"N-nero? May gusto sana akong sabihin sa'yo," saad ko. Pinag-isipan ko nang mabuti ang hakbang kong ito at naisip kong hindi nga naman tama nga maglihim ako sa lalaki. Sa dami ng pinagdaanan namin na magkasama ay karapatan itong malaman ang tungkol sa nasaksihan ko. Atsaka ayaw ko ng maglihim pa. Ayaw ko ng mag-isip nang masama si Nero at humantong pa sa hindi namin pagkaka-unawaan katulad nang nangyari no'ng nakaraan sa gubat. "Hmm? Ano 'yon?" tanong nito. Kasalukuyan nakahiga ang lalaki sa kama habang nakapikit ang mga mata nito. Humihingal pa si Nero nang kausapin ko. Nabigla nga akong malaman na may kakulitan pala ang isang 'to. Hindi ako nito tinigilan na kilitiin kanina sa iba't ibang parte ng katawan ko. Bigla na lang kami naging ganito. Mas lalong nagkalapit ang loob namin sa i

