C H A N "Sorry, pero puno na iyong slots para sa mga bagong miyembro." Bumuntong-hininga ako saka nagpaalam na aalis na ako dahil hindi ako magsasayang ng oras na ipilit pa ang sarili ko sa kanila. Pang-ilang club na ba iyon na pinuntahan ko at pare-parehong dahilan lang ang sinasabi? Halos lahat sila puro puno na raw ang miyembro nila at minsan naman kesyo ganito-ganyan. Ang daming dahilan, bakit hindi na lang nila sabihin na ayaw lang talaga nilang tumanggap ng isang taong hindi naman bagay sa club nila? "Ano na gagawin mo ngayon, Pren?" tanong ni Kitty sa akin pagkaalis namin do'n. "Ano pa ba edi pupuntahan ko ang huling club na naririto sa listahan," ani ko saka naglakad na papunta sa swimming club kung saan ito na ang huling club na pupuntahan ko. Kapag hindi pa nila ako tinangg

