Revenge-Lara Episode 3

1118 Words
“ Umusog ka muna roon Monica,” sabi ni Marco, sa dalaga na hawak-hawak ang tako ng billiard para tirahin ang bola itim na may letra nueve, na nasa kalapit ng butas sa dulo. “Pare, sa'yo na 'yong chicks na 'yon,” ani Anton sa kanya sabay turo nito sa babaeng nakaupo sa sulok, nasa kaliwang bahagi mula sa kanila. Kasalukuyan silang nasa loob ng bar, na paborito nilang tambayan magkakaibigan dahil maliban sa pag iinom pwedi din silang makapag laro ng billiard at darts na nasa loob din ng nasabing lugar. Saglit niyang nilingon ang tinuro ng kaibigan, saka muling dumukwang,“ Pass muna ako sa chicks!” aniya, saka tinira ang bola at pumasok ito sa butas. “ Napaka shooter talaga nitong kaibigan kung ito,” sabi ni Anton, na tinapik-tapik ang kanyang balikat ng maipasok niya ang isa pang bola. " Bilib talaga ako kay Marco, kahit lasing na nai-shot pa rin," natatawang sabad ni Abner. " Hindi pa ako lasing mga tol, di ako kagaya sa inyo, mabilis malasing," saad niya at agad na nagpaalam. " Mauna na akong umuwi sa inyo, may pupuntahan pa ako," aniya, bago pa malasing ng husto. NAPABALIKWAS ng bangon si Lara, nang maramdaman niya may mga paris ng mga mata naka tingin sa kanya. “ Hija mabuti at na gising kana.” Bungad sa kanya ng babae na medyo, may kaedaran na. Nakaupo ito sa silyang tumba-tumba sa gilid ng kama na hinihigaan niya. “ N-nasaan ako?” bumakas sa mukha niya ang takot ng mapagtanto niya, nasa loob siya ng isang silid. “ Nasa pamamahay kita dinala kita rito, nadaanan kasi kita kanina sa kalsada naka bulagta at walang malay," sabi nito. “ Ako nga pala si Rosario,” pagpakilala sa kanya ng ginang. “ Ano ang pangalan mo hija?” Tumingin siya sa mukha nito, “ Lara po,” maikli niyang sagot na hindi pa rin na alis ang takot. “ Ano ba ang nangyayari sa'yo, ba't ka ba nahimatay sa daan?” Mataman itong nakatingin sa kanya. Napahagolhol siyang bigla at napahawak sa comporter ng mahigpit. Balisang tumayo ang ginang at umupo sa tabi niya. “ Mga hay*p sila ginahasa nila ako, pinagtutulungan nila ako,” naiiyak niyang sabi at na ikuyom ang mga palad. Naramdaman niya ang pagyakap ng ginang sa kanya at tahimik itong hinahagod-hagod ang kanyang likuran. Hinayaan siya nitong ilabas ang lahat ng salaubin niya sa pamamagitan ng pag-iiyak. “ Saan kaba ng galing? Kilala mo ba ang ng gahasa sayo?” sunod sunod nitong tanong ng tumahan na siya. “ Namasukan po ako bilang katulong at tumakas po ako sa amo ko dahil muntikan niya po akong gahasain," muling bumalon ang mga mata sa luha ng inakala niya naka takas siya sa panganib pero sa nahulog pa rin siya sa kamay ng mga demonyo. " Hindi ko po kilala ang buo nilang pangalan dahil nadaanan lang po nila ako sa daan," aniya na humihikbi Napa hugot ng malalim na hininga ang ginang at hinawakan ang kanyang balikat, “Hayaan mo tutulongan kita," sabi nito na hindi na pigilan ang pagpatak ng luha sa labis na pagka-awa para sa kanya. " H'wag kanang matakot, dito ka muna sa'kin at habang naririto ka ay sisiguraduhin kung safe ka," pagbibigay assurance nito sa kanya. Kahit paano nakaramdam siya ng pagka panatag na kalooban na may pansamantala siyang matutuluyan, pero hindi na siya gaano