C H A N Buong maghapon na nag-iisa lang sa condo ay iniisip ko lang iyong nakita ko sa laptop ni Miguel. Kaya nang makarating sina Miguel at Gabriel ay agad kong inihanda ang niluto kong banana cue at nagtimpla pa ako ng juice. Balak ko rin na kausapin si Miguel ngunit hindi tungkol sa internship nito kundi itatanong ko kung may sasabihin ba ito sa akin. Ayoko kasi siyang pangunahan baka maging dahilan na naman ito ng pag-aaway namin at nakakatakot nang baka kung saan pa mapunta ang lahat. "Wow! I love the taste po. It's so delicious," ani ng bata nang matikman niya ang banana cue. "How's your class, Gabriel?" tanong ko naman sa kaniya at saka naupo na rin sa tapat nito. Gano'n din ang ginawa ni Miguel ngunit sa side naman siya naupo. Tumingin si Gabriel sa akin at ngumiti. Iyong ngit

