Tumayo siya para magpaalam na sa kasintahan. Niyakap niya ito sa baywang," Aalis na ako," aniya at hinagkan ito sa labi.
Lumamlam ang mga mata ni Marco, nakikipagtitigan sa kanya “ I really want you.”
Bahagya niyang hinila ang baywang nito palapit sa kanya ” Hmm.." anas niya na pilyang ngumiti. Hinaplos-haplos niya ang tiyan nito hanggang bumaba ang kamay niya sa sout nitong senturon nilapat niya ang labi sa labi nito.
Naging mapusok na ang mga halik ni Marco ay agad n'yang inilayo ang labi rito“ Aalis na ako maypupuntahan pa ako,” naka ngiti siyang pumihit patalikod sa natigilan na kasintahan.
" Lagi mo akong binibitin sa ere." Narinig niyang angal nito.
Pero bago pa siya nakarating sa may pinto, mabilis s'yang niyakap nito mula sa likuran.“ You always teasing me, but I love the way you do it,” pabulong nitong sabi sa kanya.
Marahan siyang pumihit paharap.” Talaga ba?” malambing n'yang tanong.
Natigilan sila ng biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang secretary ng binata.
" I'm sorry," nahihiya nitong sabi ng maabutan silang naglalambingan.
"It's okay Dalia, dala mo ba ang pinabili ko sa'yo?" tanong ni Marco, rito.
" Yes, po sir," tugon nito at pa secreto inabot ang isang bagay, na hindi niya masyado nakita kung ano iyon. Agad naman lumabas ng silid ang secretary.
" Babe, pwedi mo ba isara ang pintuan sandali?" suyo sa kanya ni Marco, ng sadyang iwan ito ng secretary bukas.
Naglakad siya palapit roon at isinara niya, muli siyang humarap sa binata. Napa awang ang kanyang mga labi ng makita ang kasintahan naka luhod sa kanyang harapan.
“ Will you marry me?” tanong nito.
“ Seryuso ba iyan or gino-good time mo lang ako para maka score ka?" walang pag-alinlangan niyang tanong.
” Yes, I am so serious I want you because I need you,” sabi nito na nanatili naka luhod.
" Hindi ba napaka aga para n'yan? Nagmamadali kaba?" pabiro niyang tanong.
" Matalagal naman akong nanligaw sa'yo at hindi naman basihan kung gaano tayo katagal na naging mag-on ang mahalaga sa'kin ay mapa tunayan ko sa'yo kung gaano kita ka mahal."
" Baka pagsisihan mong pinakasalan ako Marco," dinaan niya sa biro ang gusto n'yang ipahiwatig.
" Kahit kailan wala akong pagsisihan Lara dahil hindi kita bibigyan ng dahilan para iwanan ako," saad nito na nagsusumamo ang mga mata na sagutin na niya.
Napangiti siya sa isipin na talagang umayon sa kanya ang pagkakataon. Nababaliw na talaga sa kanya si Marco.
" Will you marry me?" ulit nitong tanong ng matahimik siya.
Talagang minamadali nito ang buhay sa kanya. " Yes, I will marry you," aniya na abot taenga ang kanyang ngiti.
Napatayo ito sa tuwa at nabuhat siya," Hindi mo talaga pagsisihan, pumayag kang pakasalan ako." Binaba siya nito at pinasout sa kanya ang diamond ring.
" Sisiguraduhin kong pagsisihan mong nakilala mo ako Marco." Bulong sa sarili habang pinagmasdan ang kumikislap n'yang singsing.
" MAY IBABALITaako sa'yo," masayang sabi ni Lara, sa kaibigan si Chesca, ng bisitahin siya nito sa kanilang bahay. Kasulukuyan silang naka higa dalawa sa kanyang kama.
" Ano na naman iyan?" tanong nitong tumagilid para tignan siya.
" Magpapakasal na kami ni Marco." Ipinakita niya rito ang sout n'yang singsing.
" What? Have you lost your mind?" napa taas ang boses nito.
Napatayo ito sa subrang pagka bigla na magpapakasal siya sa lalaking sumisira sa buhay niya " That is an expensive ring but come on Lara, magpapakasal ka sa taong gumahasa sa'yo? I can't believe this!" naiiling nitong sabi na hindi maka paniwala.
Napatayo na rin siya at niyakap ang kaibigan " Magtiwala ka lang sa akin Chesca, I can handle this, you have nothing to worry about,” suyo niya rito.
" Arg! saan mo ba iniwan ang utak mo ng mahanap natin. Nakikipaglaro ka sa apoy, alam mo ba 'yun, huh?" naiinis nitong sabi.
" What if malaman ni Marco, na ikaw 'yong babae victima nila noon?" tanong nitong hindi maipinta ang mukha sa labis na pag-alala para sa kanya.
Kumalas siya sa pagyakap rito at umupo sa gilid ng kama " Hindi 'yan mangyayari o kung malaman man niya, sisiguraduhin kong naka ganti na ako look Chesca, bukas darating na ang walang hiyang si Abner, dadalo ako para maisatuparan ko ang plano ko."
Napapailing ito sa kanya." Hindi mo alam ang pinapasukan mo Lara, maaring ikakapahamak mo iyan."
Hindi niya mapigil ang maiyak " Ano ang gusto mong gawin ko? Hahayaan ko nalang sila? Hindi ako papayag na basta basta nalang nila iyon matatakasan."
tumabi ito ng upo sa kanya " Bakit hindi mo nalang ipaubaya sa mga pulis Lara? Hindi mo naman kailangan ilagay sa mga kamay mo ang batas."
" Hindi ako pwedi magsumbong sa pulis, ano ang maipapakita kung evidencia? At sa tingin mo rin ba papaniwalaan ako ng mga pulis, laban sa mga ‘yon?” hindi niya mapigil ang mapahikbi.
Saglit na katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa. Ito man hindi na rin alam kung ano ang gagawin.
Pinahid niya ang mga luha na nag landas sa kanyang pisngi " Andito na ako Chesca, wala na itong atrasan," basag niya sa katahimikan.
Dertiminado siya sa kanyang mga plano at wala nang makakapigil pa sa kanya.
Napa buntong hininga na lamang ang kanyang kaibigan" Ano pa nga ba ang magagawa ko, kundi ang suportahan ka," saad nito sa mahinang boses.
Napayakap siya rito, bilang pasasalamat sa pagsuporta sa kanya.
"Uuwi na muna ako para makapag bihis, na kagagaling ko pa lang sa vacation tapos ito agad ang ibinalita mo, " sabi nito na sinabayan ng pagtayo.
Tinawanan niya lang ang pag simangot ng kaibigan, na sanay na siya rito" Salamat uli," pahabol niya na sinundan ito ng tingin naglakad palabas ng silid.
Muli siyang humiga sa kama ng mapag-isa, naisip niya ang pagkikita nila ni Abner bukas. Sumangayon talaga sa kanya ang panahon dahil ikakasal na rin sila ng binata. Pwedi n'yang unahin si Marco, pero kinakailangan pa niya ang binata dahil hindi siya mapagdududahan kapag isa-isa n'yang napa bagsak ang magkakaibigan.
Ang laki ng pasasalamat niya sa kaibigan na si Chesca, na supurtado siya nito. Bukas na bukas isasama niya ito sa homw coming ni Abner. " Ano kaya ang reaction niya pagmakikita niya ako?Matatandaan niya ba ako?" Inabot na siya ng magdamag sa kakaisip para bukas. Kung sino o ano ang kanyang pweding gawin sa party, para makamit niya ang hustesya na kanyang isinisigaw.