nagtitiwala, " Salamat po," aniya. Tumayo ang ginang, “Maligo ka hija," saad nito ng mapansin ang marumi niyang damit. " May mga damit d'yan sa drawer, mamili ka nalang ng gusto mong soutin. Pagkatapos bumaba ka para makakain ka." Naglakad na ito palabas ng silid. Sinunod niya ang sinabi ng ginang naglakad siya papunta sa banyo, na nasa loob lang din ng mismong silid na tinutulugan niya. Hinubad niya ang kanyang damit at nilagay niya sa basurahan na nakita niya nasa likod ng pintuan. Agad siyang pumailalim sa shower, ninanamnam niya ang lamig ng tubig na dumadaloy sa kanyang katawan. Mabilis niyang kinuha ang sabon ng maalala ang halik ng lalaki na tatandaan niya sa pangalan, Michael. Diniin niya ang pagpahid ng sabon sa buong katawan na animo'y matatanggal ng sabon ang kahayupan na ginawa sa kanya. Nang magsawa na siya ay, nagmamadali siyang lumabas ng banyo at tinungo ang drawer kung saan tinuro ng ginang kanina. Kinuha niya mula sa drawer ang puting terno ng sleeveless na may naka printang bulaklak. Inikot niya ang paningin sa kabouhan ng silid ng matapos siyang makapag bihis. Maaliwalas ang loob, napatingin siya sa kama na kanyang hinigaan, naglakad siya palapit roon at inayos ang mga unan at comporter na nagusot bago siya lumabas ng silid para puntahan ang ginang sa kusina. Nasa ikalawang palapag na siya ng hagdanan, ng mapansin niya kung gaano ka lawak ang loob ng bahay at may mga antik pa siyang nakikita naka adorno sa bawat sulok ng sala. “ Baka nasa ibang bansa ang pamilya nito,” bulong niya sa sarili saka muling humakbang pababa at tinungo niya ang kusina ng hindi makita ang ginang sa sala. "Buti kasya sa'yo ang damit ng pamangkin ko anyway, magka singlaki lang din naman kayo,” naka ngiti bungad ng ginang sa kanya ng makita siya. Naka upo ito sa dulo ng mesa, hawak ang tasa ng tsaa. Pinilit niyang ngumiti at umupo sa tabi nito, " Hindi ko po alam kung paano ko kayo mabayaran sa kabaitan na ipinakita niyo sa akin, pero hayaan niyo po hindi ko po kayo bibigyan ng dahilan para pagsisihan ang ginawa niyong pagtulong sa akin," sabi niya na muling naluluha. Nilapag nito ang hawak na tasa at sinalinan ng kanin ang kanyang plato, “ Nasaan ba ang mga magulang mo?” curious nitong tanong sa kanya. Hindi niya mapigilan ang malungkot.” Hindi ko po alam, basta nalang po silang umalis ng hindi nagpapaalam." Ilang beses itong umiiling-iling ," May mga magulang talaga na kayang iwanan ang mga anak," saad nito, " Hayaan mo mula ngayon, araw na ito kukupkupin na kita, aampunin na kita," na ngingiti nitong sabi," kung gusto mo rin tumira dito sa bahay ko," dagdag nito. Tuluyan na siyang napahagolhol, sa tuwa na sa kabila ng nangyayari sa kanya ay may taong tumulong sa kanya. “ At 'yong mga nang gahasa sa'yo pagbabayarin natin sila, makakamit mo rin ang hustisya. Hindi natin hayaan na matakasan nila ang kanilang kasalanan." Bumakas sa mukha nito ang galit. Napatayo siya sa kanyang inuupuan at nilapitan ang ginang, nayakap niya ito sa subrang tuwa. Tuluyan nang nakuha nito ang kanyang loob. Hindi niya rin maintindihan ang sarili magaan ang pakiramdam niya para sa ginang mukhang totoong mabait naman ito sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD