Ang Isinumpang Diwata Veras P.O.V. Tuluyan ng nalagasan ng hininga si Deseo. Hawak-hawak ko lamang ang kamay nito at hindi ako makapaniwala sa aking nasaksihan. Kani-kanina lamang ay masaya kaming nagkukwentuhan at sa isang iglap lang ay nagpapatayan na kami. Dahil lamang sa isang simpleng 'di pagkakaunawaan. "P-paano m-o i-ito nagawa Lujuria?" nanginginig kong tanong sa kaibigan. Halos hindi ako makahinga nang maayos sapagkat parang pinipisa ang puso ko sa sakit. "Matagal ko ng gustong gawin ito. Matagal ko nang nais na mawala ka Veras. Hindi ko matanggap na nakakaangat ka sa akin sa lahat ng bagay," ani pa nito. "Kawawang Deseo." Umiling pa ito atsa humalakhak na naman siya ng malakas na parang sinasapian siya ng demonyo. Demonyo siya. Demonyo ka Lujuria! Dahil sa inggit ay nagaw

