naman na sumunod siya sa akin hanggang sa makasabay ko na siya.
"Nagiging Antagonist ka na ba, Chan? Ang sungit-sungit mo. Meron ka?"
"Manahimik ka na lang, Kitty. Marami akong iniisip sa panahon ngayon.”
"Katulad ng?"
Tinignan ko ito. "Katulad ng mga pangyayaring hindi naman dapat nangyayari," sabi ko.
Hinawakan ako nito sa braso kaya napatigil kaming dalawa at iniharap niya ako sa kanya.
"Iniisip mo pa rin ba iyong nangyari kahapon?" tanong nito. At sino bang taong makakalimot sa nanyaring iyon? Preskong-presko pa siya sa aking isipan.
"Sino bang hindi?" tanong ko pabalik. "Hindi porket bakla ako ay gagawin na niya sa akin iyon. Alam mo bang kapag pinakitaan lang kami ng motibo ay bibigay na lang basta-basta na hindi iniisip ang mga consequences?"
"Ano ba iyang pinagsasabi mo. Napaka-OA mo, Pren.” Umirap siya.
"Paano ako hindi magiging OA?! Hinali–" Napahawak ako sa bibig ko.
"Pren, hindi ka niya hinalikan kahapon. Na-amnesia kana or nag-a-assume ka na naman diyan?"
"Hindi ba?"
"Ay? Tanga lang," anito.
Lasing ba ako kahapon? Hindi ko matandaan iyong nangyari dahil sa lapastangan kong puso.
"Hinila lang po niya ang batok mo para ilapit sa mukha niya. Ganito!" At ginawa nga niya iyong ginawa ng lalaking iyon.
"Crush? Bakit ako magkakaroon ng crush sa kanya e sobrang feelingero niya?" ani ko saka nagpatuloy sa pagkain.
"Ako feelingero?!" Napatingin ako rito.
Kung nakakamatay lang ang tingin ay malamang kanina pa ako pinaglalamayan at pinaghahandaan ng mga bulate ang pagkain sa buo kong katawan.
Bakit nandito ito? Saka hindi man lang ba niya alam na hindi namin siya kilala?
"Oo," matapang kong sabi saka tumayo. Pero nahiya ang height ko dahil sa tangkad niya. Ano kayang vitamins pinainom sa kanya bakit ganito na lang siya katangkad?
"Ah ganun?" Gulat na gulat ako dahil hinila niya ang batok ko.
Tumigil ba iyong oras sa pagtakbo? Huminto ba iyong mundo sa pag-ikot? Maykarera bang nangyayari sa puso ko? Ano itong nararamdaman ko?
"Titigan mong mabuti ang mukhang ito dahil simula ngayon ay hindi ako mawawala sa paningin mo.” sinabi nito ng sobrang lapit ang mukha naming dalawa na kung sa ibang anggulo ay naghahalikan kami pero hindi.
Amoy na amoy ko rin ang mabango niyang hininga na para bang mint candy.
Napatitig ako sa kanyang mga mata. Kulay abo na ang ganda ng pagkislap nito. Parang isang napakagandang tanawin ang kanyang mga mata.
Ang ilong niyang matangos, makinis niyang balat, at ang labi niyang natural na manipis na parang naka-lipstick pero natural ang kulay pula nito.
Napalunok ako sa hindi ko malaman na dahilan. Para bang nauuhaw ako at gusto kong tikman iyong labi niya.
Shit!
Tinulak ko siya saka tinignan ng masama. Kulang na lang ay mamatay siya sa titig ko. Kung sana ay nakakamatay lang ang titig para paglamayan na siya ngayon.
Ngumisi naman ito saka niya kinuha ang inumin ko na nasa ibabaw ng mesa bago umalis na akala mo’y walang katarantaduhang ginawa.
"Naalala mo na?"
"Ganun ba talaga ang nangyari?" naitanong ko sa kanya.
"Oo. Bakit ano na naman ba ang pumasok diyan sa kokote mo? Lumilipad na naman ba?"
"Wala." Umiwas ako ng tingin saka naglakad na ulit.
"Kakabasa mo iyan ng mga romance novels. Iyong akala mo hinalikan ka ng protagonist tapos aakalain mong doon magsisimula ang lahat.” Hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. “Mag-ilusyon ka pang gaga ka!”
Hindi ko na lang siya sinagot dahil pumasok na ako sa classroom ng makarating kami roon.
Kakalimutan ko na lang siguro iyong nangyari kahapon pero iyong mga binitiwan niyang mga salita ay hinding-hindi ko makakalimutan lalo na ngayon na hindi ko alam kung ano iyong ibig-sabihin niya.
"Nga pala, nakapag-isip ka na kung saang club ka sasali?"
"Puwedeng hindi nalang?" Sabi ko at nangalumbaba sa upuan ko.
