NAKATAYO si Lara sa veranda, inaliw niya ang kanyang paningin sa garden nasa likod ng bahay. Mula sa kanyang kinatatayuan ay tanaw niya ang bermuda grass. Sa gitna naman nito ay ang malaki statue ng lalaki kulay antik at pasan ang maliit na banga na may lumalabas na tubig mula roon.
At sa paanan ang kumpol ng bulaklak na tinatawag nilang million na nagpapaligsahan sa iba't ibang kulay nito. Naghatid iyon ng positive vibes sa kanyang paningin.
"Lara, andito ka lang pala," pukaw ng ginang sa kanyang pag-iisip.
Nilingon niya itong tumabi ng tayo sa kanya," Inaliw-aliw ko lang po ang sarili ko sa kakapanood ng mga nag gagandahan bulaklak sa garden niyo ma'am." Muli niyang binaling ang tingin sa harden.
" From now on, wag mo na akong tawagin ma'am, tita na ang itawag mo sa akin," saad nito.
Muli siyang napatingin rito, " Nakakahiya naman po, subrang bait niyo po sa'kin maraming salamat po," nahihiya niyang sabi.
Hinawakan siya nito sa magkabilaang balikat." Gusto kita hija, magaan ang loob ko sa'yo at mukhang mabait ka naman."
Hindi niya alam kung ano ang sasabihin rito. Ang laki na ng tulong ang patirahin siya sa bahay, nito at ang inalok nitong tulong sa mga taong gumawa sa kanya ng kaharasan.
" Hindi ko po alam kung paano ko matatawaran ang kabutihan niyo, pero sisikapin ko po hindi kayo magsisisi sa pagkupkup niyo sa akin," madamdamin niyang sabi.
Malapad itong ngumiti sa kanya," Bukal sa loob ko ang pagtulong sa'yo hindi ako maghahangad ng kapalit. Masaya na rin ako nandito ka sa bahay dahil may kasama na ako, maliban sa katulong ko at driver," saad nito.
Bumangon ang kanyang curiousity, kung nasaan ang pamilya nito at kung bakit sa laki ng bahay, mag-isa lang ito. Gusto niyang magtanong pero naunahan na siya ng hiya.
Narinig niya ang pagbuntong hininga nito.
" Nong kasama ko dito ang pamangkin ko, masaya ako at least hindi ako nag-iisa. Pero hindi naman natin mapipigilan ang tao na mag-asawa," sabi nito at pilit ang ngiti tumingin sa kanya.
Kahit nangangati na ang dila niya sa gusto niyang itanong pero pinigilan niya, baka mamasamain pa nito kung tatanungin niyang nasaan ang asawa nito.
" May isa akong anak, hindi ko nasilayan ang paglaki niya. Kinuha siya sa'kin ng yaya na pinagkatiwalaan ko. Pinapahanap ko sila pero nalaman ko na aksidente daw ang bus na sinasakyan nila," sabi nito na tila ba nahulaan ang nasa isipan niya. Bigla na lang tumulo ang luha nito.
Ramdam niya ang bigat na kinikimkim sa dibdib nito. Hinawakan niya ang isa nitong kamay, hindi niya alam kung paano amuin ang ginang. Ang buong akala niya siya lang ang may pinagdaanan pero pareho pala sila na may mabibigat na pinapasan.
"N-nasaan po ang asawa mo?" naisatinig niya.
Muli ito napa hugot ng malalim na hininga." Matagal ng namayapa ang asawa ko," malungkot nitong sabi.
Nagsisituloy siyang nagtanong pa, kung pwedi lang bawiin ang tanong niya babawiin na lang niya, para hindi na ito malungkot.
"Sorry po, kung nagtanong ako," naluluha niyang sabi.
Nagpahid ito ng luha," Okay, lang matagal na yon." Tinignan siya nito." Kung na bigyan lang ako ng chance na makasama ang anak ko, siguro kasing laki mo na siya ngayon."
Nakaramdam siya ng panghihinayang para sa ginang. Kung bakit ba kasi may mga taong maka sarili na handang sirain ang kaligayahan ng iba para sa pansariling interest ng mga ito.
" Bakit ba tayo, nagdadrama hija," sabi nitong nagpahid ng luha at pilit ang ngumiti.
" Mabuti pa'y magbihis ka nalang at may pupuntahan tayo," sabi nito pinasigla ang boses.
