Kabanata 16

2094 Words

Nalilito ako kung ano 'yong nakita ko mismo sa utak ko. Papasok na sana kami sa malaking tarangkahan ng bigla na lamang ay may nakita na naman ako sa aking isipan. "Anong nangyayari sa'yo Uno?" Muntik na akong mabuwal mula sa pagkakatayo ko at mabuti na lamang ay nariyan si Ace upang hawakan ang kamay ko. "Wala ito, tayo na," pagsasawalang bahala ko. Napapagitnaan ako ni Ace at Nero. Nasa unahan si Ace habang nasa likod ko naman si Nero na nagmamasid pa rin sa paligid. Muli kong nilingon ang bungad ng tarangkahan at nakita ko si Veras na nakatayo lamang habang nakatanaw sa amin na papalayo sa kan'ya. Malakas ang kutob ko na ang nakita kong pangyayaring iyon sa aking isipan ay ay walang iba kung hindi ang nakaraan ng isinumpang diwata. Hindi ko maintindihan kung bakit ay nakita ko pa iyo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD