M I G U E L Uminom ako sa alak na nasa harap ko. Katulad ng dating gawi ay naririto kami ngayon sa isang bar. Kasama ko si Mr. Perez at iba pa naming kaibigan sa school. Nasa pito kaming naririto sa isang pabilog na couch. Malakas ang tunog ng musika kaya ang ibang naririto ay napapasabay sa beat nito. Katabi ko naman si Mr. Perez na nakatingin lang sa akin. "What?" I looked at him with with so much confused. "Anong kalokohan na naman ang gagawin mo, Migs?" tanong niya. "I don't get you, get to the point," sabi ko. "You know what I'm talking about, Migs." Uminom siya ng alak. "Chillax, Bro," Bumuntong-hininga ito." Nakikipaglaro lang ako sa kanya," sabi ko pa. "Then what if Tito Steve will find out? Pareho tayong malilintikan," aniya. "Hindi niya malalaman kung hindi mo ipapaalam.

