K I T T Y Matapos kong makita si Miguel at ang babaeng iyon ay mabilis akong tumakbo ngunit huminto rin naman ako nang mapagod ako. Napahawak ako sa tuhod at mabilis ang ginagawa kong paghinga dahil sa pagod. Para akong sumali sa marathon dahil sa ginawa kong pagtakbo. Pero wala akong pakialam, ang nais ko lang naman ay makaalis doon at hindi masilayan ang pagmumukha ng dalawang iyon. "K-Kitty..." Mabilis akong napatayo at lumingon dito. "L-Let me explain," aniya sa hinihingal din na boses. Malamang ay hinabol niya ako kaya siya hinihingal din ngayon. "Ano pa bang ipapaliwanag mo? Na kesyo, kakain kayo sa labas at magda-date kayong dalawa? Tapos ano?! Sa huli, iiwan mo 'ko?" Nangilid bigla ang mga luha sa aking mga mata. Bigla akong natakot na baka totoo nga ang iniisip ko, kaya haban