" Saan po tayo pupunta?"
Ngumiti ito ng matamis." Gusto ko ipa make over ka, para maibsan ang bigat ng mga dinadala mo," saad nito at naunang naglakad.
" Naku! dito na lang po ako sa bahay, nakakahiya na po." Pakiramdam niya parang abuso na para rito pati pag-aayos niya ng sarili i-aasa pa niya rito.
Huminto ito sa paglakad at nilingon siya.
" Hija, masamang tanggihan ang grasya. Gusto kong lumabas ng bahay dahil na bo-bored ako dito," saad nito na muling naglakad.
Naiiling na lang siya naglakad papunta sa kanyang kwarto para makapag-bihis na.
SA ISANG sikat na salon siya dinala ni ginang Rosario Montalbon. " Tita kahit gupitan na lang ang dulo ayos na po," sabi niya ng makapasok na sila sa loob.
Umiling-iling ito," Leave it to me and trust me, magugustohan mo ang bago mong ayos," giit ng ginang tinignan siya ng maigi tila pinag-iisipan ng maigi kung ano ang babagay sa kanyang hairstyle.
Nalapitan sila ng bakla mag-aasikaso sa kanya," Alam mo, maganda ka naman ito lang ang buhok mo ang nanira sa magandang hugis mong mukha,"sabi nito at hinaplos-haplos ng daliri ang kanyang buhok. Bahagya pa itong napa-ngiwi ng sumabit ang daliri sa nagkabuhol-buhol niyang buhok.
" Maaayos din 'to pag marebond na," sabi nito.
Nginitian niya lang ito at ipinagkatiwala na lamang na maayos ang kanyang buhok.
Ilang oras din sila sa loob ng parlor bago na tapos ang pag re-rebond ng kanyang buhok.
Medyo gumaan ang kanyang pakiramdam na i-pamper ang sarili.
"Diba, sabi ko sayo?" Bulalas ng ginang matapos siyang maayusan.
Humarap siya sasalamin at namangha siya nang makita ang bago niyang hitsura. Napa ngiti siyang tinitigan ang sarili.
Ang kaninang mahabang buhok na parang alambre sa tigas ay naging malambot at shiny na ito, kinulayan din ito ng ash gray at ginupitan na layer'd ang style at ang kanyang kilay na makapal at makalat ay inayos din.
Nilagyan ng maskara ang mahahaba niyang pilik mata at nilagyan ng diamond lip gloss ang kanyang maninipis na labi.
Naglakad ang ginang papunta sa kanyang likuran at ipinatong nito ang dalawang kamay sa magkabilang balikat niya, pareho silang nakatitig sa salamin.
" Ngayon hija, hindi kana makilala ng mga lalaki gumawa sa'yo ng masama," pabulong na sabi ng ginang sa kanya.
"New look, new me," sa kaloob-looban niya.
Matapos nila sa parlor ay ipinag shopping muna siya ni ginang Rosario, ng mga bagong damit bago sila tuluyan umuwi. Itinuro sa kanya ng ginang kung paano ang umupo at ang pananalita bilang isang classy na babae.
Sa tulong ni Rosario, ay tuluyan na siyang nagbago mula sa mukha hanggang sa kanyang pananamit. Ang hindi naka kilala sa kanya ay aakalain na galing siya sa mayamang angkan.
KASULUKUYAN silang naka upo ng ginang sa harden ng maalala niya ang palabas na lagi niyang inaabangan tuwing hapon.
" Tita, manonood lang ako ng palabas sa tv, may inaabangan kasi ako." Paalam niya at mabilis na tumayo.
" Sige, susunod na lang ako sayo, mamaya," tugon ng ginang na binuklat-buklat ang hawak na magazine.
Nagmamadali siyang pumasok sa loob ng bahay at agad na sinaksak ang tv. Binuksan niya iyon gamit ang remote at umupo sa sofa.
"News break, anak ng isang kilalang negosyante ng San Martin, na si Abner Cornejo, ay hinuhuli ng mga autoridad dahil sa pagpapasimuno nito ng kaguluhan sa Restobar, dito mismo sa kinatatayuan ko ngayon," anang news caster.
Napahigpit ang paghawak niya sa remote ng marinig ang pangalan ni Abner, halos hindi na kumukurap ang kanyang mga mata sa kakatig sa tv.
