Nakaramdam ng pagka bagot si Lara, sa bahay maliban sa katulong, wala ang ginang nasa byahe ito. Naisipan n'yang puntahan si Marco, at surprisahin ito sa opisina.
" Ma'am Lara, napa dalaw po kayo?" gulat na tanong ng secretary ni Marco, ng maka salubong siya nito sa hallway ng building.
"May kailangan lang ako kay Marco," tugon niya. " Andiyan ba siya?"
" Yes, po ma'am puntahan niyo na lang po," tugon nito at nilagpasan na siya.
Nagpatuloy na rin s'yang naglakad, nang matapat na siya sa pintuan ng opisina ni Marco, inayos niya muna ang kanyang sout na bestida at kinuha niya rin ang paboritong pabango mula sa kanyang bag, naglagay siya ng kaunti sa kanyang punong taenga.
Ibinalik niya muli sa bag ang pabango, saka niya hinawakan ang doorknob, humugot muna siya ng malalim na hininga bago niya iyon pinihit pabukas.
" Hi! babe," bungad niya na agad napawi ang mga ngiti namutawi sa kanyang mga labi ng makita ang dalawang lalaking naka-upo sa harapan ng mesa ni Marco.
Halos hindi siya maka galaw sa kanyang kina tatayuan, biglang nanglambot ang kanyang mga tuhod ng magkatitigan sila ni Anton, ang lalaking nagdala sa kanya sa kapahamakan. Dumako ang kanyang paningin kay Michael, na no'y naka tingin din sa kanya. Ang lalaking namulatan niya na naka patong sa hubad n'yang katawan.
Nanginginig ang kanyang kalamnan sa subrang galit. Naikuyom niya ang mga palad, gustong-gusto n'yang takbuhin ang mga ito at pagkakalmutin ang mga mukha para iparamdam ang kanyang sukdulan na galit hanggang langit. Ang mga demonyong sumira sa pagkatao niya ay nasa kanyang harapan na, ang tagal n'yang hinintay ang pagakakataon ito.
“ Napa ka gandang reunion pero, kulang kayo ng isa. Paano ko ba kayo patayin, pagbabarilin ko kayo sa ulo?” aniya sa sarili. Na bumakas ang galit sa kanyang mukha.
"Are you, okay?" pukaw sa kanya ni Marco, na no'y naka tayo sa kalapit na upuan nito.
“ Kailangan kung huminahon hindi ako pweding magpadala sa galit dahil ma uuwi sa wala ang lahat na pinagpaguran ko,” bulong niya sa sarili at lihim na humugo ng malalim na hininga.
Ngumiti siya sa kasintahan" May bisita ka pala babe," aniya pilit pigilan ang galit na gustong kumiwala sa kanyang dibdib.
Mabilis s'yang nilapitan ni Marco, “ Mabuti naman at nadalaw mo ako, tatawagan sana kita," saad nito.
" Gusto ko kasi surpresahin ka," aniya na ngingiti pa rin pinaglipat-lipat ang tingin kina Anton, at Michael.
Kinalawit ni Marco, ang braso sa kanyang baywang " Ang sweet talaga ng mahal ko." Iginiya siya nito palapit sa mga kaibigan, na pareho pa rin naka titig sa kanya.
" Diba, sabi ko sa inyo, naka tulala ang kanyang ganda?" pagmamayabang ni Marco, sa dalawang kaibigan na parehong matiim na naka titig sa kanya.
" H-hi!" na uutal na bati sa kanya ni Anton.
"I want you to meet my friends,” malambing na sabi ni Marco sa kanya, “ Si Anton at Michael," masayang sabi ni Marco, sa kanya.
" I already knew them!" gusto n'yang isigaw.
Napa tikhim siya ng maramdaman na para bang may bumabara sa kanyang lalamunan.
“ Finally! nakita kana rin namin,” ani Michael, ng hindi pa rin siya maka pagsalita.
Inilahad nito ang palad sa harapan niya para kamayan siya. Na nginginig ang kanyang kamay, na inabot ang kamay ni Michael.
" Kay gandang binibini," sabi ni Michael at
hinagkan nito ang kanyang kamay.
Gusto n'yang maduwal nandidiri siya sa ginawa nito pakiramdam niya sinasabuyan siya ng malamig na tubig, naninindig ang kanyang mga balahibo sa batok.
“ Hay*p!” nagwawalang kalooban na mabilis n'yang binawi ang kamay mula sa pagka hawak nito.
” Totoo nga ang sabi ni Marco, kakaibang ganda. Kaya pala lagi nalang ikaw ang bukang bibig nitong kaibigan ko,” sabad naman ni Anton, na nakatingin sa kanya.
Binaling niya ang tingin kay Anton, pakiramdam niya napapaligiran siya ng apoy at tino-toreture siya habang kaharap si Satanas, subrang init ng kanyang naramdaman ng mga sandaling iyon.
Magka halong emotion ang kanyang naramdaman sakit, poot at ang matinding galit ng muling maalala ang ginawang kahayupan ng mga ito. Gusto n'yang maiyak sa isipin nasa harapan na niya ang mga ito pero wala s'yang magawa na kahit na nangangati na ang kanyang mga kamay na saktan ang dalawa.
“ It is nice to met you guys!" aniya pilit pasiglahin ang boses.
Saglit na tumahimik si Anton, at hinagod siya ng tingin " You look familar. What is your name again?" curious nitong tanong.
