C H A N Noon, ang daily routine ko pagkagising ay sa kusina ako didiretso at magluluto ng agahan namin ni Miguel kung ako ang nauunang magising. Ngayon ay ibang-iba na, pagkagising ko pa lang ng umaga ay sa kuwarto agad ako ni Gabriel pupunta. Ako ang gumigising sa kaniya tuwing umaga para tulungan itong maglinis at magpalit ng damit. Nasa walang taong gulang na ito at napapansin ko ang pagiging matured niya minsan mag-isip, lalo na ang pagiging bossy nitong aura. Ngunit hindi pa rin naman nawawala ang pagiging bata niya. Kaya tuwang-tuwa akong alagaan siya dahil sa kaniya, hindi na masyadong malungkot dito sa condo. Kasi noon kapag si Miguel lang kasama ko, kung hindi puro kalibugan ang pinagsasabi ay ginagapang na lang ako bigla kapag nanonood kami ng Movies sa sala. Mabuti na lang a