" Hihingan po natin ng panig ang matalik na kaibigan ni Abner, na si Marco Martinez," Pagpapatuloy ng news caster.
Nanginginig ang buo niyang katawan pati na ang kanyang kalamnan sa matinding galit ng tuluyan tumambad sa kanyang harapan ang mukha ni Marco. Ramdam na ramdam niya ang pagdaloy ng kanyang dugo mulo paa hanggang ulo. Gustong-gusto niyang basagin ang tv, para kahit papaano makaganti man lang siya sa ginawang kahayupan ng mga ito.
" So, ikaw pala si Marco?" Naikuyom niya ang mga palad at mariin nakatitig sa mukha ng lalaki na nagsasalita para depensahan ang kaibigan nito.
Hindi siya naka tagal na titigan ito sa monitor, pinatay na niya ang tv at nagmamadaling umakyat sa itaas. Hinayaan niya ang mga luha naglandas sa kanyang pisngi nang muli maalala ang pait at sakit sa kamay ng mga lalaki.
Humarap siya sasalamin at nanlilisik ang kanyang mga mata tinigan ang sarili.
" Humanda kayo dahil babalikan ko kayo, magtagpo din ang mga landas natin," bulong niya sa sarili.
Marahas niyang pinahid ang mga luha," Kahit papaano ay magagamit ko rin ang bago kung ayos," aniya ng may buo siyang idea sa isipan.
Ang iisipin nalang niya ngayon, ay kung paano siya makalapit sa mga ito at kung saan niya hahagilapin. Isang decision naman ang nabuo niya para sa ginang lalo pa sa kanyang nalaman na anak ng kilalang negosyante, ang kanyang babanggain.
Mapanganib na laban ang kanyang susuungin at ayaw niyang isali ang ginang sa laban na ito. Kahit pa na ngako itong tulungan siya, pero sapat na ang tulong na kupkupin siya. Hanggang du'n nalang ang pagtulong nito sa kanya. Ilang oras din siyang nagkulong sa kanyang silid ng maisipan niyang bumaba baka hinanap na siya ng ginang sa ibaba.
" Hija, bakit ka matamlay?" takang tanong ng ginang sa kanya ng mapansin siyang bumaba ng hagdanan.
Pinilit niyang ngumiti rito," May naalala lang po ako," alibi niya at naglakad palapit sa ginang.
Tumabi siya ng upo sa mahabang sofa.
Nilapag nito ang hawak na papel at tinignan siya." Lara, pwedi bang ikaw muna ang tumingin sa nakita kung property, sa Karatig?" pakiusap ng ginang.
" Tita, pweding pwedi po wala pong problema sa'kin," naka ngiti niyang sabi.
Napag-alaman niya mula rito na marami itong properties, sa iba't ibang lugar. Bumibili ito ng mga lupain at pinagawan ng mga aparment para paupahan.
" Pwedi mo rin isama si Chesca, para may kasama ka at mabigyan oras narin ang mga sarili ninyo, habang nasa Karatig kayo," tukoy ng ginang sa kanyang kaibigan.
Lumapad ang kanyang ngiti," Malamang matutuwa iyon kapag isasama ko siya, wala naman din ibang bukang bibig, ang babaeng iyon, kundi ang mag out of town kami," masaya niyang sabi.
HINDI nga siya nagkakamali ng tawagan niya ang kaibigan, hindi ito nag-alinlangan sumama sa kanya.
Kinabukasan din ay nagpunta sila sa lugar na sinasabi ni ginang Rosario. Matapos nilang makita at kunan ng mga iilang letrato, ay nagtungo sila ni Chesca, sa resort na kung saan sila mag stay, habang nasa Karatig pa sila.
" LARA, halika na!" Tawag ni Chesca, sa kanya ng makita siya na nakaupo sa puting upuan na nasa tabi ng dalampasigan.
Saglit niyang tinigil ang paglalagay ng lotion sa kanyang paa at tinignan ang kaibigan, nagtatampisaw sa tubig," Susunod nalang ako,"sagot niya at muling pinagpatuloy ang ginagawa.
Wala sa isip na lumingon siya sa kanan niya at na agaw ang kanyang pansin sa isang babae, na para bang bata naglalambing sa tatay nito.
Nasa ika pangatlong upuan ang mga ito. Maganda at ma puti ang babae. Naka sout ng pink na bikini na tenernohan naman ng pink na bra.
