bc

Timeless Love Series 1: BITTERSWEET (Tagalog)

book_age16+
1.4K
FOLLOW
4.6K
READ
billionaire
revenge
possessive
kidnap
goodgirl
drama
genius
female lead
office/work place
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

"Enough! Take a look with this paper," wika ng lalaki sabay pakita sa kanya ng isang pirasong papel na may nakasulat.

"Oh no, ayoko," pagtatangi ni Haleyah Quill Mercado. Isa siyang model sa isang sikat na clothing company. Hindi siya makapaniwala sa kahilingan ng lalaking dumukot sa kanya.

"Pumayag ka lang sa gusto ko tiyak na hindi ka mapapahamak at kapalit nito ay  ang kalayaan mo, ng iyong ina at lahat ng halaga na nasa ibabaw ng mesa, titulo ng bahay at lupa, at lahat ng makikita mo sa paligid na sakop ng haciendang ito", sunod na wika ng lalaki.

"Hindi ko kailangan ang pera mo. Maawa ka sakin, huwag po." Nagmamatigas siya. Sino ba ang may gusto na ibigay mo lng kung kanino basta-basta ang perlas mo?

  Ang pangyayaring iyon ay magiging mitsa ng paghihigante ni Haleh sa lalaking unang kumuha ng kanyang pinakaiingatang perlas. Maisasakatuparan ba niya ang mga plano?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
MALAKAS ang naging hiyawan at palakpakan sa loob ng bulwagan ng Del Carmin's Clothing and Expo, iisa lamang sa mga kompanya na pagmamay-ari ng isang sikat na businessman. He is one of the handsome and respected sons of Niccolo Del Carmin. Sa tatlong anak, siya ang mas pinagkakatiwalaan pagdating sa negosyo. He is Dann Michael Del Carmin, isang tall, dark and handsome at may kakaibang s*x appeal na hindi pangkaraniwan kaya maraming nagpapantasya sa kanya. Bawat babaeng nakakakita sa kanya ay nahuhumaling sa kagwapuhan ng binata. Maraming tumitili kapag siya ay dumadaan at iyong iba parang ma-iihi sa subrang kilig. Ngayong araw ang pinakahihintay ng lahat ang biggest launch ng mga new trends and classics gown ng isang sikat na fashion designer, sikat dito sa Pinas pati na rin sa ibang bansa. Napakagaling nitong si Claire Mendoza, kaya hindi nagkamali ang mga Del Carmin na tinanggap siya sa kompanya. Matitingkad at napaka-eligante ng mga gowns na suot-suot ng mga modelo. At ang lahat ay masayang ng-aabang sa pinakahuli at pinakadabest na papabida sa itaas ng stage. Ang panghuling gown na pinaka-classic ay siyang maaring e-bid sa kahit anong halaga ng mga gustong bumili. "Finally, the long wait is over. Please welcome the last but not the least, please clap your hands to her," malakas at magarbong introduce ng emcee. Napakaganda ng modelo kung titingnan sa suot nitong red strapless V-shaped gown filled with small and big diamond shaped beads mula sa balakang papunta sa kanyang laylayan, kasing ganda ng suot ni Catriona Gray noong kinorohanan siyang Miss Universe. Lahat ay na amaze, lahat ay tuwang-tuwa ngunit nagtaka na rin ng kaunti dahil nakasuot ang babaeng modelo ng maskara kaya natatabunan ang kanyang mukha ngunit angkop naman sa kulay ng kanyang suot at tanging mga labi niyang nakangiti lamang ng napakaganda ang masisilayan ng lahat. "Good job Claire, hindi talaga ako nagkamaling i-hire ka sa company ko," puri nito sa kanya ng boss niya. "Yes, of course sir; as I promised, I will do all my best." "Okay, by the way who is she?" "Who?" "That girl," sabay turo sa babaeng tinutukoy nito. "By the way the last model, why is she wearing that mask?" he curiously added. "Ah, she's been my childhood