C H A N Nakaupo kaming lahat dito sa aming sala ng dumating kami rito. Si papa ay nasa single sofa at si ate ay pumunta sa kusina upang magluto ng tanghalian. Magkatabi kami ni Miguel dito sa mahabang sofa at tahimik lang kaming dalawa. Ayaw naming magsalita dahil hindi ko alam kung anong expresiyon ang ipinapakita ni Papa sa amin. "So, how old are you Mr. Park?" ani ni Papa na binalingan ng tingin ang katabi ko. Siniko ko naman 'to dahil parang nawala sa sarili at mukhang kinakabahan. Matigas din kasi ang pagkakatanong ni Papa sakanya. "I-I'm 19 y-years old po, tito." Ang sagot niya. "Anong nagustuhan mo sa anak ko?" "Pa, ano ba iyang pinagsasabi mo?" ang tanong ko sakanya. Sinulyapan lang ako nito at ibinalik ang tingin sa katabi ko. Kinabahan na rin ako sa kinikilos nito. Strikto