Kahit maikli ang buhok nito ay bumagay pa rin. Nakatayo ito sa harapan ng nakaupo na lalaki at may hawak na bote ng beer.
" Mauna kanang maligo, susunod na lang ako sayo mamaya, tatapusin ko lang muna 'to," narinig niyang sabi ng lalaki sa babae.
" Marco, sabayan muna kasi ako, mamaya mo nalang ubusin iyan kaya nga tayo nagpunta dito para mag swiming, diba?"naka pamaywang na sabi ng babae.
Kumakabog ang dibdib niya sa kaba ng marinig ang pamilyar na pangalan. Hindi niya inalis ang tingin sa lalaki naka talikod ng upo sa kanya, baka sakaling lumingon ito sa gawi niya.
Nagsawa na ang babae sa pamimilit nito kaya, iniwan na nito ang lalaki. Hinintay niya pa rin lumingon sa kanya, ang lalaki.
Hindi nga siya nagkakamali napalingon ito sa gawi niya at nagsalubong ang kanilang paningin.
Napahawak siya sa kanyang kinauupuan, nang mapagsino ang lalaki. Hinding hindi siya nagkakamali ito ang mukha nakita niya sa tv, ito rin ang lalaki narinig niyang nagpapaalam kay Abner, nang matapos siyang mapagsawaan.
Nangangatog ang kanyang mga tuhod na tumayo para lapitan ito gusto niyang makita ang pagmumukha nito sa malapitan.
Muling bumangon ang poot at galit sa kanyang dibdib. Gusto niya sugurin at paghahampasin ang pagmumukha nito pero, nag pigil siya. Humugot siya ng malalim na hininga para kalmahin ang sarili hindi siya pweding magpa dalos-dalos. Kailangan niyang pag-isipan ng maigi ang kanyang gagawin hakbang. Hindi niya pweding sayangin ang pagkakataon ito.
Hindi pa siya tuluyan naka lapit ng may naapakan siya, " Aray!" napatili siya sa sakit.
Mabilis siyang nahawakan ng lalaki bago pa siya matumba, " Miss okay ka lang?" Tanong nito na nakahawak sa kanyang baywang.
Pinilit niyang makatayo ng tuwid at kumiwala mula sa pagkakahawak rito, pakiramdam niya nandidiri siya sa paglapat ng balat ni Marco, sa balat niya.
Ngunit masakit talaga ang kanyang talampakan at nagdurugo pa ito.
" Miss dumurugo ang talampakan mo," sabi nitong inalalayan siya makaupo.
Agad din itong umupo sa harapan niya at itinaas ang paa niyang may sugat para tignan," Bubog ng bote ang naapakan mo," sabi nito ng makita ang naka baon sa talampakan niya.
Pinilit niyang tumayo, "Wala lang ito," aniya at pilit na lumakad.
" Dalhin na kita sa clinic, para matanggal ang bubug bago pa lumala. Buhatin na kita," sabi nito ng paika-ika ang lakad niya.
" H'wag na, kaya ko naman maglakad mag-isa," tanggi niya kahit namimilipit sa sakit.
" Miss, madami na ang dugo lumalabas, buhatin na kita." Hindi na nito hinintay, sumagot siya, agad siyang binuhat nito.
Nagulat siya sa ginawa nito, tinitigan niya ng maigi ang pagmumukha nito ng makabawi siya sa pagka bigla. Ang daming naglalaro sa isipan niya ng mga sandaling iyon, andun na ang pagbabakasakali na makilala siya nito.
"Ako nga pala si Marco," untag nito sa kanyang pananahimik.
Nagtaka siya kung bakit hindi siya nakilala. Agad din iyon napawi ng maalala ang pagbabago ng kanyang hitsura. " Baka nag maang-maangan lang ito na hindi ako kilala?" pagdududa niya.
" Lara," maikli niyang tugon, " Yong babae na walang kalaban-laban na pinagtutulungan niyo," gusto niyang idagdag pero sinarili na lamang niya.
Kung sakali man nagpapanggap ito na hindi siya kilala ay sasakyan na lamang niya ito. Gagamitin niya ang pagkakataon para makalapit pa sa mga kasamahan nito. "Unti-unti ko kayong pabagsakin, para maramdaman niyo ang sakit na ipinaranas niyo sa'kin," sa kaloob-looban niya na pilit labanan ang galit sa kanyang dibdib.