friend. She is Haleyah Quill Mercado, half British siya mayaman siguro sila ngayon kung hindi sila iniwan ng ama niya since five year-old siya. Her mother raised her kahit paano, and then nagkahiwalay lang kami ng mag-college. Kumuha lamang siya ng pagiging guro kasi iyon lang daw ang kaya ng mama niya. Napakabait niyang bff ko sir, masipag at saka mapagmahal ay meron pa pala... NBSB yan." "You're so very talkative Claire, how did you do that? And why did you tell me about her life?" Natawa na rin siya sa mga sinabi niya. Sorry sir, na carried away lang sa emosyon ko. Hala papalapit pala siya sir,look!" Tinuro pa niya ang kaibigan. "Ah, okay... But I have to go. Again congratulations sa successful launch na ito." "Thank you. Okay sir, bye..." Hindi na sumagot ang lalaki at agad nang tumalikod. Kahit nakatalikod makikita pa rin ang ganda ng tikas ng kanyang pangangatawan. Kaya ng makarating si Haleh sa harap ng Bff niya ay agad ng naglaho ang imahe ng lalaki. Sayang naman. Hindi pa niya nakikita ang mukha nito, pagkakataon na sana kaso umalis na. Naghahanap ang mga mata ni Haleh. Hinanap niya siguro ang kausap ni Claire."Best, tara uwi na tayo. Kanina pa ako inaantok, napupuyat at stress. Subra kayang nanginig ang buo kong katawan ng unang apak ng paa ko sa stage. Muntik na akong mahimatay pero siyempre iniisip kita at ang pera kung kikitain," malumanay na sabi ni Haleh. "Halika na, wala ng maraming satsat," huminto muna ito. "By the way best thank you so much," wika ni Claire sabay yakap kay Haleh. "Welcome, bff," tugon din nito. Habang nasa biyahe hindi na maiwasang magtanong ni Haleh kung sino iyong lalaking kausap ni Claire kanina dahil hindi niya ito nakita ng malapitan. Kasi ng dumating siya ay nawala na rin iyon. "Best? Tinatanong kita kanina pa, sino ba iyon?" untag niya sa kaibigan na walang ganang sumagot. Naka-focus kasi ito sa pagmamaneho. "Ha? Ang alin? Sino?" "Iyong kausap mo kanina bago ako makarating sa kinaroroonan mo?" "Ah, siya ang boss natin si Sir DM, okay na ba? Nasagot na kita." Wala ng ibang tanong mula kay Haleh, kuntento na siyang malaman na boss nila iyon. Ni hindi pa nga niya nakita ang mukha nito sa malapit, palaging likod lang. Pwede ba iyon? Napaka-mysterious namang tao. Pagkarating ng bahay ay hinanap agad ang silid at agad na bumulagta. Subra siyang napagod, dala ng kaba at stress na ininda niya para lang hindi mapahiya ang kaibigan at para sa pera na rin. Malinis namang trabaho ang pagmomodelo kaya why not di ba? It's an opportunity that she will grabbed, besides malaki ang sweldo, mas malaki pa sa sweldo niya bilang guro. Alas-diyes na ng umaga ng magising si Haleh dahil sa subrang pagod niya. Hindi niya maubos isipin kung ano ang mga nakakatakot at napaka-challenged na ginawa niya sa tanang buhay niya. Kung hindi lang iyon dahil sa paki-usap ng kaibigan niya at siyempre para sa pera na kikitain para sa pantustos sa pagpapagamot sa kanyang inang maysakit ay talagang hindi niya iyon gagawin. °°° Maya-maya ay narinig niyang tumunog ang kanyang cellphone. "Hello? Sino po ba ito?" "Congratulations Miss Haleh your hired and tomorrow you can come here for more instructions." "I'll be there. Thank you so much ma'am." Halos napatalon sa subrang tuwa si Haleh ng umagang iyon dahil sa wakas makakapagturo na siya, mula pa kasi pagkabata pangarap na niya ito. Simple lang naman lahat ng pangarap niya pero hindi niya inakala na