Kumakabog ang dibdib niya sa kaba na baka namukhaan siya nito. Hindi pweding makilala siya dahil nagsisimula pa lamang siya.
Nginitian niya ito ng ubod tamis bago sinagot " Larabelle, but my friend called me Lara, they said it suite me very well, but for me I, prefare being called Belle," sabi niya, na binago ang kanyang tono sa pagsasalita.
Tinitigan siya ni Anton, na tila ba hindi ito naniniwala sa kanyang sinasabi. " I'm sorry but you remind me of someone, hindi paba talaga tayo nagkita noon?" na ninigurado nitong tanong.
“ Yes, ako 'yong babae, na nagmamakaawa sa inyo, mga hay*p kayo!” gustong-gusto n'yang isigaw sa pagmumukha nito.
Tinaas niya ang isang kilay ” I dont think so, marami din naman tayo kahawig,” aniya na pinag cross ang dalawang braso sa dibdib.
" Ka pangalan niya lang 'yon tol," sabad ni Michael. "Halata naman wala sa kalingkingan ni Larabelle, ang babae nasa isipan mo." Dagdag nito.
" Sa bagay! halos buto't balat lang din naman 'yon," pag-sangayon ni Anton.
Lalo siyang nang-gigigil sa mga ito. Tinignan niya ng mariin si Michael, pakiramdam niya hindi siya mahihirapan rito maisagawa ang plano niya dahil mukhang uto-uto ito.
" Lubayan niyo na nga ang mahal ko, kung ano-ano nalang pinagsasabi niyo riyan. Nag-iisa lang si Lara dahil walang maka pantay sa ganda niya," sita ni Marco, sa mga kaibigan. Iginiya siya nito paupo sa ergo chair.
“ Ang swerte mo sa nobya mo tol, subrang ganda. Baka naman may kaibigan ka na pwedi mo ipakilala sa akin Larabelle?” ani Michael, na sinundan pa nito ng tawa.
“ Mayron si Chesca, matalik niya 'yon na kaibigan kaya, lang kawawa 'yon sa'yo ma e-stress lang yun sa pagiging babaero mo.” Mabilis na sabi ni Marco.
“ Tol naman 'wag mo naman akong ibuking kay Larabelle,” natatawa pa rin na sabi ni Michael.
“ Maiba nga pala ako, ano nga 'yong sadya niyo rito? Para makaalis na kayo,” pabirong taboy ni Marco sa dalawa.
“ Oo, nga pala kaya kami nagpunta dito para sabihin sa'yo na darating si Abner, at may pa home coming ang daddy niya,” tugon ni Anton, na umupo ng tuwid.
Napasinghap siya sa narinig “ Umalis pala ang isang hay*p," anas niya " Kaya pala hindi kasama ngayon sa reunion ng mga demonyo."
“ Pupunta ka?” tanong ni Michael kay Marco.
“ Syempre! naman darating ako na miss ko rin kaya 'yong luko na 'yon," natatawang sabi ni Marco.
“ Si Erik kaya kailan kaya darating 'yon?” malungkot na tanong ng binata sa dalawang kaibigan.
“ Uuwi din 'yon,” ani Anton.
Tahimik s'yang nakikinig sa magkakaibigan na pinag-uusapan ang pagdating ni Abner, napa isip siya kung ano ang pwedi n'yang gawin.
“ Sana nga magiging okay na sila ni Abner, para mabalik sa dati ang samahan natin magkakaibigan,” malungkot na sabi ni Marco.
" Babalik din tayo sa dati wagka lang mainip," ani Michael, na sinabayan ng pagtayo.
" Tol, mauna na kami ng hindi namin kayo ma isturbo,” paalam ni Anton na tumayo na rin.
“ Lara, sana sumama ka sa home coming party, " untag ni Anton, sa kanyang pananahimik. Naglakad ito papunta sa pintuan.
“ Wag mong kalimutan dalhin ang kaibigan mo Lara!” bilin ni Michael bago tuluyan lumabas ng silid.
" Para babuyin niyo, gaya ng ginawa niyo sa'kin?" sa kaloob-looban niya.
“ Babe, sino ba si Abner? Saan ba siya galing?” patay mali n'yang tanong ng mapag solo sila.
“ Isa namin kaibigan, ipinadala ng ama niya sa ibang bansa dahil laging napapa trouble dito sa pinas," tugon ng kasintahan na umupo sa katapat n'yang inupuan.
“ Ah! kaya pala may pa-party," aniya.
“ Oo, spoiled kasi yun sa daddy niya pupunta tayo babe para ipakilala kita sa kanya.”
Tinitigan niya ang kasintahan " Talagang sasama ako, para maisagawa ko na ang mga plano ko, mukhang exciting ang pagtatagpo natin lahat," bulong niya sa sarili.
"Ano kaya ang pwedi kung gawin, tapunan ko kayo ng bomba? Pagsasabayin ko ba kayo?Pero gusto kung magsuffer kayo 'yong mag mamakaawa kayo sa'kin tulad ng pagmamakaawa ko sa inyo, ng maramdaman niyo rin ang naramdaman ko noon.” Mga bagay na naglalaro sa isipan niya para sa paparating nilang pagtatagpong lahat. Ngayon pa lang na excited na siya dahil hindi niya hahayaan masasayang ang araw na iyon na wala s'yang magawa.