"Hindi puwede. Dagdag rin iyon sa grades,"
Tumango tango nalang ako saka kinuha ang listahan ng club na puwede kong puntahan mamayang break time. Ichecheck ko kung alin iyong wala masyadong ginagawa or iyong hindi mahirap.
Wala naman kasi akong hilig. Kung pagbabasa at panonood ay puwede pa, pero sa drama, cooking, photography, journalism, swimming, at iba pa ay hindi ko alam.
"Kitty," Tawag pansin ko sakanya na ngayon ay lumalamon na naman. Mabuti at mukhang late ang professor ngayon.
"Bakit?"
"Puwede ba ako sa club niyo?"
Sa Drama siya kaya baka puwede ako roon.
"Ano naman gagawin mo doon?"
"Kahit ano basta iyong walang dialogue, like puno o bato,"
"Nagpapatawa ka ba?"
"Mukha ba akong nagpapatawa?"
"Sana sinabi mong nagpapatawa ka kasi puwede kang maging komedyante,"
"Ewan ko sayo,"
"Nagbibiro lang naman ako, Pren. Saka sa Club namin hindi namin kailangan ng human tree kasi may mga props na kaming ginawa."
Bumuntong hininga nalang ako dahil sa hindi ko alam kung saan ako sasali. Tiningnan ko ulit ang listahan. Tiningnan ko si Kitty na busy na sa ginagawa niya.
Bigla namang may pumasok na studyante.
"Wala daw si Prof. May meeting sila ngayon," Anito na naging dahilan ng sigawan ng mga kaklase namin.
"Tara na labas na tayo?"
"Mauna ka na. Pupunta lang ako sa CR," Sabi ko kaya nauna na itong lumabas.
Lumabas narin naman ako at dumiretso sa CR dito sa building namin.
Pumasok ako sa CR. Mabuti at walang tao rito kaya pumasok na ako sa isang cubicle at doon umihi.
Nakarinig naman ako ng pagpasok rito sa loob kaya pinakiramdaman ko muna.
"Baka mahuli tayo rito."
Teka? Bakit babae ang boses neto? Panlalaking CR ito sa pagkakatanda ko. Hindi naman ako pumasok sa maling CR, a?
"Walang makakahuli sa atin dito, quickie lang naman.” Natigilan ako. Kilala ko ang boses na iyon, ah? s**t!
"Uggh! s**t! ganyan nga."
Binuksan ko iyong pinto ng cubicle kung saan ako naroroon. Gulat silang napatingin sa akin na akala mo ay mga kriminal sila na nahuli sa akto.
"FCK!!!" sigaw nito at dali-daling ipinasok iyon at nag-ayos.
Masama ang tingin niya sa akin maging ang kasama niyang babae. Wala akong pakialam. Palikuran ito, hindi motel.
"Alam niyo bang CR ito?" tanong ko sa kanila.
Walang nagsasalita sa kanila kaya pumunta na lang ako sa harap ng salamin na malapit sa kanila. Naghugas ako ng kamay saka tinignan ang sarili sa naroroon salamin.
"Mauna ka na sa labas. I'll text you later and we'll continue it to my room," aniya kaya dali-daling lumabas ang babaeng 'di ko naman kilala kung sino.
"Alam mo. Panira ka, eh"
"Ako pa ang panira? Ni hindi mo na nga naisip na maaaring may pumasok o may tao rito?"
"Bakit ganyan ka umasta? Nagseselos ka ba?!" Tinignan ko siya.
"Bakit naman ako magseselos? Close ba tayo? Ang feeling close mo naman.”
Lumapit ito sa akin saka ako kinuwelyuhan. Hindi ako natatakot sa kanya kaya nakipagtitigan ako, ganun din ang ginawa niya. Parang may kuryente sa aming mga mata na parehong masama ang tingin sa isa't isa.
"Gusto mong ikaw na lang tumuloy? s**t! Malapit na akong labasan.”"
Kinabahan na ako sa sinabi niyang iyon dahil hindi ko nakikitang nagbibiro lang siya. Kaya ang ginawa ko ay tinulak ko siya ng malakas kaya napabitaw naman siya. Tumalikod ako dahil aalis nalang ako roon, pero humawak siya sa braso ko at hinila ako ng malakas.
Napaharap ako sakanya at ang sumundo na pangyayari ay naging dahilan iyon ng pagtigil ulit ng oras at mas lalong pagbilis ng t***k ng puso ko. Tinulak ko ulit siya. Pinunasan ko ang labi ko bago ako tumalikod sa kanya.
Malapit na ako sa pinto ng may sinabi pa ito, "Huwag kang umarte na hindi ka nasarapan sa halik ko. Pasalamat ka dahil nahalikan pa kita.”
"Sana alam mo itong ginagawa mo. Kung bakla ka lang na maiintindihan mo iyong mararamdaman namin kapag may gumawa sa amin nito ay hindi mo kailanman gagawin ang bagay na ikakadurog ng puso," sinabi ko naman sa kanya saka umalis doon.