C H A N Pagkatapos akong iwan ni Kitty kanina ay dumireto na lang ako rito sa club nang sa gano'n ay makapagpractice na akong lumangoy at sa susunod ay marunong na akong magpatianod sa agos ng aking nararamdaman. Teka?! Ano ba itong pinag-iisip ko. Umiling na lang ako sa pinagsasabi ng aking isip. Pumasok ako sa club at naabutan ko na doon ang mga miyembro na maykanya kanyang ginagawa. Nakasuot na sila ng kanilang swimming trunks, pero hindi ko alam bakit hindi pa sila nagsisimula mag ensayo? "Kasama mo ba si Captain?" Tanong ng isang miyembro nang makalapit ako sa kanilang puwesto malapit sa pool. Tumingin naman ako sa likod at binalik ko ulit ang tingin sa kan'ya. "May nakikita ka ba?" Pamimilosopo ko. "I think, you're not with him." Umalis ito at pumunta sa mga kasamahan nila na

