C H A N Sakay kami ng kotse ni Miguel, nasa likod si Gabriel at bossy na bossy ito sa suot niyang shades. Guwapo rin ito, may matangos na ilong at magagandang pilik mata na nakakaakit sa kaniya. Tapos ang bata pa niya'y talentado na siya sa pagtugtog ng musika. "We're here," anunsiyo ni Miguel nang makarating kami sa pupuntahan namin. Tumingin ako at tama ngang nandito na kami sa mall kung saan si Ate. Balak kong ipakilala si Gabriel sa kaniya at kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung ano'ng magiging reaction niya. Sana lang ay hindi sila magalit sa padalos-dalos kong desisyon. Sabay-sabay na kaming lahat at nang pumasok kami ay nagtataka si Gabriel kung bakit kami binabati ng bawat staff na nakakakita sa amin. Hindi pala nito alam na sa amin itong mall kaya ang reaksiyon niya'y magk

