C H A N Iminulat ko ang mga mata ko dahil sa amoy na 'yon. Sobrang bango at parang sarap sarap ng pagkakaluto. Umaga na rin naman kaya bumangon na ako sa kama, tinignan ko pa ang katabi ko pero wala na ito doon o hindi ko alam kung siya ba ay umuwi kagabi dahil nakatulog na ako sa dami ng iniisip ko. Umalis ako sa kama at pumasok sa banyo. Hilamos at sipilyo lang sa mukha ay lumabas na ako. Mamaya pa naman ang klase ko kaya mamaya nalang ako maliligo. Lumabas ako sa kwarto at ang tahimik sa sala. Dumiretso nalang ako sa kusina kung saan naabutan ko si Miguel na nakasuot ng apron, walang suot na damit at tanging maikling boxer short lang na hapit sa mga hita nito at ang kulay pastel brown na apron. Nakatalikod ito sa puwesto ko, nakaharap siya sa kanyang niluluto. Mukhang 'yon nga ang na

