C H A N Mabilis lumipas ang araw at ngayon nga ay last na ng exam namin. Wala masyadong naganap sa amin nitong mga nakaraan araw dahil naging busy kami sa paghahanda sa nalalapit na exam, maliban lang sa hindi na namin palaging kasama si Xandra. Hindi ko alam kung bakit dahil sa magkakatabi naman kami ng upuan, pero sa tuwing kakain na kami ay sinasabi nitong may pupuntahan na muna siya. Bukas na bukas rin ay aalis na kami pupuntang Isla Esperanza. Nakapagpaalam na rin ako kay Papa at pinayagan na ako nitong doon manatili. "Finally!" napatingin ako rito. Medyo malayo ang puwesto niya sa amin dahil dito kami sa isang auditorium tuwing examination day. Si Kitty na ibinagsak ang hawak na lapis at nagunat-unat pa. mabuti pa siya ay nakatapos na. Habang ako naman ay hirap na hirap sa pagsagot