maging modelo pa siya ng mga gown. Noong araw din siya pinaki-usapan ng kanyang bff at wala siyang magawa kundi ang tanggapin ang alok niyang trabaho. °°° "Its been six month na pala akong nagtuturo, parang hindi ko namalayan. Then, at the same time part-time model ako sa company ng mga Del Carmin pero hindi ko pa yata nakikita ang pagmumukha ng boss namin ah, gwapo ba iyon?" mga naging pagmuni-muni ni Haleh. "Haleh, anak. Halika muna, tulungan mo akong dalhin sa hospital. Masakit na naman ang puson ko," tawag ng kanyang ina na halos mahimatay na sa subrang sakit ng puson nito. "Nay nandiyan na ako, huwag kang mag-aalala, magiging okay ka nay," mabilis niyang tinungo ang kanyang ina. Agad din siyang naghanap ng mga makakatulong sa kanya na madala sa hospital ang kanyang ina. Halos hindi makakain si Haleh pagkatapos dalhin ang ina sa hospital, mugto na rin ang mga mata dahil sa nangyari. Panay ang agos ng mga luha niya. Labis siyang nag-alala sa kalagayan ng ina ng malamang may stage 4 Colon Cancer ito. Ito siguro ang nakuha ng kanyang ina sa malimit na pagkain at pagkayod kalabaw para makapag-aral siya ng kolehiyo. "Nay, mahal na mahal kita. Nay lumaban ka, ikaw na lang ang natitira sa buhay ko. Hindi ko kakayanin ang mawala ka rin sa buhay ko," wika niya habang hawak ang kamay ng ina niya. "Bff, Tama na iyan, halika na muna. Umuwi ka muna sa inyo. Kumain ka na din at magpalit ng bagong damit. Ako na ang magbabantay kay tita Fe. Bff, huwag kang mag-alala may tulong na ibinigay si sir DM para sa pagpapagamot sa nanay mo." Kahit na napilitan lang si Haleh ay umuwi na rin siya. Tama naman kase ang sinabi ng kanyang kaibigan. Pagkarating sa bahay nila ay kumain saka nagbihis siya ng bagong damit at nag-ayos ng sarili pagkatapos bumalik sa hospital. Hindi muna siya pumasok ng trabaho ng mga ilang araw para maaalagaan muna ang ina. Nagpaalam na rin sya sa kaibigan na hindi rin muna sya makapasok sa company. "Anak, Haleh!" Hinanap agad siya ng ina niya ng magising na ito. "Nay? pasensya na nakatulog ako." "Anak, salamat sa lahat. Mahal na mahal kita." "Nay, mahal na mahal din kita. Pangako ko sayo hindi kita iiwan at aalagaan din kita hanggang kaya ko nay. Magpagaling po kayo at sa bahay ka na lang nay. Hindi ka na magtatrabaho kasi may pera na akong naipon." Makaraan ang tatlong buwan ay naging maayos na ang lahat. Magaling na ang kanyang ina at nagte-take na lang mga suppliments. Naging sikat ding mysterious model si Haleh kasi hindi pa na re-revail ang katauhan niya dahil sa suot nitong maskara. Ang angking magandang pangangatawan at magandang pang-aakit sa madla ay nagdulot sa maraming lalaki ng kagustuhang makuha siya, mahawakan at maligawan. Maraming nahuhumaling sa makinis at balingkinitang katawan ni Haleh. Umuwing pagod si Haleh, kaya hindi niya namamalayang may mga sumusunod sa kanyang tatlong kalalakihan at basta-basta na lang siyang hinarang ng isa, at pinasinghot ng panyo ng isa pang lalaki. Sinilid sa kotse at pinaharorot ng takbo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Denver Mondragon

read
72.7K
bc

THE HOT BACHELORS 1: Gregory Rivas

read
57.9K
bc

Married To A Billionaire

read
1.0M
bc

My Secret Agent's Mate

read
122.5K
bc

Married with the Engineer

read
344.9K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
77.9K
bc

SECRET AGENTS AND COLD HEART

read
181.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook