Kabanata 40

1680 Words

Nagising ako dahil sa kadahilanang halos malamog na ako sa yakap ni Nero sa akin. Hindi na ako nito binitawan at kulang na lang maging ahas siya dahil sa paraan ng paglingkis nito sa aking katawan. Nakadantay rin ang mga paa nito na tila ba ginawa akong unan. Dahan-dahan kong inalis ang pagkakayakap nito sa aking katawan at bahagyang sinulyapan ang mahimbing na natutulog na si Nero. Napangiti ako sa nakita ko. Tuwing sa pagtulog mo na lang magigisnan ang mapayapa nitong mukha. Kapag kasi hindi ito tulog ay laging magkadikit ang kilay nito na animo laging galit araw-araw. Dahil sa hindi na ako makatulog pang muli ay napagpasyahan kong magpunta sa maliit na kusina nitong kubo upang mapagmasdan ang pagsibol ng liwanag ng araw. Nasa tabing-dagat kami kung kaya't kay ganda nitong pagmasdan. H

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD