Kabanata 10

2064 Words

"Huwag kang lalampa-lampa!" sigaw ni Nero sa akin. Ilang ulit na niya akong sinigawan dahil lang sa mga napakahina kong suntok at sipa. "Pwede ba break muna?" hinihingal kong tanong sa lalaki. Napaupo na ako sa sahig habang tagaktak ang pawis ko. Nangangalay na ang mga braso ko at nanginginig na rin ang mga tuhod ko dahil sa walang tigil na pagsipa. "Ito lang ba ang kaya mo? Ganito ba kahina ang mga tao sa La Tierra?" tanong nito sa akin. Inis akong tumingala sa kan'ya. Nagsisimula na naman siyang mang-insulto. Atsaka hindi naman lahat ng tao sa pinanggalingan kong mundo ay mahihina. Hindi kasi ako naglalabas ng kwarto at madali akong mahilo. Anong bang inaasahan niya sa isang tulad ko? Pagpatay nga lang ng lamok eh nahihirapan pa ako. "Excuse me lang ha? 'Yong tinatawag mong La Tierra

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD