"Sigurado ka na ba Nero? Ito na ba talaga 'yon?" Ilang ulit ko ng tinanong si Nero kung sigurado ba talaga siya. Sinasabi kasi nito na nahanap na raw namin ang kanina pang pinaghahanap naming lungga ng mga kalaban. "Naiinis na ako sa'yo ha?" tugon pa nito. Kasalukuyan kaming nasa sanga ng puno. Nasa kabilang bahagi siya habang ako naman ay nasa kanang bahagi ng puno. Pareho kaming nakaupo lamang habang nagtatago at nagmamasid sa paligid. May ilang minuto na rin kaming naririto at kanina pa rin namin napapansin na wala ni kahit isa kaming nakitang bantay. "Sinisigurado ko lang. Kataka-taka naman kasi. Tingnan mo nga? Sa palagay mo ay matatawag mo ba 'yang kuta ng mga kalaban?" ani ko. Nasa harapan kasi namin ang maliit na bahay. Ang liit niyon na kahit siguro sampung tao ay hindi magkasy

